Adiel - ito ang tawag sa mga taong may kapangyarihan o may mga abilidad na hindi pangkaraniwan.
Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP) - kawanihan ng pamahalaan sa Pilipinas na ang partikular na responsibilidad ay aralin, tugisin, at puksain ang mga crawlers sa bansa.
BSFP Army - ang mga sundalo ng Bureau of Special Forces of the Philippines na lumulutas sa kasong may koneksyon sa mga crawlers at ang pinaka-kalaban nila, ang NGA Bounty Hunters.
Circarium - ang Latent Phase ng isang crawler dahil mukha itong cocoon ng isang caterpillar bago maging paru-paru. Ito ay nasa proseso ng pagiging isang ganap na Metacercariae ng isang crawler.
Crawler - ang tawag sa halimaw na may limang iba't ibang anyo na pumapatay sa mga tao at sa mga Adiel sa buong mundo. Ginagamit nila ang katawan ng sinumang biktima para makapagtago sa mga NGA Bounty Hunters at BSFP Army o Special Police.
Credit Score - Ang tawag sa pera na ginagamit na pambayad sa NGA Haven.
Metahumanology - ang nag-iisang kurso sa kolehiyo na para lamang sa mga Adiel. Ito ay ang itinalagang kurso ng pamahalaan para sanayin ang mga Adiel na maging parte ng BSFP Army.
Metacercariae - ang nangunguna sa pinaka-delikadong anyo ng crawler o ang Full Grown Phase. Umaabot sa dalawampung metro ang taas ng nito, may anim na mga matang katulad sa isang higanteng pating, may mga galamay, at may kuko na tulad ng sa isang Tyrannosaurus-Rex. Ito na ang huli at ang pinakamalaking anyo ng isang crawler.
Miracidium - ito ang ikalawang anyo ng isang crawler na kilala bilang Butterfly Phase. Meron itong dalawang mga patalim na braso mula sa likuran, dalawang malaking mga mata, may pakpak ito na tulad ng sa paru-paru, may mga ngipin na matatalim, at ang balahibo ay mas makapal kaysa sa oso. Bago ito magkaroon ng opisyal na shell o katawang tao na pwedeng gamitin, kailangan nitong kumain ng labing lima hanggang sa dalawampung tao. Kaya nitong lumipad at kaya nitong gamitin ang dila para manghuli ng biktima.
No Government Allowed (NGA) Haven - ang pinagtataguan ng mga Adiel at ng mga Non-Adiel na tinutugis ng BSFP at ng pamahalaan. Kadalasan ng nasa loob ng NGA Haven ay mga Adiel na ayaw kumuha ng kursong Metahumanology o mga ayaw maging parte ng kawani. Dito rin nagmumula ang mga vigilante bounty hunters o ang mga karibal ng BSFP Army sa paghuli ng mga crawlers.
NGA Bounty Hunters - ang mga miyembro ng NGA Haven na humuhuli ng crawlers kahit walang lisensya at labag sa batas. Sila rin ang nangungunang kaagaw at karibal ng BSFP Army sa pagtugis sa mga halimaw.
Proglottid - Ang unang anyo ng crawlers na kilala sa tawag na Egg Phase. Kumpulan ang mga malalaking itlog na ito sa mga tagong lugar at naglalabas ng toxic fumes na nakakamatay sa mga tao. Umaabot ng kalahating oras bago tuluyang mamatay ang biktima ng nakakalason nitong buga at kapag tumagal sa tagong lugar ang mga itlog ay nag-eevaporate ang fumes nito at nagiging likido na tuluyang lulunod sa mga itlog bago sila magbagong anyo.
Special Forces Act - ang tawag sa kilalang batas para sa mga Adiel, o ang RA 31350. Ito ang batas na umoobliga sa mga Adiel na kunin ang kursong Metahumanology para sanayin na maging miyembro ng BSFP Army.
Special Police - isa pang tawag sa mga BSFP Army dahil sila ay humahawak at lumulutas din ng kaso ngunit may koneksyon lang sa mga crawler.
Sporocyst - ito ang ikalawang pinakadelikadong anyo ng crawler. Ito ang Eater Phase, ang lebel ng anyo ng halimaw na kumakain nang kumakain ng mga tao at Adiel. May ulo, mahabang buhok, at balikat ito na katulad ng isang tao ngunit wala itong buong katawan. Marami itong galamay at ganoon din ang dila nito. Meron itong apat na mata, at bibig na katulad ng sa isang apex predator.
Union of International Special Forces - internasyonal na alyansa ng mga pinakamagaling na mga mantutugis ng crawler sa bansa. Kumakatawan ang bawat miyembro para makipag-ugnayan sa paglutas ng mga problema sa bawat bansa na kanilang pinagmulan may koneksyon sa mga mabibigat na kaso ng crawlers.
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...