Ikatatlumpu't Pitong Kabanata: Boluntaryo

6 1 0
                                    

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Polaris at Yuri ay tumambad sa kanila sina Adelaide, Dean at Sean, Tywin, Galileo, Sirius at Faker na titig na titig sa telebisyon na parang may inaabangan.

Nanonood ang lahat ng balita, ngunit nang dumating si Polaris ay napalingon agad ang lahat at tiningnan ang hawak niyang supot kung saan nakalagay ang buong inihaw na manok.

Amoy na amoy iyon sa buong silid kaya't halos maglaway ang mga bisita niya ngunit agad ring natigilan nang biglang tumikhim si Rutherford.

“Don't tell me none of you have taken lunch yet before you came here? Dito na nga kayo tumatambay, iaaasa n’yo pa sa anak ko ang pagkain.”

Hindi alam ni Polaris kung matutuwa siya’t pinagsabihan na rin ng kapitan ang mga ito na huwag umabuso, o makakaramdam ng matinding kahihiyan dahil tinawag na naman siya nitong anak. Masyado na talaga nitong pinaninindigan ang pagiging pangalawang ama niya.

“Ruther, let them be. Come here, Star. Let's eat.” tawag ni Cassiopeia sa anak habang inilalapag ang mga pinggan na gagamitin.

Didiretso na sana si Polaris nang biglang makita niya ang mukha ni Tywin sa balita.

“Oh, ayan na! Manood kayong lahat!” ani ng binata na animo'y nananabik sa atensyon.

Napilitan tuloy na manood si Polaris at nanatiling nakatayo sa sala habang si Yuri naman ay nakisingit sa mga kagrupo niyang nakaupo sa sahig.

“Kasama ko ngayon ang isa sa mga bounty hunters na rumesponde rito sa barangay Sta. Elena. Sir, ano po ang masasabi n’yo ngayong itinalaga ng heneral ng BSFP ang shoot-to-kill sa inyo at tinutugis kayo ng lahat ng Special Police kahit na ang hangad n’yo lang naman ay tumulong sa taong bayan?" 

Taas noo at nakangiting-aso na tinitigan ni Tywin ang kamera bago ipinakita ang kanyang gitnang daliri.

“Ito po. Ito po ang masasabi ko sa kanilang lahat.”

Lumakas ang tawanan sa loob ng silid habang ang kambal na si Dean at Sean ay pinagtitrip-an si Tywin.

“Ganyan sumagot ng interview! Ayos ka talaga, boss!”

Marahang umiling na lamang si Polaris bago nilingon ang lamesa kung nasaan ang ina niya at doon naupo sa tabi ni Cassiopeia bago ipinatong sa lamesa ang biniling ulam.

Si Cassiopeia ang naglagay ng manok sa malaking plato habang si Rutherford naman ay biglang tumayo at lumapit kay Polaris bago nilagyan ng kanin ang plato ng dalaga.

“Is this enough?”

“No, she eats more.” ani Cassiopeia kaya't dinagdagan iyon lalo ng kapitan.

“Okay na po yan, kap.”

“Still not calling me papa?”

“Don't push her, Ruther. It's my daughter's call if you're worthy.”

Napabuntong-hininga na lamang si Rutherford bago nagsimula nang kainin ang pagkain sa plato.

Nang maupo si Cassiopeia ay muli niyang tiningnan ang grupo ng mga kabataang nanonood pa rin ng balita.

“Hinayaan ko silang pumasok dito kasi, they asked politely. They said you were friends with them. Pero okay lang ba talaga sa iyong nandito sila? Hindi ka naman ba naiinis?”

Gusto niyang sabihin sa nanay niya na wala naman talagang problema basta ‘wag lang siyang ubusan ng grocery package. Pero ayaw niya nang mag-alala ito kaya ngumiti na lamang siya.

“Wala naman pong kaso—”

“Tywin, get your team out of the room. After our lunch, we’ll have a meeting. Galileo, turn the TV off and start working on your new plans. Your next mission is dangerous.”

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon