Ikaapatnapu't Siyam Na Kabanata: Kulong

4 1 0
                                    

"I HAVE been waiting so long for this day, Ignacio. So much that it's more than a satisfaction for me to see you bleeding like this."

Malakas na hagulhol ni Adelaide at pagmamakaawa't pagmumura ng lahat ng mga nasa loob ng malawak na piitan ang umalingawngaw ngayon sa tenga ni Gen. Nichola Dela Vega. Lalo lamang ginanahan ang heneral na latiguhin ang dating kapitan ng BSFP na si Rutherford habang humihiyaw ito sa sakit at pagdurugo ng likod.

"Hayop ka talaga! Napaka-hayop mo!" galit na sigaw ni Yuri kaya't muling hinampas ni Nichola si Rutherford.

Nakakulong nang magkakasama sina Adelaide, Dean, Sean, Tywin, Sirius, at Faker habang nakakadena sa bawat sulok ng silid. Sa gitna nila ang nakadapa ngayong kapitan habang nilalatigo, binubugbog, at paminsan-minsang kinukuryente ni Nichola.

"I'm going to kill you slowly, Ruther. I will beat you to death and afterwards, I'm going to kill your daughter."

Gustuhin niya mang sumagot, hindi magawang magsalita ni Rutherford dahil sa nakataling tela sa kaniyang bibig. Namumuo ang matinding galit sa sistema niya ngunit nananaig pa rin ang matinding kirot. Ngayon ay nadagdagan pa ng pag-aalala nang maalalang wala sa piitan ang anak niyang si Polaris.

Hindi siya puwedeng mamatay ngayon. Kailangan niyang indahin ang lahat dahil kung hindi, pupuntahan na nito ang anak niya. Kailangan niyang maging matibay anuman ang mangyari dahil ayaw niyang mapahamak ito. Habang buhay siyang sisisihin ni Cassiopeia kung magkataon.

"I will watch you die, Rutherford. I want to deliver your lifeless body to Cassie myself."

Ang lahat ng nasa silid na iyon liban sa heneral ay naghahangad na ng himala. Na sana ay may biglang dumating para palayain sila sa kamay ng demonyo. Lahat sila ay nakagapos at sinasakal ng suppressors kaya't wala silang magawa. Wala silang pisikal na lakas para masira ang mga kadena.

Samantala, hindi pa rin ni Galileo iniintindi ang sigaw sa labas kung saan sila nakakulong ni Polaris dahil mas nakapokus ang binata sa subukang kalmahin ang dalaga.

Nagsisimula nang magbago ang katawan ni Polaris. Mas dumami ang kulay lilang ugat na kitang-kita sa balat ng dalaga. Animo'y see-through na ang balat ni Polaris at nakikita ni Galileo ang kaloob-looban nito. Nagiging lila na rin ang balat ng dalaga at humahaba lalo ang kuko.

Wala siyang magawa dahil may suot din siyang suppressor. Hindi niya mapasok ang utak ng dalaga kaya't wala siyang magawa kundi tawagin ito.

"Aragon, wake up! Wake the fuck up, please!"

Nakatalikod si Polaris kay Galileo habang nakahiga sa sahig. Nanginginig ang dalaga na parang kinukuryente.

Ang hindi alam ng binata na sa loob ng utak ng katawan ng dalaga ay ang mismong konsensya nitong nakakulong sa kadiliman.

Naririnig ni Polaris ang boses ni Galileo pero hindi siya makalingon dahil wala siyang kontrol sa sariling katawan.

"Wake the fuck up, Aragon! You're changing!"

Pagkasabi niyon ng binata ay biglang napuno ng kulay lila na usok sa paligid ni Polaris kaya't agad siyang kinabahan. Unti-unting napuno niyon ang utak ni Polaris hanggang sa dahan-dahan siyang natatakpan.

Hindi niya lubos akalain na nangyayari na nga ang sinabi ni Dr. Kravinzky. Ngayon pa na akala niya'y panalo na sila. Mananalo na ang ina niya, maganda na ang takbo ng lahat. Talagang hindi papayag si Nichola na hindi manalo.

Akala ni Polaris ay mamatay na siya. Sumigaw siya sa takot ngunit biglang lumiwanag ang mga palad niya't naglikha ng pulang ilaw bago iminuklat ang mga mata't doon napagtantong bumalik na ang diwa niya sa sariling katawan. Agad niyang nilingon si Galileo na biglang nanlaki ang mga mata sa obrang pagkabigla.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon