Ikatatlumpu't Dalawang Kabanata: Naudlot Na Usapan

9 2 0
                                    

IPINADALA ni Helga ang kumpletong detalye tungkol sa gusto niyang mangyari sa negosasyon kaya't siniguro ni Rutherford na ang lahat ng plano niya ay nakaakma sa magiging daloy ng usapan.

Paulit-ulit sa pagpapaalala ang kapitan dahil desidido itong hindi magkamali dahil kahit maliit na problema ay pwedeng maging rason para mabulilyaso ang buong plano.

Sa buong biyahe ay walang ibang ginawa si Rutherford kundi ang magpaalala. Si Sirius ang nagmamaneho habang si Faker at nasa shotgun seat. Si Galileo at Polaris ay naroon lang nakaupo sa tabi ng bintana pero hindi nakikinig masyado ang dalaga sa sinasabi ng kapitan.

Bagkus ay nakatuon ang pokus niya sa paulit-ulit na tanong sa sarili. Bakit siya gustong kunin ng heneral ng BSFP? Posible kayang alam na nito na anak siya ni Cassiopeia? Gagamitin kaya siya nito para i-blackmail ang ina?

"That's actually a good point. Maybe he really wants to use you to make your mom do things."

Nakalimutan na isara ni Polaris ang utak niya kaya't nabasa agad iyon ni Galileo.

Naalarma naman bigla si Rutherford at agad na nilingon ang dalaga.

"Ano yan anak? Who's making your mom do things?"

Kinilabutan bigla si Polaris at nagtaasan ang kanyang balahibo sa katawan. Hindi niya alam pero iba sa pakiramdam na tawagin siyang anak ng kapitan. Hindi niya maipaliwanag, pero hindi niya talaga maatim.

"Come on. You're gonna have to tell your dad all your troubles." tudyo ni Galileo.

Agad niya itong pinandilatan bago muling hinarap ang kapitan na ngayon ay nakatitig lang sa kanya at nag-aabang.

"Well?"

Ibinuka ni Polaris ang bibig para magsalita ngunit walang lumalabas na kahit anong salita. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag, pero agad din na nalipat ang kanilang atensyon nang biglang mag-anunsyo si Faker.

"Capt, we're here."

Biglang pumunta sa harap si Rutherford para kumpirmahin ang anunsyo habang si Galileo at Polaris ay sabay na nilapitan ang katabing bintana.

Sa labas ng sasakyan ay isang malaking abandonadong pabrika ngunit sa harap niyon ay grupo ng mga armadong BSFP army habang titig na titig sa kanilang campervan. Bilang ng dalaga sa daliri kung ilan iyon pero hindi siya sigurado kung kasama na roon si Helga.

"Be ready. Don't be fooled. There's more to that number of rascals outside. I bet we're surrounded. JUst stick to the plan."

Nang matapat na ang sasakyan sa nakahilerang mga sundalo ay saka tumigil ang sasakyan. Doon natapat ang bintana sa nag-iisang sundalong babae na nakatayo sa harap ng mga sundalo.

Nagtama ang mga mata ni Polaris at ng babaeng nakasuot ng uniporme ng BSFP na may mas maraming pin, mababa, mataba, at sunog ang balat.

Si Helga iyon. Sigurado siya. Nakadagdag lang sa hinala iya ang mala-demonyo nitong ngiti nang magtitigan sila.

"Galileo, North, let's go." utos ni Rutherford na agad namang pinakinggan ng dalawa't tumayo.

Binuksan ng kapitan ang pintuan ng campervan bago naunang lumabas kaya't siya agad ang sinalubong ni Helga.

"Ay, captain! Long time no see!" ngiting-ngiti ito na parang nantutudyo kaya't ginantihan lamang ito ni Rutherford ng malamig na titig.

Sunod na lumabas si Galileo na lalong ikinatuwa ng babae.

"The prodigal son returns!"

"Returning is voluntary. This is forcing the son to come home because his father misses him."

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon