"IS that Lt. Gen. Cassiopeia?" manghang tanong ni Sirius habang titig na titig sa ina ni Polaris na ngayon ay nagmamadaling maglakad palapit sa kanila.
"Finally! The real hero has arrived!" natutuwang saad ni Faker sabay taas ng dalawang braso para magdiwang.
Samantala, mataman lang na nakatingin si Polaris habang iniisa-isa ang mga detalye ng pisikal na pagbabago sa ina.
Mahaba pa rin ang buhok nito pero unti-unti na ring namumuti, kinukulubot na ang balat pero hindi talaga nagbago ang matikas nitong tayo na animo'y palaging may martsa.
Nang magtama ang mga mata nila ng ina niya ay biglang nakaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib niya si Polaris.
Samantala ay kabaliktaran iyon sa naramdaman ni Cassiopeia. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang mamukhaan ang ngayo'y dalaga na niyang anak.
Nasa katamtaman ang tangkad ng kaniyang unica hija, pero mas pumayat ito kaysa noong bata pa ito na may katabaan. Ngunit ang ikinamangha ni Cassiopeia ay nang mahalata niya ang pagkakamukha nila ng anak. Namana nito ang halos lahat-lahat niyang pisikal na katangian kaya't nakita niya ang sarili kay Polaris noong siya'y dalaga pa.
"Star!" tawag niya sa anak bago ito mabilis na ikinulong sa kaniyang mga bisig na agad na ikinataka ng mga kasama nito.
"They know each other?" bulong na tanong ni Sirius bago ito binatukan ni Faker.
"Are you fucking blind? She's obviously her mother!"
"I missed you so much!" Halos madurog na si Polaris dahil sa higpit ng pagkakayakap sa kaniya ng ina. Nang matauhan ay bigla na itong bumitaw pero agad naman siya nitong hinawakan sa pisngi bago siya pinasadahan ng tingin mula paa pataas sa kaniyang mukha.
Hinayaan niya muna na gawin ng ina niya ang gusto nitong gawin sa kaniya ngunit nang bumitaw na si Cassiopeia ay agad niyang nilapitan si Capt. Rutherford.
"Anong susunod naming gagawin, kap?"
Nahalata ni Rutherford ang pag-iwas ni Polaris kay Cassiopeia at nakaramdam siya ng awa sa dating nobya bago muling tinitigan ang dalaga.
"Nothing, your mission is done here. You can go back to the haven with the team and let us handle this."
Biglang nadismaya si Polaris. Hindi niya inasahan na ganoon ang magiging tugon ng kapitan kaya't agad na kumunot ang kaniyang noo.
"What do you mean I'm done? I'm not done here. There's a crawler terrorizing people and she's here! You said you want me to be better than her so let me prove it to her! She's already watching!"
Lalong nadismaya si Rutherford. Mukhang siya pa ata ang nagtulak sa dalaga para lalong kamuhian ang ina nito. Hindi niya masisi na galit ang dalaga pero habang pinapanood niya si Cassiopeia na unti-unting nanunubig ang mga mata ay may kung anong kumukurot sa puso niya.
"No. You're not yet ready, North. You need to control your impulsiveness or it will kill you. Now go back to your team and let your mom handle the rest. You're done."
Tinitigan ni Polaris nang mariin ang kapitan at doon niya napagtantong hindi iyon dahil sa hindi siya handa. Mas panig ito sa kaniyang ina.
"And here I thought you've moved on." aniya sa malamig na boses bago nagsimulang magmartsa palayo sa lahat.
"North!" tawag ni Sirius bago ito nag-teleport sa harap mismo ng dalaga at sinubukan itong harangan. "Hey, tell me what's wrong. We can't just walk away in the middle of this一"
"You heard Capt. Rutherford right? The mission's complete. Now leave me alone, I can't deal with this shit right now." galit niyang saad bago dinamba ang binata at muling naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science-FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...