Epilogo

21 2 0
                                    

KADILIMAN ang bumalot hindi sa mundo kundi sa mga puso ng lahat ng miyembro ng NGA. Ang pagkawala ni Polaris ay nagsilbing malaking tanda ng pagkawala ng pag-asa para sa kanilang mga nakakulong pa rin. Ang kapangyarihang meron ang mga nakatataas ay ginamit sa kasamaan kaya't ang kalayaan ay hindi para sa lahat at ang kabutihan ay hindi laging mananaig.

Nagluksa ang buong haven sa pagkawala ng isa sa pinakamagaling na bounty hunter ng NGA kasabay ng malaking piging sa kampo ni Nichola na tuluyang nanalo sa election.

Isinisi ng ngayo'y presidente ng Pilipinas ang gulong nangyari sa Legazpi sa kampo ni Polaris at pinalitan na ni Cassiopeia si Rutherford bilang pinakanangungunang traydor sa Pilipinas dahil inakusahan ang dating lieutenant general na nag-alaga at nagpalaki ng crawler para gamiting armas laban sa BSFP.

Dahil sa nangyari ay lalong naghigpit ang seguridad ng lahat ng branch ng NGA haven kaya't naging masyadong tago na rin ang operasyon ng mga bounty hunters.

Pero imbes na magtago ay lalong nawala ang takot ni Galileo. Lalo siyang nawalan ng pakialam. Kung hirap bumisita sina Cassiopeia at Rutherford sa puntod ng yumaong anak ay hindi pumalya ang binata.

Pagkatapos ng misyon, dumidiretso lagi si Galileo at kahit pa may nakakakita sa kanya ay walang nangahas na lumapit sa binata. Hinayaan lang siya ng mga ito at hindi pinakialaman.

Si Galileo ang nagpumilit na magkaroon ng maayos na libing si Polaris. Kahit pa tuluyang nawasak ang katawan ng halimaw na anyo ng dalaga dahil panay ang kuha ng mga siyentista ng sample ay pilit siyang naghanap ng maayos na puntod.

May mga bumisita rin doon, lalo na ang mga taong minsan ng nailigtas ni Polaris. May mga naghandog ng din ng bulaklak kaya't ipinatong ni Galileo ang dalang long stem rose sa ibabaw ng bouquet bago tahimik na tinitigan muli ang puntod ng dalaga.

Isang taon na ang lumipas pero sinisisi pa rin ni Galileo ang sarili. Namatay ang dalaga para sa wala. Hindi man lang nakuha ng ina na maging presidente, hindi man lang napalaya ang mga miyembro ng NGA.

Mas narumihan ang pangalan ni Polaris. Lalo siyang pinagmukhang kriminal kahit na ito ang pinaka-inosente sa kanila. Namatay ito ng walang hustisya.

Hindi kinaya ni Galileo ang bigat ng nararamdaman at tuluyang inilayo ang tingin nang bigla niyang mapansin ang tila nakabukas na libro sa katabing puntod. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya na kunin iyon pero pinulot niya pa rin ito't binasa.

Kopya iyon ng bibliya, at nakabuka sa libro ng Genesis. Ang simula ng lahat. Ang pinakahinahangad niyang sana'y mangyari.

Kung kaya lang sanang ibalik ni Galileo ang lahat sa simula. Gusto niyang ulitin ang lahat at baguhin ang mga bagay na dapat sana ay binago niya para hindi sila umabot sa masalimuot na puntong iyon.

"I didn't know that being with those people influenced you to be religious."

Hindi na niya kailangan pang lumingon. Alam ni Galileo na nasa likod niya ang ama na siguradong tuwang-tuwa dahil nakuha nito ang matagal na niyang gusto.

"Just shoot me and be done with it. I don't want to be in any place you own." Igting ang panga niyang hinarap ang ama bago tinitigan ito na nagdidilim ang mga mata.

"I'm the president of the Philippines, boy. I own the whole country."

"Then shoot me dead already. You already got what you want and I'm so fucking done with you."

Natahimik si Nichola at malamig na tinitigan lamang ang anak. Galit na galit ito sa kanya at alam niyang wala na siyang magagawa pa para maalis iyon. Kailangan niyang tanggapin na kaaway na talaga ang tingin sa kanya ng anak.

"I long gave up on you too, Gal. But you're still my son. I can't kill you nor arrest you. I came here to see if you're still determined to defend your father's enemy."

Napakuyom ang mga kamao ni Galileo.

"I'm so determined, I'm willing to die for them."

Napangisi bigla si Nichola bago tiningnan ang puntod ni Polaris.

"For them? You mean her."

Lalong umigting ang kamao ni Galileo na halos ikasira na ng hawak na bibliya. Wala itong karapatan na isama sa usapan si Polaris lalo pa't ito ang pumatay sa dalaga.

"You see son, we have a lot in common. We look alike, we think and speak alike, but you know what else?" tumigil siya ng isang segundo, "we, Dela Vegas, will never have our Aragon. They are not for us to have. They are out of or league一"

Mapait na natawa si Galileo bago umiling nang mariin. Talagang may galit pa ang ama sa mga Aragon. Talagang hindi nito matanggap at umabot pa sa puntong gusto siya nitong itulad sa kanya.

"That's the difference between us, Dad." Napalitan ang galit niyang ekspresyon ng pagmamalaki, "I had mine. If you didn't shoot her, I would have been holding her hand in front of you and we'll both watch you die in envy because you can't have what we have. I had my Aragon. But because you don't want to be the only Dela Vega with a bitter ending, you wanted to make me miserable. You took her away from me."

Unti-unting nabalot ng galit si Nichola habang nagsisimulang tumalim ang titig sa anak. Nakumpirma ni Galileo na talagang tinamaan niya ang ama niya. Nasaktan ito, pero hindi iyon sapat para maiganti niya si Polaris.

"I will kill every single last one of them. Tell the NGA scums to hide well." Iyon na lamang ang nasabi ni Nichola bago inis na umalis at tinungo ang sasakyan nito.

Samantala ay naiwan nang mag-isa si Galileo habang nakatitig pa rin sa paalis na sasakyan ng ama bago muling tiningnan ang gusot na librong hawak.

Wala na si Polaris. Pero ang kasamaan. Naroon pa rin ang ama niya na handang magpalaganap ng kalupitan. Masakit man ay kailangan nilang magsimula ng panibagong kuwento. Kasama ng ngayo'y mga bagong kakampi.

Kinuha ni Galileo ang tag at agad na tinawagan si Faker.

"Hey Gal一"

"I have a name for our team. Whether you and Guanza like it or not, I'm going to put it on our tags."

"Oh come on! What name is it?! That better be good!"

Ngumisi lamang si Galileo bago nilingon ang puntod ni Polaris.

"Genesis. Our name is Genesis."

*WAKAS*

*WAKAS*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon