TUMATAKBO si Faker ilang hakbang ang layo mula sa hinahabol na magnanakaw nang biglang may umakbay sa kaniya. Sa isang kurap ay biglang bumagsak siya sa likuran ng mismong hinahabol niya na agad namang napadapa sa kalsada dahil dalawang lalaki ang dumagan sa kaniyang likuran.
"Fuck! Take him!" biglang utos ni Sirius nang gumulong ito sa tabi ng magnanakaw habang si Faker ay nasa likuran pa rin ng di kilalang lalaki.
Handa na sana siyang ikulong sa kaniyang bisig ang kriminal, ngunit biglang umikot ang ulo nito paharap sa kaniya. Ang mukha ngayon ng lalaki ay nasa mismong likuran niya, at matalim itong nakatitig kay Faker bago inuntog ang kaniyang noo sa noo ng binata.
Napagulong si Faker sa kabilang gilid ng sahig at napasapo sa sariling noo habang si Sirius naman ay biglang tumayo at saka dinaluhan ang kaninang kaaway niya.
"Don't you dare sleep right now! He's getting away!" singhal ng binata bago muling nilingon ang ngayon ay katatayo lang na lalaki kaya't tumayo na rin siya.
Wala ni isang tumigil para magpahinga man lang. Pilit na hinabol ng dalawang binata ang lalaki hanggang sa umabot sila sa gate ng malapit na abandonadong ospital.
Samantala, pilit na binabasa ni Galileo ang iniwang bukas na isip ni Faker para malaman niya kung ano na ang nangyayari at kung saan na sila umabot.
"I can't hear him anymore." aniya habang pilit na isinisingit ang motor sa gitna ng pagkarami-raming tao sa daan.
Si Polaris naman ay pilit na tinatakpan ang mukha para hindi makita ng kung sino man na may kasama siyang Adiel na nagkakawsa ng gulo. Ayaw niyang magmukhang kasabwat ng binata sa gulo at makulong.
"Will you stop covering your face and help out?" giit ni Galileo dahil napipikon na siya sa rami ng mga kariton at de-gulong na stall sa paligid na nakaharang.
Imbes na sumunod ay umirap na lamang sa isipan niya si Polaris bago dinukot ang mahaba niyang panyo sa bulsa at itinali iyon sa kaniyang mukha.
"If you don't help me out here, I'm going to flash your face in every brain of every person in this place for them to report you to the police."
Nanggigil si Polaris sa sobrang inis bago marahas na ikinumpas ang kaniyang mga kamay. Sa isang iglap ay ang lahat ng mga bagay pati na ang mga pedicab ay umusog sa magkabilang gilid ng daan bago bumilis ang pag-arangkada ng motor.
"Fuck! I just said move all the hindrances! I didn't say control the motor!"
Lalo lang pinabilis ni Polaris ang takbo ng sasakyan ngunit nang makarating sila sa abandonadong ospital ay agad niyang pinatigil ang motor kaya't muntik pang tumalsik si Galileo at nahulog ang kaniyang panyo.
Nakuha ang atensyon niya nang marinig ang isang malakas na atungal mula roon kaya't hindi na niya dinampot pa ang takip sa mukha at agad niyang pinapasok ang sasakyan sa gate habang si Galileo ay panay ang mura dahil wala na siyang magawa.
"Damn it woman! If you want to die, don't fucking include me! Shit!"
Nang marating ang harap ng ospital ay agad na pinatigil ni Polaris ang makina bago dali-daling bumaba at tumakbo papasok.
"You can't handle it alone." ani ni Galileo sa kaniyang isip ngunit dire-diretsong nilusob ng dalaga ang gusali.
Halatang luma na ang ospital. Kupas na ang kulay ng mga pader nito, basag ang mga bintana, at may mga hollow blocks ng nahulog sa sahig mula sa kisame ng ground floor at sahig ng second floor. May mga nakasabit din na mga wire at fluorescent tube na malapit nang mahulog.
Umaalingasaw sa tindi ng baho ang buong gusali. Hindi mawari ni Polaris kung saan nanggagaling ang amoy ng tuyong alak at malangsang amoy na nanunuot sa kaniyang ilong pero inalintana niya na lamang ang lahat at patuloy na naglakad papasok. Napakarumi rin ng sahig. Ang ibang parte nito ay nilulumot na kaya't dumidikit ang pang-ilalim na suot ni Polaris na sapatos.
![](https://img.wattpad.com/cover/327247129-288-k393797.jpg)
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...