Ikatatlumpu't Limang Kabanata: Balita

6 2 0
                                    

NAGISING si Polaris sa ingay ng electric fan na sa una ay pinagtakahan niya dahil ang alam niya’y naka-aircon sa ospital. Nang imulat ang mga mata ay saka niya lang napagtanto na nakauwi na siya.

Tumayo siya’t iniwan ang higaan para sumilip sa bintana at nakitang madilim pa. Nang tingnan niya ang oras sa tag na suot ay alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Nasanay na siyang gumigising nang napakaaga.

Nakita niyang magkatabing natutulog ang kanyang ina at ang kapitan sa sahig na agad niyang ikinasorpresa. Iyon ang unang beses niyang nakita na may katabing matulog ang ina. Hindi siya sanay pero ininda niya na lang at dumiretso sa kusina para ipagtimpla ang sarili ng kape.

Gusto niyang manatiling gising, pero hindi nakakatulong ang dilim at lamig kaya't napagpasiyahan niyang lumabas. Kailangan niya lang ng ehersisyo para tuluyang magising.

Bumaba siya sa ground floor ng Hell Apartment para dumiretso sa gym at doon nagsimulang mag-self-training.

Akala niya ay sosolohin niya lang ang lugar ngunit dumating bigla si Tywin bitbit ang isang malaking tsitsirya na mukhang galing pa sa ninakaw niya sa supermarket suot ang kakaibang ngiti sa labi.

“Maaga gumising. Pinaghahandaan mo na ba agad ang pagpapalit-anyo mo?”

Napatigil sa pagsuntok si Polaris sa punching bag bago nilingon ang binata.

“Anong pinagsasabi mo?”

“‘Wag ka nang magmaang-maangan pa, North. Alam na ng lahat ang tungkol sa pinaka-tinatago mong lihim. ‘Wag kang mag-alala, hindi ako natatakot sa’yo.”

Kumindat pa ito na parang lalo siyang iniinis. Doon lang naintindihan ng dalaga kung ano ang tinutukoy nito.

“Lumayo ka sa akin kung ayaw mong ikaw ang una kong lapain.”

Pagak na natawa si Tywin bago nagpameywang habang si Polaris naman ay nagpatuloy sa ginagawa.

“Hindi mo man lang itatanong kung paano ko nalaman?”

“Lumilipad ang balita.”

“Hindi naman lumilipad si Yuri.”

Muli siyang natigilan at bilugan ang mga matang nilingon si Tywin.

“Tumawag sa grupo namin si kap. Sinabi niya kung anong nangyari sa’yo. Naalarma ang lahat pero hindi si Yuri. Alam na niyang makakaligtas ka.”

“At paano niya naman nalaman?”

Nagkibit-balikat si Tywin, “Iyon ang kapangyarihan niya. Nakikita niya ang pwersa ng iba’t ibang nilalang. Siguradong alam na niya noong una ka niyang nakita. Kaya siguro ang bait niya sa’yo, kasi takot siya.”

Pero bakit kaya walang sinabi si Yuri sa kanya? Dahil pa rin ba sa takot? Imposible. Siguradong may mas malalim na rason.

“Gusto mo?” iniabot nito ang pakete ng chichirya pero agad siyang umiling.

“I don’t eat junk food for breakfast.”

“Ako? Pwede rin. Masarap naman ako.”

Pinaningkitan niya ang binata bago ito binatukan na agad naman nitong ikinatawa.

“Bakit? May mali ba? Crawler ka, siyempre mga tao ang gusto mong agahan,” natatawa nitong sabi bago tumigil at biglang nagseryoso. “Totoo bang noong nakita ka na nila, malapit ka na raw mag-transform? Ano kayang itsura mo? Anong level ka kaya ng crawler?”

Una niya iyong itinanong sa sarili noong nasa tuktok siya ng gusali ng ospital kasama si Galileo, ngayon ay muli niyang naalala.

Ano naman kaya ang phase niya? Isa kaya siyang Sporocyst? Miracidium? O ang pinakamalala, Metacercariae?

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon