"WELCOME to hell!"
Literal na impyerno ang sumalubong kay Polaris nang marating ang Hell Apartment. Kung kanina ay nagtataka siya bakit ganoon ang pangalan ng lilipatan ay kaagad naman siyang nabigyan ng linaw nang makita na niya ang lugar.
Animo'y abandunadong apartment ang lugar. Bakas sa namumutlang kulay ng pintura ang pagkaluma ng gusali. Ang mga bintana sa bawat palapag ay sira na at ang iba ay basag na't tinatakpan na lamang ng mga malapad na kahoy. Sa harap ay isang pulang gate na kinakalawang na't malapit nang matumba dahil hindi na kaya ng mga turnilyo nito na patayuin pa nang tuwid ang bakal na pinto.
Parang ulo na hindi planadong ginupitan ang itsura ng lupa. Kalbo pero may ibang parte na may makakapal pa rin na damo. Tuyong-tuyo rin ang lupa, kaya't maalikabok at talagang nakakarumi ng sapatos. Umabot na sila sa garahe ay wala pa rin silang naaapakan na sementadong sahig. Kung hindi pa nila narating ang hall entrance ng apartment ay mapupuno na ng alikabok ang sapatos nila.
"Pasensya na kayo. Ito na kasi ang pinakamatinong apartment rito sa NGA."
Namilog ang mga mata ni Sirius habang gusot ang mukhang inililibot ang tingin sa maruming paligid. Hindi niya kayang maniwala dahil kung iyon na ang pinakamatino ay hindi na niya lubos maisip ano ang itsura ng ibang mga apartment.
"This place is the perfect real life version of hell. I gotta say, I'm surprised that there's another apartment worse than yours."
Napalingon si Polaris kay Galileo na nakapamulsa lamang habang tinatanaw ang paligid at nang mapunta ang tingin sa kanya ay agad na nagkibit balikat kaya't inirapan niya ang binata.
"Wag kang humingi ng paumanhin, Yuri. Dito na sila titira kaya't wala silang karapatan mag-inarte."
Isa pa sa pinoproblema ni Polaris ay ang mga makakasama niya sa apartment. Sagad na nga ang pasensya niya kay Galileo pa lang, sinasapawan pa ni Tywin.
"Hell Apartment. That's what they'll carve on my tombstone. Unless of course they just bury people here like fertilizers."
Hindi maintindihan ni Polaris bakit sa kaniya nagrereklamo si Galileo imbes na sabihin niya iyon nang direkta sa grupo nina Yuri. O baka takot lang ang binata na awayin ni Tywin.
"Me? Afraid of that motherfucker? Keep dreaming. I'm trying to be nice so Capt. Rutherford won't kick us out." Muling tugon ni Galileo sa utak ni Polaris.
Mabilis na hinarap ni Polaris si Galileo, "You mean you don't want to be kicked out."
Nalipat ang tingin ng lahat kay Polaris bago napunta kay Galileo habang kunot ang kanilang mga noo.
"Who's kicking Gal out?" takang tanong ni Faker kay Polaris na sinagot lamang ng dalaga ng kibit balikat.
"I might." singit ni Yuri bago nilapitan ang counter at nilingon si Tywin. "Bilisan mo na at gusto ko nang magpahinga."
"Sinabi nang 'wag mo nga akong utusan!" inis na bulyaw ng binata bago ito pumasok sa counter at yumuko sa ilalim ng counter top.
Nilingon ni Polaris si Yuri at pabulong na nagtanong, "Si Tywin ba ang pinuno niyo rito o talagang feeling pinuno lang?"
Natawa bigla si Yuri bago malamyang pinalo sa balikat si Polaris.
"It's impossible. A leader should not be brainless and cocky. And don't be fucking stupid and answer me out loud."
Mabilis na nilingon ni Polaris si Galileo at pinaningkitan ang binata bago sumagot. "Don't fucking tell me not to answer out loud! You're annoying the hell out of me so I'm annoying you too! And for the record, it's not like you have nothing in common with him, you're both jerks!"
![](https://img.wattpad.com/cover/327247129-288-k393797.jpg)
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...