Ikadalawampu't Isang Kabanata: Hindi Umalis

20 3 0
                                    

DALAWANG linggo't tatlong araw na ang lumipas pagkatapos na ayain ni Tywin si Polaris ng laban at laking pasalamat naman ng dalaga na bahagya siyang nasanay.

Hindi na siya madaling mapagod at hindi na rin agad-agad na kumikirot ang katawan niya. Ngunit alam pa rin ng dalaga na hindi sapat iyon para mapatumba na niya si Tywin. Ganoon pa man ay natutuwa siyang nagkaroon pa rin siya ng pagbabago.

"You're getting good, cutie. I hope you'll develop more because we're running out of time." ani Faker na halatang tuwang tuwa sa progreso ng dalaga.

Hindi akalain ni Polaris na magiging ganoon ka-seryoso si Faker sa training nila. Akala niya ay lalo lang itong maglalandi ngunit hindi. Bagkus ay walang bakas ng kalokohan ang binata at talagang tinuruan siya ng mga paraang magagamit niya talaga sa laban. Kaya siguro ang binata ang nirekomenda ni Galileo. Kung si Sirius ang nagturo sa kaniya ay baka masyado itong maging mabait.

Ngunit hindi pa rin nawawala kay Faker ang pagtawag niya ng cutie. Iyon na lang sana ang gusto niyang magbago.

"Now, I know everything we did is still not enough for someone who actually had combat experience. Not to mention, Tywin kills actual crawlers. That already says something. If it was me, it'd be one hell of a fist fight." Marahas pang nailing si Faker dahil kahit siya ay aminadong hindi birong kalaban ang isang NGA hunter. "But in case you need a quick move to take him down, you need to muster all your strength and blow at his weak spots. In his balls, if possible."

Kunot ang noo na napaatras si Polaris saka pinakangtitigan si Faker.

"Emergency happens, cutie. You always need to know your way out. It's not that I don't trust that you can win this because I trust you, no matter what. But we can't be there. We can't save you. You have to be your own hero."

***

Hindi nawala sa utak ni Polaris ang sinabi ni Faker. Habang papalapit na ang laban, mas lalo niyang napagtantong kailangan niya talagang matutunan na ipagtanggol ang sarili. Pinili niyang mabuhay nang mag-isa kaya't hindi na dapat siya umaasang ililigtas siya ng iba.

"Will you please shut your head off? We're in the middle of a damn lecture."

Mabilis siyang napalingon kay Galileo na ngayon ay malamig na nakatitig sa kaniya. Imbes na sumagot ay mabilis niyang ipinakita ang gitnang daliri bago muling hinarap ang maliit at de-gulong na pisara kung saan nakatayo si Capt. Rutherford.

"What's the easiest way to kill a crawler?" muling tanong ng kapitan bago nalipat ang tingin niya  kay Polaris na walang kamuwang-muwang.

Mabilis na nag-iwas ng tingin ang dalaga ngunit dahil nahuli na siya ng kapitan ay agad siya nitonng tinuro.

"Yes, Aragon?" matigas na sambit ni Rutherford sa apelyido ni Polaris na ani mo'y may kinikimkim na galit sa buong angkan ng mga Aragon.

"Head, sir. It's always the head."

"But what if you can't hit the head—

"Aim again. You said so before sir, failure is not an option."

Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang gym sa naging mabilis na sagot ni Polaris. Nahiwagaan ang mga kalalakihan sa loob na parang hindi si Polaris ang nagsalita.

"That's not the right answer. But that's the best one I have ever heard."

Animo'y nagmamalaking jowa kung ngumiti si Faker at si Sirius habang si Galileo naman ay kunot lamang ang noo habang nakahalukipkip sa kinauupuan.

"Let's call it a day already. I know you all are looking forward to what's coming tomorrow." ani Rutherford bago muling pinasadahan ng tingin ang dalaga at umalis.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon