Ikaapatnapu't Pitong Kabanata: Nobya

5 1 0
                                    

"BAKIT parang hindi ka ata napapagod, North? Lahat kami rito parang hinihika na, ikaw parang nakukulangan pa ng crawler."

Natigilan bigla si Polaris nang magtanong si Adelaide habang pinupunasan niya ang sarili dahil may mga dugo ng Miracidium na tumalsik sa balat niya't ayaw niyang mag-kawsa na naman iyon ng pagpapalit anyo niya.

Sinamantala niya pang nasa ilalim sila ng tulay at nasa mabatong gilid ng dagat kaya't halos mag-swimming na siya, malinisan lamang ang sarili.

"Crawler siya, Adie. Talagang mala-halimaw ang lakas ng katawan niya."

Nilingon ng dalaga si Tywin na ngayon ay naka-ngisi sa kanya at agad na winisikan ito ng tubig dagat na agad namang ikinahalakhak ng binata.

Masyadong malalaki ang mga bato, ang iba'y mas malaki pa sa campervan nila, ang pangpang naman na patag ay magkakadikit na matatalim na bato kaya't hindi sila makapaglakad nang maayos.

Doon sila nagpapahinga pagkatapos ng sunod-sunod na misyon. Hinahati pa rin naman sila ni Rutherford sa dalawang grupo pero hindi magkalayo ang misyon nila. Tuwing natatapos ay nagpapasya silang magkita-kita sa ibang lugar at paminsan-minsan ay namamasyal.

Matindi ang trabaho nila roon. Mas marami silang misyon sa Albay kaysa sa mismong misyon nila sa kanila kaya't sinusulit din nila ang pag-eenjoy. Talagang matindi lang din ang habulan nila at ng mga BSFP army na tinutugis sila hanggang doon.

Sakto namang may mga wangwang ng umalingawngaw sa taas ng tulay kaya't agad silang nagsitayuan para umalis ngunit habang panay ang hakbang para makalipat ng susunod na malaking bato ay biglang may tumawag sa likuran nila.

"Polaris Aragon! Pwede ka ba naming ma-interview?!"

Tiningnan si Polaris ng lahat niyang mga kasama na parang naghihintay ng isasagot niya.

"If you don't want to, just say you're already tired. Just be nice," suwestiyon ni Sirius sa dalaga na agad namang sinang-ayunan ng iba.

"Kahit ilang minuto lang, Ms. Aragon! Hindi ka namin isusuplong sa BSFP, gusto ka lang namin makausap! May mga katanungan lang kami!"

Ilang segundong nag-isip si Polaris. Hindi siya sigurado kung ano ang gagawin. Natatakot siya sa mga pwedeng itanong sa kanya ng mga reporter, pero ayaw niya ring isipin ng media na snob siya't walang pakialam.

"Face it, Aragon. They won't stop until you give them something newsworthy," pang-uudyok ni Galileo kaya't walang nagawa si Polaris.

"Sige na. Hintayin n'yo na lang ako sa taas."

Nagkatinginan ang walo bago naglakad ngunit imbes na paakyat ay lumihis si Galileo at sinundan si Polaris.

Nabigla na lamang ang dalaga nang may humawak sa likuran niya't inalalayan siyang lumapit papunta sa mga naghihintay na reporter.

"Anong ginagawa mo rito? I told you all to just wait!"

"Those people are good at twisting information. You need me. They're gonna pressure you into saying things you don't actually mean."

Gusto niya mang tumutol ay wala naman din siyang magawa dahil may punto si Galileo. Baka may kung ano siyang masabi na ikakasira lalo ng NGA. Kailangan niya ng kasamang nababasa ang tumatakbo sa utak ng mga reporter na iyon.

***

"So kinukumpirma mo ang statement ni Lt. Gen. Cassiopea na anak ka niya?"

"Opo."

"Totoo bang si Capt. Rutherford Ignacio ang iyong ama?"

Nanonood ang lahat ng balita sa sala ng bahay ni Dr. Kravinzly dahil inaabangan ng mga ito na ipalabas ang interview ni Polaris at ni Galileo.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon