Ikaapatnapung Kabanata: Credit Score

4 1 0
                                    

NAKAUWI naman nang sabay-sabay ang apat nang hindi nahuhuli ng BSFP. Laking pasalamat ni Polaris na wala naman na kaahit sino sa kanila ang nagkaproblema kaya't walang pag-aalala siyang umuwi.

Pagbukas niya ng pintuan ay bigla niyang narinig ang kapitan na si Rutherford na biglang nagtanong.

“You didn't bring anything? Where's our pizza?”

Walang ganang isinara ni Polaris ang pintuan bago muling hinarap ang kapitan at nagsimulang maglakad palapit sa hapag-kainan.

"Kulang na po ang credit score ko para sa kahit anong masarap. Bumili na lang po ako ng siomai rice.”

Nakakunot ang noo na napaupo itong muli habang puno ng pagtataka ang mukhang tumitig sa dalaga, "You just hate spending too much for me. I bet if your mom’s here, you brought something special.”

Parang tunog bata na nagtatampo ito kahit pa hindi naman halata sa malamig nitong ekspresyon. Imbes na sitahin ay ininda na lamang iyon ni Polaris,

"Wala po ba si Mama?" Inilibot niya ang tingin sa bawat sulok ng apartment para masigurong wala nga bago bumaling muli kay Capt. Rutherford na pinindot naman ang kanina niya pa palang hawak na remote ng tv.

"She said she might not make it. Today's her filing of COC."

Tumango na lamang ang dalaga bilang tugon bago ipinatong sa lamesa ang supot na may laman na tatlong styrofoam container na may laman na steamed siomai, fried rice, at toyo’t kalamansi.

"By the way, I thought you killed that Metacercariae today? Why are you suddenly broke? You bought something expensive? Are you saving up?"

Itinuro pa ni Rutherford ang balita na ngayon ay inilalahad ang nangyari sa mall na ngayon ay pinalilibutan ng mga sasakyan ng BSFP at Philippine Police at ang tungkol sa sunog ng Metacercariae.

"May iba pong pumatay kap. Naunahan na po ako."

Hindi na naipagpatuloy ni Polaris ang pagsubo ng makita ang CCTV footage ng pagtulong nina Galileo na makalabas ang mga tao na naroon sa mall bago ang nangyaring pag-atake sa kanya ng halimaw.  Marami na naman tuloy ang patama ng mga news anchor sa BSFP kaya't hindi maiwasan ng dalaga na mapangisi.

Unti-unting natutupad ang mga plano nila. Siguradong mahihirapan na si Nichola na makuha ang tiwala ng taong bayan kung magpapatuloy sila sa ginagawang pag-responde.

"Another team went to your mission? But you're the only team I sent there. Tell me what the group’s name is and I’ll charge them. You all know I don't allow bounty stealing.”

Halatang naiinis pa rin ang kapitan dahil sa pagkain. Siguro ay umaasa talaga itong may maiuuwi siyang masarap kaya't hindi nito matanggap na wala siyang panggastos. Laking pasalamat na nga ng dalaga na nagawa niyang makabili ng siomai rice. Mas masarap pa iyon kaysa sa kayang bilhin ng tatlo niyang mga kagrupo.

"Hindi po bounty hunter. BSFP army."

Naging seryoso ang mukha ni Rutherford habang hindi makapaniwalang nagtanong, " BSFP army? Ten of them?"

"No. Just one."

Agad nitong nasapo ang sariling noo pagkatapos ng mabilis at maikling sagot ng dalaga. Nakaawang nang kaunti ang bibig ni Rutherford bago itinuwid ang pagkakaupo.

"You do know that even high ranking officers find it difficult killing one Metacercariae right? That's very suspicious. How did you escape the officer? You killed him?"

Pareho ang reaksyon ng kapitan sa reaksyon nina Galileo nang ikuwento niya rin sa mga kagrupo na sinolo ni Solar ang pagpatay sa halimaw. Hindi niya man ikwinento ang lahat pero napahanga sila nang matindi.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon