"I can't with your fucking impulsiveness! You are so out of control!"
Kalat na ang balita. Akala ni Polaris ay nagpunta roon si Galileo para magbigay pa ng dagdag impormasyon tungkol sa kaniyang ina ngunit pagkapasok niya sa mismong pinto ng apartment room ay agad siya nitong kinagalitan.
"What else do you want me to do?! He's pissing me off!"
"Well you should've just tossed him out of the room! That's what you're good at right?! You're out of your fucking mind to ask him for a physical fight! Why aren't you thinking before spitting fire?!"
Hindi na nakapagsalita si Polaris at nanahimik na lamang katulad ng ginawa niya nang pagalitan siya ni Yuri. Sunod-sunod ata ang aabutin niyang sermon.
"But what's done is done. You already agreed. If you back down now, he'll only make things worse. Knowing that motherfucker, he'll stop at nothing."
Napakamot na lang sa ulo si Galileo bago dismayadong umiling kay Polaris.
"Learn how to control yourself! You'll be the death of everyone if you don't change that damn attitude!"
Nagsisimula na tuloy kabahan ang dalaga. Kanina ay wala pa siyang nararamdamang takot nang hamunin niya si Tywin sa laban. Ngayon ay nagsisimula na siyang mangatog.
"You're going to train yourself to death. He's maybe an arse but he's experienced! He'll kill you before you even blink an eye. Don't you dare miss one training if you still want to live long enough for us to be official bounty hunters. At least let yourself be killed by a crawler, not by some fucking asshole."
***
Inalay ni Polaris ang lahat hanggang sa huling patak ng kaniyang pawis sa training. Wala pa mang nagbabago ay pilit niyang gustong magkaroon ng progress. Kailangan niyang sagarin ang sarili sa loob ng tatlong linggo.
Hingal na hingal na nakahiga si Polaris sa kaniyang higaan nang bigla siyang makarinig ng munting katok sa pintuan kaya't agad siyang napaupo.
"Pasok!"
Dahan-dahang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Yuri na nahihiyang humakbang papasok.
"Sorry about me yelling at you yesterday. Nabigla lang din ako." aniya sa malumanay na boses habang pinanatili ang distansya mula sa higaan.
Mabigat na buga ang pinakawalan ni Polaris bago marahang tumango saka muling nahiga.
"Don't be sorry. It was my fault anyway."
Dahan-dahang lumapit si Yuri sa pwesto ng dalaga at naupo sa tabi nito kahit pa natatakpan si Polaris ng kulambo.
"Nag-aalala lang ako. Iba kasi si Tywin makipag-pisikalan kahit sa hindi kalaban. Kung patay, patay."
Napabuntong hininga na lamang si Polaris habang nanatiling nakahiga sa pwesto niya dahil sa sobrang pagod.
"Halata naman. Hindi ko lang alam bakit sumagi sa isip ko na pumayag sa hamon niya."
"Baka nadala ka lang. Naiintindihan ko naman iyon, pero kailangan mong masanay. Kapag kasi nahahalata ni Tywin na pikunin ka, lalo niyang sinasagad ang kagaguhan niya."
Nabalot ng katahimikan ang buong silid ng ilang minuto at tanging paghinga lamang ng dalawang dalaga ang maririnig bago muling nagsalita si Yuri.
"How about this," nilingon niya si Polaris, "If you can still kick, let's go to the gym right now. I'll help you train if you want."
Napaupo ka agad si Polaris at makinang ang mga mata na hinarap si Yuri.
"You would really do that?"
"Well, gusto kong makabawi. Tulungan kita kung paano mapapatumba si Tywin."
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...