Ikalabindalawang Kabanata: NGA Haven

10 2 0
                                    

"ALAM mo bang gustong-gusto ko ang kapangyarihan mo? Pero ngayong nakikita ko kung gaano ka kahina, nagdadalawang-isip na ako."

Mabilis na ginamit ni Tywin ang kanyang invisible shield nang biglang paliparin ni Polaris ang lahat ng kutsilyo pataas, ngunit hindi ganun kabilis para tamaan siya. Ngayon ay pinapatilapon na lamang ng dalaga ang mga kubyertos sa kaniya kaya't nawawalan na ng gana ang kalaban.

"Keep throwing, he's bluffing. He's already losing half of his strength while flying, a couple more spoons and forks and his shield is out. Throw the table next."

Sa isip ni Polaris ay malaking tulong ang kapangyarihan ni Galileo sa mga ganoong sitwasyon dahil sa laban ay marami talagang naglilihim. Nakatago sa laban ang totoong kahinaan at malalaman mo lang ang katotohanan kung marunong kang magbasa ng isip.

Inihanda ni Polaris ang sarili at mabilis na napatingin sa mismong lababo, hindi sa lamesa dahil pakiramdam ng dalaga ay mas mabigat iyon kaya't siguradong mawawalan ng malay ang kalaban kapag iyon ang pinalipad niya sa mismong ulo nito.

Kahit si Faker ay handa nang gumawa ng paraan para talunin ang lumulutang na kalaban nang biglang marahas na tumigil ang sasakyan.

Daig pa ng pagyanig ng sasakyan ang lindol at muntik nang tumilapon ang apat. Malakas na napamura si Galileo habang nanlilisik ang mga mata na nakatitig kay Sirius.

"Why the fuck did you stop?!"

"There's a lady!" itinuro ni Sirius ang nakatayong hindi pamilyar na dalaga sa mismong harapan ng sasakyan.

"I don't fucking care even it's a dog! We're being attacked and you're still fucking concerned for her well-being! You kill them or they'll kill us!"

Nabigla man sa sinabi ni Galileo ay hindi ni Polaris masisi ang binata. May punto ito pero masyadong makasarili ang dating at kung narinig siya ng babae ay siguradong sampal ang aabutin niya.

"Mind your own business, Polaris! Keep your eyes on that son of a bitch and we'll deal what's in front!" dinig niyang galit na utos ni Galileo kaya't agad na bumalik ang pokus niya sa kalaban sa taas.

Pinaningkitan naman ni Yuri-ang babaeng nasa harap ng van, sina Sirius at Galileo bago natuon ang mga mata niya kay Tywin na malamig na ang titig sa dalagang panay ang tapon sa kaniya ng mga kutsilyo't kutsara.

"Tywin! Bumaba ka riyan!" matigas na utos ng dalaga na agad na ikinakunot ng noo ng binata.

Nandilim ang mga mata ni Galileo kay Yuri, ngunit nang makita niya ang nasa likuran nito ay saka siya natigilan.

"What the fuck is that?" bulong ni Galileo habang titig na titig sa tila dambuhalang pader, may di kalayuan sa puwesto nila.

Tinungo ni Yuri ang gilid ng sasakyan para mapalapit kay Tywin at muli itong tinawag.

"Ang sabi ko ay bumaba ka riyan, Tywin!"

"At sino ka naman para utusan ako?! Kukunin ko ang van na ito sa ayaw at sa gusto mo!"

"At kailan ka pa nagka-interes sa van na walang bubong? Kapag hindi ka bumaba diyan, iiwan ka naming apat! Bahala ka sa buhay mo!" muling utos ni Yuri bago napahalukipkip at pinaningkitan ang binata.

Nagsisimula nang maging kulay asul ang langit kaya't hindi rin magandang manatili pa sila roon. Kailangan man ng puntos para may pambili muli ng makakakin, ay mas kailangan nila ng tulog. Dama na rin naman ni Tywin ang panghihina ng kaniyang katawan kaya't wala na rin siyang magagawa.

"Do you see what I see, Guanza?" muling tanong ni Galileo kay Sirius habang titig na titig pa rin sa malaking pader sa may di kalayuan.

"What is it?" takang tanong naman ng binata at nilingon ang daan kung saan nakatingin si Galileo ngunit wala siyang ibang nakikita kundi ang mahabang kalsada.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon