PANAY duwal ni Adelaide sa loob ng banyo ng campervan kaya't pakiramdam ni Polaris ay bumabaliktad na rin ang sikmura niya.
Labindalawang oras na silang nasa biyahe, siksikan silang sampu sa loob ng sasakyan kaya't parang hindi na sila makahinga, dumagdag pa ang paminsan-minsang alog ng sasakyan.
Nang hindi na kayanin pa ni Adelaide ay tumayo na ito at nagmadaling pumunta sa katabing maliit na lababo.
"Hindi ko na kaya!" aniya bago dumuwal at nagpakawala ng sama ng tiyan.
Sabay-sabay na nag-ingay sa sobrang pandidiri ang mga lalaki at nag-iwas ng tingin kaya't nahiya na rin si Polaris dahil sa totoo lang ay gusto na niyang sumunod.
"If you want to vomit, just do it. We'll stop the van."
Napalingon bigla ang dalaga kay Galileo na nakaharap ang likuran sa kanya habang nakatitig sa daan at nakatayo sa tabi ni Capt. Rutherford na siyang nagmamaneho.
"Okay ka lang anak?" nag-aalalang tanong ng kapitan bago sumilip sa rear view mirror para tingnan si Polaris.
"I have some vapor rub here. You look pale, my love."
Panandaliang nawala ang hilo niya't nagtaasan bigla ang mga balahibo kay Faker nang bigla itong naupo sa tabi niya't naglabas ng pamahid.
Ipapahid na sana ng binata ang daliri sa laman ng maliit na lalagyan ngunit pinigilan niya ito agad at nagpresintang siya na ang gagawa.
"Ingat kayo. Baka magpapalit na ng anyo yan," singit ni Tywin na agad naman na ikinatakot ng kambal na sina Sean at Dean.
Pareho namang pinandilatan ng mga mata nina Sirius at Faker ang binata.
"Shut the fuck up, will you?" galit na bulyaw ni Sirius bago muli akong nilingon ang dalaga at dumukot sa bulsa. saka naglabas ng isang piraso ng mint candy.
"Are you okay? You can't hold it anymore? I'll give you a plastic bag."
Umiling si Polaris bilang sagot bago pinasadahan ng tingin si Tywin na naniningkit ang mga mata sa dalawang lalaki na panay pakalma sa kanya.
"'Tang inang ganda talaga," ani niya sa sarkastikong tono bago naglakad paalis at pumasok sa bed space ng campervan.
"We'll just find a place to stop by. If you can still hold it, get a good hold of it." utos ng kapitan bago lalong pinabilis ang takbo ng van.
***
Tumigil ang sasakyan sa mismong harap ng Mt. Mayon sa Legazpi Boulevard. Tiniis na ni Polaris nang matagal ang pagkalula pero hindi na niya kaya. Sa sobrang sama ng pakiramdam ay hindi na niya nagawa pang mabighani sa magandang tanawin at sumuka sa mismong dagat.
"I know you're all tired sitting for half a day, we might as well enjoy the view outside. Welcome to Legazpi Boulevard."
Natuwa ang lahat at napatigil sa ganda ng perpektong hugis ng bulkan at nagsimulang maglakad-lakad. Talagang hindi sila nag-aksaya ng panahon at dinama ang sariwang hangin habang inililibot ang tingin sa paligid dahil sobrang dami ng tao, at matindi ang bagal ng daloy ng trapiko.
"Kap, saan ba ginaganap ang campaign rally ni Lt. Gen. Aragon?"
Hindi na nakatiis si Adelaide at nagtanong na sa kapitan kung saan pa sila pupunta dahil talagang bugbog sarado na sila sa biyahe. Gusto na talagang magpahinga ng dalaga, lalo na rin si Polaris.
"According to the news, she's going to a nature park because some supporters reserved it for her. It's only a few minutes' ride from here so you all don't need to worry."
![](https://img.wattpad.com/cover/327247129-288-k393797.jpg)
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
FantascienzaKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...