Ikadalawampu't Limang Kabanata: Trabaho o Pamilya

8 2 0
                                    

"ARE you a fucking mafia now?! You're leading criminals?! I've been gone for years and this is what you did with your life?!"

Kakapasok pa lang nila sa opisina ngunit walang sere-seremonyang sinampal agad ni Cassie si Rutherford bago siya binulyawan ng matindi.

Hindi nagbago ang ugali ni Cassie. Katulad ng dati ay mas matalas pa rin sa patalim ang dila nito at talagang malakas kumpara sa sampung magagaling na sundalo. Pero ang talagang nahalata niya ay ang kakaibang ganda ng babae.

Kung noon ay malalim na ang pagkahumaling niya kay Cassiopeia, ngayon ay mas lalo pa atang lumalim. Sinabi pa naman niya sa anak nito na matagal nang nabaon sa lupa ang pagmamahal niya pero ngayon, parang puso niya na mismo ang bumungkal sa akala niya'y patay na pag-ibig.

"Are you here to arrest me, lieutenant general?" kibit-balikat niyang tanong kahit pa ilang beses siya nitong pinagpapalo.

Umirap si Cassiopeia bilang tugon bago nagpakawala ng mabigat na hininga.

"I'm here for my daughter, and if you'll tell me where she is, I'll be out of your gangster den in no time."

Hindi napigilan ni Rutherford na mapakamot sa batok bago umiwas ng tingin sa dating nobya.

"About that, I might have sent her somewhere I suspect is a proglottid lair."

Ang seryosong mukha ni Cassiopeia ay mabilis na nagdilim at agad na nag-igiting ang dalawang kamao nito.

"What do you fucking mean?!"

"Okay, now calm down."

Mabilis na lumabas mula sa kamay ni Cassiopeia and isang malaking palakol gawa sa isang mala-hologram na uri ng ilaw bago nito itinutok iyon sa mukha ni Rutherford.

"Calm down?! You want me to fucking calm down after what you just said?!"

Mas mabilis pa sa alas kuwatro na umilag ang kapitan nang umamba si Cassiopeia. Tumama sa lamesa niya ang talim ng palakol at halos mabiyak na iyon sa dalawa kaya't agad siyang tumakbo palayo.

"Where the hell did you send my daughter, you bastard?!"

Muling sinubukan ng babae na tagain si Rutherford gamit ang kaniyang palakol ngunit agad na nakailag ang lalaki bago nito iwinagayway ang dalawang kamay para ipakitang sumusuko na siya.

"Okay! Fuck it! I'll tell you where she is just put the fucking axe down!" Napasigaw na sa takot ang kapitan dahil hindi na niya kaya pang ipagtanggol ang sarili.

Mas naging mabilis at marahas ngayon si Cassiopeia. Labindalawang taon din itong nanilbihan sa UISF kaya't siguradong doon ito nahasa nang matindi.

Akala niya'y susubukan na naman siyang tagain ng dating nobya ngunit laking pasalamat niya nang tuluyang iibinaba ni Cassiopeia ang palakol bago iyon nawala na parang bula.

"Where is my daughter, Ruther?"

Inayos muna ni Rutherford ang tayo bago tinitigan si Cassiopeia nang seryoso.

"She's on her first mission as an official bounty hunter of NGA. I sent her on a mining site一"

"Come again? My daughter is a fucking vigilante and you authorized it?"

Hindi na nakapagsalita pa si Rutherford dahil siguradong mapuputulan siya ng dila. Hindi pa siya handang mamatay kaya't nanatili siyang tahimik.

"You knew she's my daughter, and yet you still let her join your fucking gang? Did it ever occur to you how furious I'll get if I found out一"

"Cassie一"

Hindi na natapos pa ni Rutherford ang sasabihin nang bigla siyang sinampal ni Cassiopeia.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon