"YOU came all the way here, just to ask me that?"
Hindi lubos akalain ni Polaris na ganoon tingalain ang ina niya ng marami. Sunod ang posisyon ni Cassiopeia sa heneral, at ayon din sa kapitan ay magkakompetensya ang dalawa sa larangan ng pagka-sundalo kaya't gumawa ng paraan ang ama ni Galileo para maging ikalawa lamang sa ranggo ang kaniyang ina.
Sa loob ng ilang taon ay hindi niya alam na ganoon kataas ang lebel ng ina. Simula kasi nang lumayas ang dalaga sa kanila ay hindi na siya nakinig o nanood pa ng balita dahil ayaw niyang makakita pa ng Special Police.
Akala niya ay simpleng sundalo lang si Cassiopeia. Ngayon ay parang nanliit siya sa sarili at inisip ng dalaga na hindi niya agad magagawa ang sinabi ng kapitan na lampasan ang kaniyang sariling ina. Ngunit kahit ganoon ay malakas pa rin ang kaniyang kyuryosidad. Hindi niya alam na ganoon na siya kahuli sa balita. Hindi rin siguro masama na alamin na niya ang nangyari sa ina dahil kung talagang desidido siya ay kailangan niyang sukatin ang galing nito.
Kaya't labag man sa kaniyang kalooban, kahit pa ayaw na ayaw niyang makita pa ang binata ay mabigat ang mga yabag niyang nagmartsa patungo sa apartment room ni Galileo at talagang kinapalan ang kanyang mukha.
"Capt. Rutherford told me she's your father's nemesis so, yes. I want to know why they hate each other. Did your dad tell you why? I'm trying to collect information about the lieutenant general."
Naningkit ang mga mata ni Galileo habang seryosong pinakangtitigan si Polaris. Natunugan agad ng dalaga ang ginagawa ng binata kaya't mabilis niyang iwinaksi sa isip ang tungkol sa relasyon niya kay Cassiopeia para hindi tuluyang malaman ni Galileo ang totoo niyang pakay.
"I'm gonna march to his office and ask him personally why you're curious. How's that?"
Nabalot ng pagtataka ang binata nang mabilis na nawalan ng boses ang isip ng dalaga. Laging bukas ang isip ni Polaris ngunit sa oras na iyon ay pilit niyang isinasara ang kaniyang utak na parang may lihim ang dalaga na ayaw niyang ipaalam.
"Capt. Rutherford gave me a special task, and it's none of your business. I want to know—"
"I don't give people anything unless I'm getting something in return. You want to know about Lt. Gen. Cassiopeia? Well, I want to know why you are willing to suck up all your pride and come here just to ask me a question."
Natahimik bigla si Polaris kaya't agad na tumayo si Galileo mula sa kinauupuang lumang rocking chair saka tinapat ang dalaga.
"I know how your blood boils when I'm in your presence. You hate me so much, that's why I try to annoy you even more to see if you're going to explode. But here you are. You could've come to Faker and try to ask him first if he knows something. Instead, you came straight to me. All worked up, like you don't even have a little hate in your cold heart."
"I don't want to waste my time. You're already here, why would I bother ask someone else?"
Imbes na sumagot ay ngumisi lamang si Galileo bago naglakad palayo saka tinitigan ang pader habang nakatalikod sa dalaga.
"Tell me the truth, Aragon. Don't beat around the bush. I know there's a deeper reason. I always had my speculation, but I want to hear it from your own mouth."
Nakuyom ni Polaris ang kaniyang mga kamao bago mabigat na bumuga habang pilit na dinadamdam ang mabigat na pwersa na yumayakap sa kaniyang naninikip na dibdib.
"I want her to pay for abandoning me."
Lumapad lalo ang mala-demonyong ngiti ni Galileo bago niya nilingon si Polaris na ngayon ay naglalagablab sa galit ang nandidilim niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...