"I'M so sorry! I thought I could fight back but he was no ordinary monster! It was back when I tried to handle the Exodus Unit case一"
Hindi na natapos pa ni Cassiopeia ang sasabihin nang biglang dumukwang si Rutherford at agad siyang siniil ng halik. Buong akala niya ay mandidiri ito at iiwan siya pero lalo itong lumapit at idinikit ang sarili sa kanya.
Sinasabi ni Rutherford na tuluyan na siyang nakalimot, pero nang halikan niya si Cassiopeia ay parang iyon lang pala ang kailangan niya para mabuhay. Siya lang ang kailangan niya at wala nang iba.
Nang bumitaw si Cassiopeia sa sobrang pagkabigla ay saka na nagsalita si Rutherford.
"Why are you sorry? You've done nothing wrong."
"Because of it, we一"
"If you told me everything, I still would have accepted it. I would have searched for that son of a bitch and sent him to hell. I would have raised North like she's my own. But I understand that you were scared. You were afraid that I would not accept her for what she is." Banayad na hinaplos ng dating nobyo ang kaniyang pisngi, "But right now, I don't want to not be a part of your life anymore. I've waited long enough, Cass. This time, whatever your decision is, I'll stay with you. I will do everything I would have done back then."
Lalong naiyak si Cassiopeia at agad na napayakap kay Rutherford nang mahigpit.
"Do everything you want to do to protect North. Leave her to me and let me prove to you that I can father your child." Sinimulan na haplusin ni Rutherford ang buhok ng ngayo'y muli niyang nobyang, "Leave our Star to me."
***
Kinilabutan si Polaris sa mga rebelasyon sa buhay ng nanay niya. Kung talagang ama niya ang kapatid mismo ng nanay niya, isang malaking eskandalo nga iyon at siguradong marurumihan ang pangalan ng kanyang ina.
Hindi niya tuloy maiwasang paghinalaan ang ama niyang si Taurus. Hindi niya man hinahangad pero sa mapang-abuso nitong ugali, mataas ang tsansa na ginahasa nito ang nanay niya. Oo't hindi naman ito naging masama sa kanya noong magkasama pa silang tatlo sa bahay pero wala pa siyang kamuwang-muwang noon. Maaring masyado siyang inaaliw ng ina kaya't hindi niya makita ang katotohanan. Maaring gusto lang siya nitong protektahan.
Bigla tuloy siyang nilamon ng konsensya. Parang gusto niya itong puntahan at kausapin para na rin humingi ng tawad. Wala siyang alam sa pinagdaanan nito kaya't wala siyang karapatan magalit.
"I can hear a few words but none of it makes sense." ani Galileo na halatang pilit na binabasa ang utak niya.
"Gal, this isn't the right time for you to be nosy."
"Of course it is. I'm finally learning the secrets of Lt. Gen. Aragon. The media would kill for all the information we know."
Mabilis na nilingon ni Polaris si Galileo at tiningnan ang binata ng matalim.
"You've already ruined my life, I'm not gonna let you ruin my mother."
Mataman lang na tiningnan ni Galileo ang dalaga bago napasandal sa sandalan ng upuan.
"It's nice to see you protective of your mother. It's rare."
"For once, will you stop being an ass to North? She's going through a lot and you still managed to add up to her stress!" nakisingit na si Sirius para sawayin si Galileo pero halatang wala naman itong pakialam.
Naputol ang bangayan nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ng kapitan at pumasok si Rutherford na may kakaibang kislap sa mga mata.
"Sorry it took so long."
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...