Ikaapatnapu't Walong Kabanata: Sinugod

7 1 0
                                    

HINDI lubos akalain ni Nichola na ang mga sinabi ng anak sa balita ang magiging rason ng tuluyang pagbagsak ng ratings niya. Lahat ng sumusuporta sa kanya ay nagsisimula ng magdalawang-isip dahil ang anak niya mismo ang nagsalita laban sa kanya.

Tuluyang narumihan ang pangalan niya. Unti-unting inilabas ng media ang mga hindi naman napansin noon na ginawa niya kaya't nanganganib na bumagsak ang approval ratings niya sa pinakahuling ranggo. Kailangan niyang gumawa ng himala.

Hindi niya magawang saktan ang anak. Kapag kasi may ginawa siyang masama kay Galileo ay lalo siyang kasusuklaman ng taong bayan. Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ikulong ito hanggang sa magtanda.

Kailangan niya nang mahuli ang mga kasamahan ng anak at patayin ang mga ito kung maaari. Lalo na ang anak ni Cassiopeia na si Polaris.

Pero habang tinutugis niya ang mga ito ay kailangan niyang makasiguro na mananalo siya sa eleksyon. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at hinanap ang numero ng isang malapit na kaibigan bago ito tinawagan 

“Hey Nick!—”

“Do it. Start working on rigging the numbers.”

Hindi na niya ito pinatapos pa’t agad na inutusan. Nangako kasi itong tutulungan siya kung sakaling malagay ang pagkapanalo niya sa alanganin. Kampante naman sana si Nichola na mananalo siya. Hindi niya lang inasahan na mangyayari ang lahat ng ito.

“But your son? He’ll immediately notice we did something. I’m sure he’ll tell the media about your connection here.”

“Leave my son to me. I’ll handle him and his bitch. You start rigging those numbers or they'll suspect me if it suddenly changed at the last minute.”

Hindi na siya puwedeng magsayang ng oras. Kailangan niya nang magsimula, ngayon mismo. Dahil kung talagang gusto niyang manalo, wala siyang dapat sayangin na minuto.

***

Naalimpungatan si Polaris nang maramdamang may marahang yumuyugyog sa kanya. Nasa gilid siya nakahiga kaya't hindi naman naistorbo si Yuri pero dahan-dahan pa rin siyang lumingon para wala siyang madamay.

“Kap? Ano pong nangyari?”

“Nothing really. Your mom is just waiting for you in the living room.”

Animo'y tinamaan ng kidlat ang dalaga't mabilis na tumayo at nawala ka agad ang antok kaya't hindi napigilan ni Rutherford ang mapangiti.

Sinundan niya ang dalaga hanggang sa marating nila ang sala at nakita si Jared na nakatayo sa pader katabi ng nakaupong si Cassiopeia sa sofa habang nasa paanan nito ang isang paper bag na may tatak ng isang kilalang brand ng mamahaling clothing line at ilan pang mga mga blangkong paper bag.

“I told you not to wake her up!”

Nagkibit-balikat na lamang si Rutherford bago ngumisi. Alam niya kasing matagal nang gustong makita ni Polaris ang ina niya’t siguradong magtatampo ang dalaga kapag sinabi niyang dumalaw si Cassiopeia pero hindi niya ito ginising.

“Tinatawagan kita, ma. Bakit hindi ka makasagot?”

“Pagkatapos kasi na malaman ng lahat na anak kita, naging mahigpit sa akin ang BSFP. I’m actually close to losing my position pero, I don't mind. They're not gonna take you away from me anymore,” paliwanag ni Cassiopeia bago itinuro ang mga paperbag sa sahig. “Para sa’yo ‘to lahat.”

“What about me?” biglang singit naman ni Rutherford bago lumapit at sinilip din ang mga bag at akmang kukuha na ng isa pero agad siyang pinandilatan ng nobya.

“Those are for my daughter alone, Ruther.”

“Not even one gift for her dad? Come on,” tampo nitong sabi at nagmaktol na parang bata.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon