Ikaapatnapu't Isang Kabanata: Bakasyon

4 1 0
                                    

MALA-IMPYERNO ang buong linggo nina Polaris sa dami at tindi ng misyon na ibinibigay sa kanila ni Rutherford. Minsan ay may mga misyon silang bumibigay na ang katawan ng mga kagrupo niya pero patuloy pa rin ang laban.

Ngayon ay may natapos na naman silang misyon at may mga napatay na halimaw. Naghahanda na silang umalis ngunit agad na nabulabog ng may marinig na sirena ng sasakyan ng BSFP.

“Let’s go! Let’s go! Let’s go!” kinakabahang utos ni Faker bago sumabay sa tatlo na pumasok sa campervan at nagmadaling umarangkada.

Sa likod nila ay ang dalawang police car at dalawa BSFP motorbike kaya’t kung paharurutin ni Sirius ang kotse ay parang wala ng bukas.

Parang lilipad na ang sasakyan sa sobrang bilis pero lalo lang pinabilis ni Polaris ang takbo niyon gamit ang kapangyarihan niya hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ng mga humahabol sa kanila.

Ganoon palagi. Sanay na sanay na sila ngayon sa ganoong pamumuhay. Mamaya’t uuwi sila at mag-aabang ng balita kung ano na naman kaya ang sasabihin ng taong bayan tungkol sa kanila.

Gusto na ni Polaris na magbakasyon. Hindi man iyon ginagawa ng isang bounty hunter pero gusto niyang pansamantalang magpakalayo.

Gusto niyang puntahan ang ina na ngayon ay nasa probinsya ng Albay at abala sa pangangampanya. Ilang linggo na silang hindi nagkikita kaya’t gusto niyang gumawa ng paraan para magkita silang muli.

Ilang taon na siyang nagtiis. Hindi pa ba iyon sapat?

“If you want to go, there’s a branch of NGA in Albay so you don’t have to worry. This is the perfect time to check the other havens.”

Napalingon bigla si Polaris kay Galileo nakasandal lang sa sandalan ng upuan habang mariing nakapikit at halatang pagod na pagod.

“Yes, your head is open. I can still hear you.”

Umiling na lamang ang dalaga bago sumandal na rin at nagpahinga.

***

Nag-aabang ang apat sa unit ni Polaris habang si Faker ay humihilik sa balikat ni Galileo at si Sirius naman ay nakasandal sa sandalan ng upuan at mariing nakapikit.

Hindi nila alam kung bakit sila nakatanggap ng chat sa kanilang tag mula kay Rutherford na kailangan daw nila mag-group meeting pero wala silang nagawa kahit pare-pareho silang gusto nang magpahinga.

Ilang minuto pa ay nakarinig na sila ng sunod-sunod na yabag, pero masyado iyong mabilis at paulit-ulit kaya't nagtatakang tumingin si Polaris sa pintuan at nakitang imbes na ang kapitan ay ang mga kasama nilang mga tenante ng Hell Apartment ang dumating.

“Hi bestie!” masiglang bati ni Yuri bago tumakbo palapit kay Polaris at isiniksik ang sarili sa gitna kahit pa apat na silang nakaupo roon.

“Pagod kayo agad? Anong klaseng misyon ba ang binibigay sa inyo ni kap?” tanong naman ni Adelaide bago kinuha niya at ng kambal ang tatlong upuan sa hapag-kainan.

Walang sumagot sa kanilang tatlo dahil ni magsalita ay hindi na nila magawa.

“Bestie pala kayo. Bakit hindi ka humihingi ng pagkain sa kanya?” singit naman ni Tywin na naupo sa one-seater na bamboo couch kung saan madalas maupo si Rutherford.

“Hindi kasi ako tulad mong parasite. Hindi hingian ng supply ang kaibigan, Tywin. Hindi mo maintindihan kasi wala kang kaibigan,” mataray na sagot ni Yuri bago humalukipkip.

Tumingin si Tywin kay Polaris at taas ang kilay na nagtanong, “Bakit? ‘Di ba tropa rin tayo?”

Sasagot na sana si Polaris pero naunahan siya ni Sirius.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon