Ikatatlumpung Kabanata: Ang Mga Ama ni Polaris

10 2 0
                                    

"GET out, Rutherford!"

"Why can't you just say it in my face!"

"I said get out! I will not have you disrespecting me in front of my daughter! You have no fucking right!"

"And who's fucking fault is that?!"

Naestatwa na sa higaan niya si Polaris habang pinapanood kung paano magsigawan ang ina niya at ang kapitan.

Iyon ang unang beses niyang nakita na galit na galit si Rutherford at iyon din ang unang beses na nakita niyang may sinisigawan ang ina. Parehong nakakatakot at literal ka na lang na matatahimik.

Nang mapagtanto ni Rutherford na nanonood ang dalagang anak ni Cassiopeia ay agad siyang natigilan. Nakalimutan niya bigla ang nasa paligid niya dahil sa matinding hinanakit.

Nilingon niya si Polaris kaya't bigla siyang dinapuan ng konsensya.

"I'm sorry, North." anito bago muling nilingon ang dating nobya, "I'll wait in my office."

Hindi man nito sabihin, pero ramdam ni Polaris ang matinding hinanakit ng kapitan. Talagang hindi pa ito nakakalimot at halata namang may nararamdaman pa rin ito sa kaniyang ina.

Nang lingunin ng dalaga ang ina ay agad na naging malamig ang kaniyang titig. Doon ata talaga malaging ang nanay niya, ang paasahin ang mga tao sa paligid nito para mamalimos sila ng pagmamahal. Lalo lang siyang napuot.

Nang maisara na ni Rutherford ang pintuan ay agad na nagsalita si Cassiopeia.

"Star...I,"

Hindi niya alam kung paano magsisimula. Ang dami niyang gustong sabihin sa anak, pero hindi niya alam kung ano ang uunahin.

"Hindi ka na dapat magtagal dito, ma. Kapag nalaman ni Gen. Nichola na nandito ka, siguradong bobombahin niya ang haven一"

Hindi na natapos pa ni Polaris ang sasabihin nang in-isang hakbang siya ng ina at agad siyang niyakap.

"I'm sorry. Patawarin mo ako, nak..." Halos lumuhod na si Cassiopeia sa harap ng anak habang humahagulhol sa balikat nito.

Labing dalawang taon siyang nawala. Kung hindi siguro niya tinanggap ang posisyon sa UISF ay hindi siya mapipilitan na iwan ang nag-iisang anak. Siguro ay wala ito sa NGA at hindi ito tinutugis ng BSFP ngayon.

Wala siyang magawa. Hindi niya malaman kung anong balak ni Nichola sa anak niya dahil hindi talaga sinasabi sa kanya ng mismong heneral kung ano ang binabalak nito. Parang hindi siya ang ikalawa sa pinaka-nakakataas na opisyal ng BSFP kung ituring. Ngayon ay ang mga mata ng lahat ay na kay Polaris at hindi niya na ito maprotektahan pa.

Hinayaan lang ng dalaga na umiyak ang ina sa kanyang balikat. Ang tagal niya ring naghintay sa mga yakap nito pero kahit ilang beses na pumatak ang luha ni Cassiopeia sa kanyang likod ay hindi pa rin mawala ang galit at hinanakit niya sa ina. Ilang minuto pa bago ito tuluyang kumawala at hinarap siya.

"Come with me, Star. Aalis tayo rito. Iwan mo na ang lahat ng 'to at lilipat tayo. Doon sa lugar na mas ligtas ka."

Biglang nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito bago siya pagak na tumawa.

"Tapos ano ma? Magtatago na naman tayo? Iiwan mo na naman ako ng ilang taon kapag kailangan mong magtrabaho? Ganyan na lang ba ang buhay ko?"

Parang paulit-ulit na tinarak ng punyal ang dibdib ni Cassiopeia habang nakatitig sa anak na ngayon ay puno ng galit ang mga mata sa kaniya.

"Bakit ba gustong-gusto mo akong itago? Sabihin mo na lang kasi sa akin na ayaw mong malaman ng lahat na ang pinakamagaling na sundalo ng BSFP, na ayaw magkaroon ng pamilyang magiging sagabal sa trabaho niya ay merong anak! Kung ayaw ninyo, bakit hinayaan n'yo pa akong mabuhay?! Kung sagabal ako sayo ma, bakit hindi mo na lang ako ipinalaglag?!"

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon