Ikalabintatlong Kabanata: Ang Kapitan

14 2 0
                                    

"IT would be an honor to be a resident here, if the captain will allow us." walang pagdadalawang-isip na sagot ni Galileo nang pormal silang tanungin ni Yuri kung papayag ba ang grupo na maging opisyal na residente ng NGA.

Hindi na niya tinanong pa ang tatlo at kusang nagsalita para sa kanila kahit pa hindi sila sigurado. Kung magiging residente sila roon ay tinatanggap na rin nilang kalaban sila ng gobyerno.

"Great! The captain will be thrilled to welcome new hunters!"

Namilog ang mga mata ni North sa sinabi ni Yuri kaya't agad niyang tinawag ang pansin nito.

"Pero ayokong maging bounty hunter. Pwede ba akong humingi ng ibang trabaho?"

Natahimik bigla ang lahat at natuon ang tingin kay Polaris. Alam naman nina Galileo, Sirius, at Faker, na iwas talaga ang  dalaga sa gulo, pero nabigla pa rin sila sa pagtanggi niya.

Sa kabilang banda ay hindi naman makapaniwala ang grupo ni Yuri sa naging reaksyon ni Polaris.

"Bakit ayaw mo? Hindi biro ang kapangyarihan na meron ka. Tsaka isa pa, mas malaki ang kita ng bounty hunters kaysa sa kahit anong trabaho sa NGA. Ngayon nga ay hirap na hirap kaming makabili ng maayos na pagkain kahit mas mataas ang sweldo namin sa iba, paano na lang kung ibang trabaho kukunin mo? Sa tingin mo may makakain ka pa?" tanong ni Adelaide habang kunot ang noo na tinititigan si Polaris na pinangalawahan naman nina Dean at Sean.

"She's really not into fighting. We actually just dragged her into this situation. She didn't take Metahumanology." pagtanggol ni Sirius sa dalaga.

"Sa tingin ninyo kami oo? Wala naman sa amin pumasok sa tanginang course na yan! Talagang kapag naghihirap ka na, wala kang magagawa kundi kumapit sa patalim!" reklamo ni Tywin bago inis na muling sumandal sa pintuan kahit walang katapusan ang pag-alog ng sasakyan.

"Ganito na lang, North." singit ni Yuri nang mahalatang tumataas na ang tensyon. "Ayon na rin naman ang main office," aniya at itinuro ang isang gusali sa labas, "bakit hindi mo pag-isipan kapag nakausap ka na ni kap?"

"You have nothing to lose anymore, woman. Might as well just be a fighter than to rot in a place like this."

Napalingon si Polaris kay Galileo nang magsalita na naman ito sa kaniyang isipan. Parang nawalan tuloy siya ng gana na harapin ang kapitan ng NGA dahil ang lahat ng mga tao sa paligid niya ay pinipilit siya sa bagay na hindi niya naman talaga gusto.

Hindi siya tulad ng magaling niyang ina, at lalong ayaw niyang maging tulad niya. Nangako siyang hinding-hindi siya susunod sa yapak nito dahil ayaw niyang gayahin kung paano nito tinalikuran ang responsibilidad niya sa pamilya.

"So that's your true reason."

Napalingon ang lahat kay Galileo na marahang tumatango habang nakatitig sa harapang bintana ng van.

"What reason?" takang tanong ni Faker sa kaibigan ngunit agad na naiintindihan ni Yuri kung sino ang tinutukoy ng binata kaya agad niyang pinagsabihan si Polaris.

"Think of nothing. Relax your brain, and then imagine all your thoughts going to a void. Meron akong naging kaklase na mind reader at ilang linggo akong nagsanay na magsara ng utak. Delikado siyang kasama, kadalasan sa kanila mga traydor."

Nagusot agad ang mukha ni Galileo bago mabilis na umiling.

"Even if you close it, you're all still an open book."

Saktong tumigil ang van sa harap ng isang flat bungalow kung saan may nakadikit na mga letra na gawa sa metal sa taas ng doorway. Maganda man ang umiilaw na mga salitang Main Office sa taas ng entrada ng opisina ay panira sa mata ang kabuuang itsura ng panlabas na anyo ng gusali.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon