Ikapitong Kabanata: Makikituloy

10 3 0
                                    

ISANG oras na pinagpahinga ni Polaris ang sarili habang si Sirius at Faker ay aligagang naghahanap ng puwedeng mapagkuhanan ng tubig dahil hindi sila puwedeng lumakad pabalik sa kung saan sila pumasok dahil siguradong naroon ang mga awtoridad para mag-imbestiga. Wala namang ibang ginawa si Galileo kundi itama sila na para bang laging mali ang bawat galaw ng tatlo.

Pagkatapos na makapag-ipon ng lakas ay ipinagpilitan na ni Polaris na kailangan na nilang umuwi. Ibang direksyon nga lang ang kailangan nilang tahakin dahil naririnig pa rin nila ang wangwang ng mga kotse ng mga kapulisan. Hindi rin sila mai-teleport muli ni Sirius dahil hindi na kaya pa ng katawan niya. Ubos na ang sapat na pisikal na lakas ng binata para gumamit pa ng kapangyarihan at ang tanging magagawa niya na lamang ay maglakad.

Kahit pa nagsisimula ng dumilim ay patuloy nilang pinasok ang kakahuyan sa likuran ng ospital, nagbabaka sakaling may daan doon patungo sa kalsada.

"I think we're really heading in the wrong direction." ani Sirius habang pakiling-kiling ito sa paligid na para bang may hinahanap.

Napairap na lamang si Faker bago nilingon si Galileo. "Gal? You read anything?"

"Nope. Just the animals. I guess we have no choice but to wait for the officials to leave before we go back."

Sabay-sabay na napaupo ang tatlo sa madamong lupa bago bumuga nang malakas na para bang ilang kilometro na ang kanilang nilakad.

Ilang segundong natahimik ang apat habang walang ibang nagawa kundi ang paglaruan ang anumang nakikita at puwede nilang mapulot.

Mananatili na sanang tahimik ang lahat ngunit natawag ang pansin ng tatlo nang biglang napa-igik si Faker. Nang nilingon nina Galileo, Sirius, at Faker ang binata ay agad na tumambad ang binti nitong nagkukulay lila na.

Pinunit na pala ni Faker ang pantalon para makita kung ano ang sitwasyon ng nananakit niyang binti. Hindi niya inasahan na ganoon na pala kalala dahil kinaya niya pa namang indahin iyon buong oras.

"What the hell?!" biglang sigaw ni Sirius sa sobrang pagkabigla.

"So that's why you're trying to block your mind. You don't want me to know." ani Galileo habang marahang tumatango.

Si Polaris naman ay agad na dinaluhan ang binata para makita sa malapitan ang kaso ng binti ni Faker.

"That sure looks like internal bleeding. We gotta get him to a hospital right now to get him checked." utos ng dalaga at akmang handa nang tulungan si Faker na makatayo nang biglang sumitsit si Sirius.

"I think I hear someone's coming!" ani nito kaya't panandaliang nanahimik muli ang lahat at doon narinig ang sunod-sunod na yapak ng mga paa.

"I can't read it." ani Galileo na biglang ikinatakot ng apat dahil walang ibang ibig sabihin iyon kundi meron na naman silang kakaharapin na halimaw.

Ang hindi alam ng apat ay nakatanggap ng utos ang BSFP army na suriin ang kakahuyan sa likod ng ospital, at ang nangunguna sa paghahanap ay walang iba kundi si Helga. Ang personal na sekretarya ng heneral ng BSFP. Isinara niya ang kaniyang isip dahil alam niyang mababasa iyon ni Galileo kaya't maaaring makatunog ito na naroon siya.

"I know you're in here, Galileo! Are you with that friend of yours again?"

"Shit!" pabulong na mura ni Faker nang makilala niya ang boses ng babae, "Why the fuck is Helga here?! This is bad!"

"Who the hell is Helga?" takang tanong ni Polaris habang sabay-sabay silang tatlo na hinihila si Faker nang dahan-dahan patago.

"Are you talking about the general's secretary?" tanong naman ni Sirius na kinakabahan na rin dahil sa itsura nina Faker at Galileo na hindi mo maipinta.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon