Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Galit

9 2 0
                                    

"SAAN ka naman pupunta? Alam mo ba talaga ang daan pabalik sa haven?!" galit na tanong Tywin habang yakap ang pagkarami-raming malalaking chichirya.

Kanina pa niya sinusundan ang dalaga dahil hindi niya makita nang maayos ang daan sa dami ng bitbit. Pinagkaitan kasi siya ni Polaris ng supot sa sobrang galit kaya't ngayon ay umaasa na lang siyang gagabayan siya ng dalaga. Kaya nga lang ay mukhang papuntang impyerno ang tungo nito para ipain siya sa demonyo.

"Alam ko. Pero wala akong sinabing doon ako pupunta! At bakit ka sumusunod sa akin? Langaw ka ba?!"

"Oo langaw ako at sinusundan kita kasi basura ang ugali mo."

Lumingon si Polaris at pinandilatan si Tywin sa sobrang inis nang may marinig siyang natumbang metal kaya't agad siyang napatingin sa pinagmulan ng ingay.

Sa eskinita siya dumaan para umiwas sa mga tao nang makaiwas sa mga kalat na special police. Hindi siya umaasang walang daraan doon, siguradong meron. Pero nagbabaka-sakali siya na isa o dalawa lang at nagkataong may isa ngang tao na naroon.

May isang problema nga lang. Ang nag-iisang tao ay hindi talaga tao. Sigurado siyang isang shell ang nasa harap niya ngayon dahil ito'y walang iba kundi si Arturo Rivera.

"Hoy! Ano na?!"

Nanigas sa kinatatayuan niya si Polaris habang nakatitig sa malamig na mga mata ng shell ng metacercariae. Malamig ang pawis na lumalabas sa balat niya habang na-estatwa sa kinatatayuan.

"Takbo, Tywin." bulong niya bago dahan-dahang nilingon ang binata. "Takbo! Ngayon na!"

Magtatanong na sana si Tywin ngunit nang biglang lumaki ang kanina lang ay katawan ng isang lalaki ay wala sa isip na binitawan niya ang mga chichirya.

Nang tuluyan na itong umatungal pagkatapos makapagpalit ng anyo ay doon naramdaman ni Tywin na hinila siya sa pulsuhan ng dalaga.

"May mga sibilyan! Kailangan nilang makalayo rito!" kabado at takot na utos ni Polaris bago inisa-isang kontrolin ang mga tumatakbong tao kasabay nila na mauna.

Nang may madaanan pa silang gusali na may mga tao sa loob ay agad na dinala roon ng dalaga ang kasama at saka sila tumulong sa pagpalabas sa lahat ng naroon.

Nagsimula na ang pag-atake ng metacercariae at sa di kalayuan ay kitang-kita iyon nina Cassiopeia, Rutherford, Galileo, Sirius at Faker.

"Why would it transfer over there?! What the fuck is in his head?!" takang tanong ni Sirius habang kunot ang noo na nakatingin sa binata ng campervan kung nasaan silang lahat ngayon.

"There's only one way to find out." bulong ni Cassiopeia bago mariin na inapakan ang preno saka nilingon si Rutherford na nasa shotgun seat. "I can't be seen with you or else I'll lose my job."

Alam naman iyon ni Rutherford. Hindi na kailangan pang magpaliwanag ng babae, pero tumango pa rin siya bilang tugon.

"You," itinutok ni Cassiopea ang hinlalato kay Rutherford bago niya itinuro ang sarili, "and I didn't meet. You understand?"

Humalukipkip na lamang ang kapitan bago tumugon, "Whatever you say..." Nag-iwas siya ng tingin bago bumulong, "ex."

Siniguro niyang hindi siya marinig ni Cassiopea at siguradong suntok ang aabutin niya. Mabilis itong lumabas sa campervan at nanguha ng motor sa isang tabi, bago niya nakita kung paanong lumabas sa palad ng dating nobya ang isang nagliliwanag na susi na ginamit nito para paandarin ang sasakyan saka ito humarurot paalis.

Nang tuluyang makalayo si Cassiopea ay agad na nilingon ni Rutherford ang tatlong binata sa likuran.

"We can't take this van there unless you have another car you can use in your future hunts."

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon