Ikalimang Kabanata: Unang Pagsasama

9 3 0
                                    

"THAT was fun. I'd like another tour but your cafeteria's next. If you don't mind."

Tinitigan ni Polaris nang matalim si Sirius saka ikinuyom ang dalawa niyang igting na kamao na kanina pa kating-kati na lumipad sa bagang ng binata. Nang mahalata iyon ni Sirius ay agad siyang natawa.

"Okay! Okay! I guess we're not! Chill!"

"You teleported 10 books to your house from each bookshelf." mariing paalala ni Polaris habang hindi nawawala ang matalim na titig nito kay Sirius.

"I know! I know! But how about this, you get to go to my school, and take some stuff there as well! Anything you like!"

"I don't want anything to take there other than your life."

Lalong lumakas ang tawa ni Sirius saka umiling nang mabilis bago muling kinausap si North sa marahang boses.

"I have no intentions on telling other people about your secret, okay? I only threatened you because I badly wanted the tour. I promise, I will never tell a living soul about you being an Adiel, okay? I just want us to be friends."

Napahalukipkip si North bago tinaasan ng isang kilay ang binata, "You don't blackmail your friend, asshole."

Ngumisi si Sirius, "Why are you so mean to me, North? I'm just being nice and friendly."

"Friendly?! Nice?! You think threatening me is nice?!" bulyaw ni Polaris bago igting ang bagang na umiling, "I'm outta here! I've already missed all my subjects, I'm not going to miss my work shift for your shenanigans." Mabilis na tinalikuran ni Polaris si Sirius dahil punong-puno na talaga siya sa binata ngunit agad nitong hinuli ang kaniyang pulsuhan sabay hila sa kaniya pabalik.

"North, come on! I'm sorry! I didn't mean to offend you, okay? That's the last thing I want. I promise I will never do it again."

Parang nagtatampo na nobya ang datingan ni Polaris sa isipan ni Sirius. Natutuwa ang binata sa kung paano ito ngumuso at gusto niya lalong lambingin ang dalaga. Nahuhumaling siya sa kung paano magmaldita si Polaris. Hindi siya sanay na tinataboy ng babae, kaya't mas lalo niyang gustong kulitin ang dalaga.

"I can teleport you to work. You can save your fare and your trip will be quicker. How 'bout it?"

Ilang segundong seryosong tinitigan ni Polaris diretso sa mata si Sirius bago niya tinapik ang nakahawak na kamay nito sa pulsuhan niya.

"Forget it. Using powers is forbidden in the coffee shop."

"Then I'll teleport you somewhere closer to the shop. Please? Let me do this. Don't be mad."

Kanina pa inis na inis si Polaris pero talagang ayaw siyang tantanan ni Sirius. Kahit pa sabihin niyang layuan siya ay lalo lamang itong dumidikit. Para itong langaw na kahit anong hawi niya ay bumabalik at sa huli, siya lang ang mapapagod.

"Damn it! You're so persistent! Why won't you just go away?!" singhal ni Polaris bago napakamot sa ulo niya, "If I let you do this, you fucking promise me that I'll never see you again, you understand?! I want you to leave me alone! Plain and simple!"

Nakaramdam ng panlumo si Sirius habang nakatitig sa galit na mukha ni Polaris. Gusto pa naman niya ang dalaga, ngunit halatang halata rito na ayaw niya sa kaniya.

Napabuntong-hininga si Sirius sa sobrang pagkadismaya bago walang ganang napatango. "Okay. I'm sorry."

Dismayadong inakbayan ni Sirius si Polaris bago agad na pumikit para alalahanin kung saan sila lilipat bago tuluyang nawala ang dalawa sa school grounds at napunta sa harap ng bentahan ng relos, ilang hakbang ang layo sa pinagtatrabahuhan ni Polaris.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon