TALIWAS na taliwas sa pagkakakilala niya sa ina ang ikinikuwento ni Galileo. Ang akala niya noon na maunawa, malambing, at mabait na babae na ipinakitang mga ugali sa kaniya ng ina ay naging alamat nang muling ipakilala ni Galileo si Cassiopeia sa ibang katauhan.
"Your mother is a warrior of the future. She holds the highest number of crawler kills in the world, and she's known as the Greatest Metacercariae Slayer. As you can see, your mother is not just some high ranking official. She's a true legend."
Buong akala niya ay isang simpleng sundalo lang ang ina. Natatandaan niya pa ang sinuot niyang uniporme bago umalis at iyon ang una't huling araw na nakita niya ang ina na nakasuot ng BSFP Military uniform.
"She is my dad's greatest competition, that's true. Moreover, I heard there's a more personal reason why he loathes her. I heard he conspired to send her away. He talked to the delegates of the Union of International Special Forces and recommended your mother as the suitable Philippine representative. That's the actual reason why she left the Philippines."
Biglang napatingin sa kawalan si Polaris at muling inalala ang huling araw ng kaniyang ina. Kung paano ito ngumiting lumabas ng pintuan ng munti nilang bahay sukbit ang isang malaking military bag bago siya muling nilingon ng ina at inayos ang suot niyang sumbrero.
Malinaw pa rin na iginuguhit ng kaniyang isipan ang inosenteng mukha ng kaniyang ina, kahit 7 taong gulang pa lang siya nang umalis ito. Kahit pilit niyang binabaon sa limot ay sariwa pa rin ang lahat ng kaniyang sugat.
Ilang ulit siyang nagkumurap bago muling itinuon ang tingin sa hawak na notebook at iniligay sa baba ng pangalan ng ina ang mga impormasyon niyang nalikom matapos ang pag-uusap nila ni Galileo.
Nang muli niyang tiningnan ang lista ay parang lalo siyang umaray sa alok ni Capt. Rutherford. Mahirap abutin ang lebel ng kaniyang ina, ano pa kung lampasan ito? Hindi biro ang pagdadaanan niya.
"I need a damn trainer." bulong ng dalaga sa sarili bago isinara ang maliit na notebook at tumayo mula sa kaniyang upuan.
Hindi pwedeng wala siyang gawin dahil kung ang kapitan lamang ang magsasanay sa kaniya ay siguradong titriplehin nito ang pagpapahirap. Kailangan niyang ipakita na kaya niyang maging mas mahusay.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at lumabas ng kaniyang apartment room para puntahan si Yuri. Pwede niya itong alukin o di kaya ay pwede rin magbigay ang kaibigan niya ng rekomendasyon. Kailangan ni Polaris ng makakapagturo sa kaniya ng mga dapat niyang malaman sa larangan ng pagiging bounty hunter.
Ilang hakbang din ang layo ng apartment room ni Yuri mula sa kaniya pero hindi naman kasing layo ng mga ulupong niyang mga kagrupo. Ang lahat ng pintuan sa bawat silid ay pare-pareho ng estilo kaya't ang palatandaan ay ang mga numero na nakapaskil doon.
Nang maharap niya ang pintuan ng silid ni Yuri ay agad niyang iniamba ang nakasarang kamao para kumatok ngunit bago pa dumampi ang kaniyang kamay ay biglang may tumikhim mula sa kaniyang likuran.
"Umalis si Yuri. Nagpunta sa gym."
Tumambad sa kaniya ang nakahubad-baro na si Tywin suot ang itim nitong jogging pants habang hawak ang nakasukbit na puting towel sa kaniyang kanang balikat.
Maskulado ang katawan ng binata. Halatang batak na batak sa training, at siguradong umaabot na sa isang daang push up. Hindi lubos maisip ni Polaris kung gaano katagal bago niya maabot ang katawang katulad ng sa mga bounty hunter ng NGA.
"Ganoon ba? Sige."
"Pero hindi ka pwedeng pumunta roon ng nakapantulog."
Nakunot ang noo ng dalaga bago pinasadahan ng tingin ang kaniyang damit bago muling tiningala si Tywin.
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Bilim KurguKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...