Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata: Ang Doktor

7 1 0
                                    

“WHY are you so impulsive?! Why can’t you control your anger, young lady?! A simple burst can jeopardize everything we have worked for!”

Animo'y ama ni Polaris kung kagalitan siya ni Rutherford pero hindi niya ito masagot dahil literal namang ito na ang tumatayo niyang ama.

Nakayuko lang ang dalaga at nakatitig sa lamesa sa harap niya habang nakatayo nang tuwid si Rutherford kahit na mabilis na umaandar ang van dahil si Dean na ang pinagmaneho ng kapitan.

“With all due respect, captain, she acted upon her instinct. Any child will go ballistic if she sees her mother in danger.” pagtatanggol ni Yuri sa kaibigan ngunit agad itong tinitigan ng masama ng kapitan.

“You think I don't know that?”

Agad na yumuko na rin si Yuri dahil sa takot kaya’t muling binaling ni Rutherford ang tingin sa anak-anakan.

“We did everything we could to show everyone that we’re not the monsters they think we were. But even a simple tantrum can ruin our image. The media made us look like real angels, they can make us look like creatures of hell within a matter of seconds, so please think. Don't bring your recklessness here, we’re representing a good leader. So be good followers.”

Natahimik hindi lang si Polaris kundi ang lahat. Pakiramdam nila ay para silang mga celebrity. Hindi pwedeng magpakita ng baho dahil iniingatan ang imahe.

“I’m sorry, cap. I can't promise it will not happen again because I don't think I’d stand still if I ever see my mom in danger, but I’ll be careful. I’ll try to be careful.”

Hindi iyon ang sagot na gustong marinig ni Rutherford, pero iyon na siguro ang pinakamalapit kaya't wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga.

“You're so like your mother,” ani nito bago lumapit lalo sa dalaga at muling nagsalita pero ngayon ay sa malumanay na boses, “I know you miss your mom. That's also the reason why I approved this trip. I know you're looking forward to it, you don't even give me good food anymore. All I want is to keep you safe, okay?”

“You do realize you have his ass right?”

Imbes na makapagpokus sa kapitan ay sumingit sa utak niya si Galileo na ngayon ay kita niyang nakatitig sa kanya ng seryoso.

“Why not try to be rough to get your way? Try to, I don't know, make him work hard to get your blessing.”

“‘Wag mo akong bulungan ng masamang ideya na Satanas ka.”

Nakuha ang atensyon ng lahat nang bigla na lang tumawa si Galileo kahit wala naman itong kausap.

“I thought of a joke,” kumunot ang noo ng lahat kasama na mismo si Rutherford na halatang nainis sa ginawa niyang pag-istorbo, “but I don't think it's funny for everyone.”

Napahilot sa sentido niya si Polaris bago umiling sa sobrang pagkadismaya sa mismong team leader ng grupo niya. Pagdating nila sa pansamantalang tutuluyan ay babatukan niya talaga ito.

***

Manghang-mangha ang lahat ng mga batang kasama ni Rutherford nang pumasok sa parking lot ng isang magarang malaking hotel ang van.

“Ito ang NGA dito?! Shit! Gusto ko nang lumipat!”

Hindi makapaniwala si Tywin at ang lahat ng mga kasama niya habang nakatingin sa lahat ng bintana ng kotse.

Lahat pa ng naka-park na sasakyan ay masyadong magara, kaya't halos maulol na ang mga binata sa sobrang tuwa.

“Ang daya! Bakit hindi ganito sa atin?! Mas mataas ba ang sweldo rito?”

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon