"I just want to say again, congratulations on your first mission. Now listen so that your first task won't be your first failure."
Bago pa sila umalis para gawin ang misyon ay inutusan muna ni Capt. Rutherford si Yuri na ibigay ang mga gagamitin nilang equipment at ituro na rin ang tamang paggamit ng mga iyon. Ngiting ngiti na parang biyaheng langit sina Sirius at Faker habang si Galileo ay mataman lang na nakatitig sa mga gamit. Si Polaris naman ay kanina pa iniinda ang nanghihinang mga tuhod sa sobrang kaba.
"Relax, it's not like we've never killed a crawler before. Not to mention, a sporocyst. The second extremely dangerous phase of a crawler."
Naiwan niya na namang bukas ang utak niya at nagawa na naman dumaldal ni Galileo. Hindi rin naman talaga maikukumpara ang ginawa nila sa totoong misyon sa NGA. Muntik na silang hindi makatakas, at higit sa lahat ay kinakapos sila sa lakas.
"It was still one hell of an experience. It was not just little adventures."
Talagang hindi ito nagpapaawat. Para bang gusto lang talaga siya nito inisin. Sa isip ni Polaris ay parang iyon lang ang gusto ng binata kaya siya nito laging kinokontra. Parte na ata sa trabaho nito ang bwisitin siya.
"You can never be more right."
Hindi na napigilan ni Polaris ang sarili na lingunin si Galileo pero masyadong seryoso itong nakatitig sa ipinapakita na mga gamit ni Yuri, animo'y hindi siya ginagago.
Matalim ang mga mata na dinampot ni Polaris ang sapatos bago iyon ibinato papunta sa gawi ng binata. Akala ng dalaga ay hindi ito makakatunog pero mas mabilis pa sa kidlat na umilag to kaya't tumama iyon kay Faker.
"Aw! Who's the motherfucking一" Nang makita ni Faker kung saan nagmula ang lumipad na bagay ay biglang nawala ang iritadong ekspresyon nito. "Oh, sorry Cutie. I thought it was Sirius."
Nakunot ang noo ni Sirius bago bumwelta, "If it was me, it would have been a table. Not a shoe."
"Why is everyone not paying attention?" inis na sabi ni Yuri bago nilingon ang apat na ngayon ay nagkakagulo na.
"Tell that to Aragon because unlike her, I'm fully committed to this mission."
Nagpantig ang tenga ng dalaga at biglang nahigop ang lahat ng hangin sa silid bago dinuro si Galileo.
"Fuck you! We both know where your true commitment lies, and that's to annoy me!"
Nanlaki ang mga mata ni Yuri sa lutong ng pagmura ni Polaris, ganoon din ang dalawang binata bago mabilis na inawat ang naghihimutok nang dalaga.
"Language, Cutie!"
"Calm down, North."
Natapos ang briefing na walang naintindihan si Polaris. Ang alam niya lang ay nakasakay na silang apat sa campervan na ngayon ay manipis na itim na tela na lamang ang bubong dahil hindi na alam ni Tywin kung saan niya pinatilapon ang bubong ng sasakyan.
Nasa dating puwesto ang apat, pero lahat ay lipad ang isip. Hindi nila alam kung anong mangyayari pero siguradong buwis buhay na naman sila. Kung ano pang iniiwasan noon ni Polaris ay iyon pa ang pupuntahan niya. Gulo, halimaw, at kamatayan.
"Let's get this over with and terminate all those filthy eggs so we can earn our first salary."
***
"Faker, masks."
Dumating na ang takdang oras. Narating na nila ang mining site kaya't wala silang sinayang na segundo at agad na naghanda.
Habang ibinababa ng mga lalaki ang equipment ay nagmasid si Polaris sa buong patag at tuyong-tuyo na kalupaan at ang tumpok ng mga buhangin at graba, animo'y may ipapatayong gusali.
![](https://img.wattpad.com/cover/327247129-288-k393797.jpg)
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...