Ikatatlumpu't Apat na Kabanata: Banta

14 3 0
                                    

IT all started when the bureau handled a special case. It was said that there's another type of crawler stronger than a metacercariae. Well technically, the strongest of them all monsters.”

Pinalabas ni Cassiopeia ang lahat dahil gusto niyang makausap nang masinsinan ang anak. Gusto niyang ikuwento kay Polaris mula sa simula hanggang sa panahong nagpasya siyang iwan ang anak.

Ikwinento niya kung gaano siya kasaya at katutok sa trabaho noong wala pa siyang posisyon sa BSFP habang patuloy na tumitibay ang relasyon niya kay Rutherford na noon ay hindi pa rin kapitan.

Nagbago iyon nang magsimula silang ma-promote sa mas mataas na ranggo dahil tuluyan silang naging mahusay sa larangan ng puwersa-militar. Lalo silang naging mas aktibo sa trabaho hanggang sa maibigay sa kanila ang kasalukuyan niyanv posisyon. 

Doon natuklasan ni Cassiopeia ang tungkol sa Exodus unit. Ang unit ng main branch ng Bureau of Special Forces of the Philippines na humahawak sa isang kakaibang kaso ng mga crawler, may koneksyon sa isa na umano’y hari ng mga crawler.

“Hindi ko mapigilan ang magtaka dahil lahat naman ng mga ina-assign sa Exodus Unit, magagaling na sundalo pero wala sa kanila ang natirang buhay. Laging hindi nareresolba ang kaso. I conducted my own investigation secretly. I wanna know what's going on. Pero nahuli niya ako. Nalaman niya kung ano ang ginagawa ko’t gusto niya akong patayin.”

Unti-unting bumalik ang alaala ni Cassiopeia. Naalala niya kung paano niya nilabanan ng mag-isa ang lalaki. Katawang tao pa lang ay hindi na niya kinakaya. Masyado itong malakas, hindi man lang ito mapantayan ng mga metacercariae.

“But he changed his mind. He said he never met someone who handled him like I did and it turned him on. Ginawa ko ang lahat, nak. Gusto kong magtawag ng back-up pero ako ang lumusob ng walang direktang utos galing kay Nichola. Lumaban ako sa abot ng makakaya ko pero… hindi sapat. Ginahasa niya ako.”

Malinaw pa sa memorya niya kung paano siya nito binaboy habang paulit-ulit nitong sinasabi na gusto siya nitong anakan.

“When I escaped, I went straight home. Wala akong ibang ibinigay na rason kundi hindi maganda ang pakiramdam ko. Paulit-ulit akong tinanong ni Ruther kung anong problema pero hindi ako umamin. Hanggang sa natuklasan kong buntis ako.”

Sunod-sunod na patak ng luha ang dumausdos sa pisngi ni Cassiopeia habang inaalala kung paano siya nagsinungaling kay Rutherford at sinabing nanlalaki siya.

Nasasaktan ang ina niya, pero mas triple ang sakit na nararamdaman ni Polaris. Hindi niya akalain na biktima pala ang kanyang ina. Masyado siyang naniwala na malakas ang ina at walang makakatalo rito, pero ngayon ay alam na niyang siya ang nabubuhay na patunay na minsan ay nanghina ito’t naging biktima ng isang krimen.

“Nanahimik ako hanggang sa maisilang kita. Oo, aaminin ko anak, gusto kitang ipalaglag. Gusto ko pa ring gampanan ang trabaho ko, pero noong nakita kita… hindi ko kaya. Minahal agad kita. Sinabi ko na lang sa sarili ko na, sino ako para humangad ng magandang kinabukasan para sa Pilipinas kung ako ang hahadlang sa kinabukasan mo? Wala akong karapatan na magkaroon ng anak at sariling pamilya kung sayo pa lang, pumalya ako.”

Inabot ni Polaris ang pisngi ng ina at marahan iyong hinaplos.

“I had to leave you because they're starting to become suspicious. Ayaw kong malaman ng lahat kung ano ang nangyari, at ayaw kong alamin nila ang tungkol sa'yo kasi alam ko, kukunin ka nila sa akin, Star. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na may mangyari sa’yo. Kaya't nagtiis ako na hindi ka makita nang ilang taon. Gabi-gabi akong umiiyak, kasi hindi ko alam anong nangyayari sa'yo. Namimiss na kita.”

Lalong idinikit ni Cassiopeia ang mukha sa mainit na palad ng anak.

“Hinding-hindi ako nagsisisi na hindi kita pinalaglag. Hindi ka halimaw, anak. Wala akong ibang nakikita, kundi ang anak ko.”

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon