Ikaapatnapu't Limang Kabanata: Ang Mapanganib Na Bisita

4 1 0
                                    

MABILIS na sinagot ni Cassiopea ang biglaang tawag ni Nichola at nakaupong pinanood ang hologram ng ulo nito na nagbigay liwanag sa kuwarto ng kanyang hotel na tinutuluyan.

"Did you just let those fucking hunters leave after your campaign? Are you out of your goddamn mind, Cassie?!" Umatungal ito na parang galit na galit na leon sa sobrang inis at pagkadismaya.

Alam ni Cassiopea na makakarating ang balitang iyon sa heneral kaya't inabangan niya na talaga ang tawag.

"I don't send my supporters to jail, Nick. Besides, they didn't do anything wrong nor any crime in the event. One of them even saved my life. You expect me to repay their support with jail time? I don't think so."

Hindi maipaliwanag ni Cassiopea ang saya nang makita ang anak na nanonood. Hindi siya magpapasindak kay Nichola para sirain ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Muntik nang matunaw ang puso niya nang makita kung gaano kadeterminado ang nag-iisang anak na protektahan siya. Hinding-hindi niya iyon pagpapalit sa posisyon sa BSFP. Ipinagmamalaki niya si Polaris.

"I hope you know what you're doing, Cassie. You're gonna regret that you let those criminals get away from what they did," pambabanta ng heneral sa kanya, ngunit hindi siya nagpasindak at tinaasan lamang ng kilay ang karibal.

"What did they do? Tell me exactly what they did, Nick. I'll be the judge if they deserve your punishment."

"You'll never be the judge of them, Cassie. I am the judge. I am the only one who has the right to decide whether someone deserves to be punished or not. You are not, and you will never be qualified. I am the law."

Natawa na lamang si Cassiopea bago umiling nang marahan. "You're still a dictator, Nick. And you wonder why you're not everyone's choice for president? Look in the mirror and you'll see a heartless monster."

"And who's fault is that, Cassie? Who brought out the monster in me?"

Nawala ang tuwa niya't napalitan ng seryosong titig. Iyon ang ayaw niyang ugali ni Nichola. Ang hilig nitong isisi ang maling ginagawa sa iba. Iniisip nito na lagi siyang tama at ang kasalanan na ginawa niya ay dahil sa kapalpakan ng iba.

"It was not my fault that I didn't choose you. Clearly, I made the best decision of my life. It is your fault that you let your jealousy consume you, Nick. Just because of one woman, you ruined your life forever."

Gusto nitong iparamdam ang sakit na nararamdaman sa iba. HIndi nito matatanggap na siya lang ang hindi masaya.

"I didn't ruin my life, Cassie. If my life is indeed ruined, then I wouldn't be sitting here and enjoying my authority. The day you chose Rutherford was the day I realized there's more to my life than you. I am not ruined, but you still hurt me. You caused me great pain. I am Nichola Dela Vega, no one has the right to hurt me. Those who dare, shall be punished. And you, Lieutenant General Aragon, deserve the worst punishment I have ever given anyone. You'll feel my pain and I'll give it to you tenfold."

***

Pagkatapos ng pag-uusap nila kagabi ng doktor, gumising si Polaris na iba na ang pagtrato sa kanya ni Dr. Kravinzky. Normal na sa kanya na masyadong mabait si Capt. Rutherford pero hindi ang kaibigan nito.

Siya lang ang may mansanas na ito mismo ang humiwa't nagbalat, siya lang ang binigyan ng gatas, at siya lang ang hinahayaang kumuha ng pagkain sa ref. Ang iba ay kailangan may ibigay na pang-ambag na kapalit sa stock bago kumuha.

Binigyan niya sina Yuri at Adelaide pero natunugan iyon ng lahat at sinugod siya para humingi kaya't dalawang slice na lang ang natira sa kanya.

Ngayon ay nasa sasakyan silang lahat dahil katatapos lang ng matindi nilang bakbakan sa mga tinapos na misyon dahil hindi nila lubos akalain na mas malala pala ang mga kaso na naroon kaysa sa kaso na meron sila.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon