Ikatatlumpu't Anim na Kabanata: Anino

4 1 0
                                    

“SAMANTALA, nagpasa na ng Certificate of Candidacy ang heneral ng Bureau of Special Forces of the Philippines, na si General Nichola Dela Vega. Opisyal ng tatakbo ang heneral sa pagkapangulo ng Pilipinas na siyang ikinagulat ng marami dahil noon ay hindi umano ito nagpakita ng interes sa pulitika…”

Ang muli niyang pagbukas ng Exodus Unit ay hindi naging hadlang para gawin ang matagal na niyang binabalak.

Nakaupo si Nichola sa harap ng telebisyon habang inaanunsyo ng reporter ang tungkol sa kanyang balak na pagtakbo.

Kilala na niya ang mga posibleng katunggali sa puwesto sa pagkapangulo, pero alam niyang wala sa mga ito ang kayang tumapat sa kanya. Wala nang makakapigil sa mga balak niya.

Hindi pinayagan ng kasalukuyang presidente ng Pilipinas ang balak niyang bombahin ang NGA Haven dahil ayon dito ay magkakawsa iyon ng matinding rally dahil marami pa rin ang talagang dumidipensa sa mga bounty hunters. Kaya’t napagpasyahani ni Nichola na kung hindi niya magawang mapa-oo ito ay siya na mismo ang papalit sa posisyon nito.

Wala nang makakapigil kay Nichola. At kung meron man, sisiguraduhin niyang linisin ang lahat ng kalat sa daanan niya. Kahit na sino pa man iyon.

Kailangan niya na lamang ng mga malakas na kakampi. Kailangan niyang magsimula sa paghahanap ng mga kasama na marami ring taga-suporta.

Kailangan niyang pag-isipan nang mabuti kung sino-sino ang kukunin niya. Iyong may layunin din na ayusin ang bansang Pilipinas at bigyan ng kaukulang parusa ang mga lumalabag sa batas.

Doon biglang sumagi sa isip niya ang isa sa pinakamagaling na sundalo ng BSFP. Ang kanyang mortal na karibal sa kaparehong larangan. Oo’t magkasalungat sila sa pamamaraan pero pareho sila ng layunin. At higit sa lahat ay kailangan niyang siguraduhin na wala siyang katunggali. Kailangan niyang kunin ito sa kanyang panig.

Lingid sa kaalaman ni Nichola na may plano na talaga si Cassiopeia. Handa na rin itong mag-file ng certificate of candidacy, pero sa kapareho niyang posisyon.

At dahil hindi niya alam ay agad na dumiretso ang heneral sa opisina ng kanang kamay at hinintay itong dumating.

Hinalughog pa ni Nichola ang buong opisina para kung sakaling may makita siyang pwedeng magamit para mapilit si Cassiopeia na sumama sa kanya ay agad niyang gagamitin pero malinis. Walang bakas ng kung anong dumi ni butas.

Gusto niyang gamitin ang nag-iisang anak ni Cassiopeia pero siguradong lalo lamang siya nitong tatraydurin. Oo, alam niyang anak nito ang pinag-uusapang bounty hunter ng buong Pilipinas. Hindi man iyon mahalata ng mundo, pero isang tingin pa lang ni Nichola ay talagang nagduda na siya. Lumakas lang lalo ang kutob niya nang makita niya kung paano mag-alala si Rutherford sa dalaga noong araw ng engkwentro ng mga ito kay Helga. Sigurado siyang ang dating kapitan ang ama ng dalaga. Walang ibang nakarelasyon si Cassiopeia kundi si Rutherford.

Pareho silang may anak sa NGA kaya't siguradong layunin nilang dalawa ng katunggali na mailabas muna ang mga anak bago tuluyang mahuli ang lahat ng kriminal na nagtatago sa haven. Hindi man malalim ang pagmamahal sa sariling anak ay kailangan niya pa rin si Galileo. Pero wala siyang pakialam sa anak ni Cassiopeia. Gusto niya itong ipapatay ka agad dahil hangga't nasa panig ito ng kalaban ay magigi itong makapangyarihang kaaway. 

Hindi nagawang patayin ni Helga ang dalaga kaya't hangga't hindi pinapakita ni Polaris na nasa panig niya ito ay kailangan niyang pilitin si Cassiopeia. Baka sakaling makumbinsi nito ang anak.

Pero sa ngayon, wala siyang sasabihin. Hindi niya muna aaminin na may alam siya dahil mas gusto niyang manggaling iyon kay Cassiopeia. At isa pa, mairarason niyang hindi niya alam kapag napatay niya ang dalaga.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon