Ikasampung Kabanata: Ang Bagong Banta

9 3 0
                                    

"WHAT we did was self defense! We can explain ourselves to them! We had no choice!" giit ni Sirius habang hindi makapaniwalang isa na siyang kriminal.

Hindi niya lubos maisip anong sasabihin ng pamilya niya sa kanya kapag nakita nila ang balita. Hindi man perpekto pero isa siyang masunuring anak at wala siyang bisyo. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng problema sa kahit sino kaya't siguradong mabibigla ang lahat ng nakakakilala sa kanya kapag nalaman nilang kalaban siya ng gobyerno.

"You're with me. That's why they think you're enemies of the BSFP. If you both go down there to explain yourselves, it would only make things worse. Especially for Polaris."

Hindi na umimik ang dalaga. Tuluyan na siyang nawala sa sarili. Parang gumunaw na ang mundo niya't wala na siyang pakialam sa kahit anong mangyari sa kaniya. Hinayaan niya na lamang na magkagulo ang tatlo habang siya ay nanatiling nakaupo sa sahig.

"You know what? Instead wasting our time arguing, why not just teleport us away this fucking place? It will not take that long for them to find us-"

"Shit! They're here!" sigaw ni Faker nang makitang tumigil na ang grupo ng mga sasakyan ng Special Police, o ang BSFP army.

Umabot ng sampung itim na sasakyan na may kanya-kanyang sampaguita insignia sa labas ng laundry shop at mabilis na pumuwesto ang mga ito't itinutok ang kanilang mga baril, liban sa iba na nakatayo lamang at nakaamba ang mga kamay para mabilis na magamit ang kanilang kanya-kanyang kapangyarihan.

"Napapaligiran na namin kayo!"

Naging alerto ang apat at pinakangtitigan kung meron mang susubok na umatake sa kanila, anumang minutong hindi pa rin sila lumalabas.

"Guanza, you need to teleport us." mariing utos ni Galileo na agad namang ikinataka ni Sirius.

"To where?!"

"Is that even a fucking question?! Anywhere but here!" inis na bulyaw ni Faker kay Sirius habang nakatitig sa mga sundalong nasa labas.

"You have to take the three of us all at once-" agad na naputol ang sasabihin ni Galileo nang umiling nang marahas si Sirius.

"I can't do that! I can't take more than two people, I'm not at that level of my power training yet!"

Napahilot na sa sentido niya si Polaris habang pinapanood ang debate ng tatlo sa gitna ng sitwasyon nilang buhay na ang nakataya. Gusto niyang sigawan ang mga ito ngunit ayaw niya nang sumapaw pa dahil ubos na ubos na talaga siya.

"You suck!" muling bulyaw ni Faker bago napasabunot sa sariling buhok.

"You don't understand the situation, Guanza! Our very first attempt to use our power is their cue to attack! We only have one fucking shot! If you take two, you can't come back for the other one because that person will probably be dead!"

"Leave me here." walang pagdadalawang-isip na saad ni Polaris bago nilingon ang tatlo. "Take these two and leave me to buy time. If they think I'm a criminal then I'll play the fucking part. I don't mind dying, I have nothing to lose."

Natahimik bigla ang tatlo at hindi na nakaimik. Nilamon sila ng konsesya't nakaramdam ng awa sa sitwasyong ginigipit ang dalaga. Alam nilang wala na talaga silang magagawa kundi lumaban, alam iyon ni Galileo. Dahil kahit kailan ay hindi niya piniling sumuko.

"You're not dying. You can take them down, I know it. Guanza will be as quick as possible, he'll come back for you."

"For us." ani Faker at saka tumabi kay Polaris, "I'm not leaving her alone. Just come back in a sec or else I'll blow your fucking head off."

Napatingin si Sirius kay Polaris na ngayon ay halatang nag-iipon na ng lakas. Gusto niyang manatili para tulungan din ang dalaga, ngunit lalo lang lalala ang sitwasyon. Kailangan nilang umalis agad dahil paniguradong may reresponde pang mga militar at maraming madadamay na mga sibilyan.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon