Ikadalawampu't Walong Kabanata: Sikat

9 2 0
                                    

"SA unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, isang Adiel ang nagpasabog ng isang metacercariae gamit lamang ang kaniya mismong kapangyarihan. Ang kilalang most wanted na ngayon ay NGA Bounty Hunter na si Polaris Aragon ay nagawang pasabugin ang metacercariae kahit ilang metro ang layo ng dalaga mula sa pwesto ng halimaw."

"Isa siya sa tumulong sa amin na makalikas. Nagawa niya pa kaming mailayo sa halimaw kahit ang dami namin eh! Hindi BSFP ang rumespunde sa amin kundi mga bounty hunter! Mismong si Lt. General Cassiopeia, nahuli sa pagdating! Puro lang pangako ang BSFP! Walang gawa!"

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi matapos-tapos ang balita tungkol sa ginawa ni Polaris. Hindi tinantanan ng mga reporter ang kaso ng metacercariae na pinasabog ng dalaga sa harap ng buong siyudad. Marami ngayon ang inaalam ang buhay niya kahit pa matagal na rin naman talaga siyang ginawang lihim ng sariling ina.

Walang nakakaalam sa media kung sino ang mga magulang niya dahil kailanman ay hindi nag-iwan ng bakas si Cassiopeia tungkol sa kanya. Nang mag-aral si Polaris ay Cassie Aragon lagi ang nilalagay niyang pangalan ng ina. Kung hindi niya pa napanood sa balita ang totoong pagkatao ng ina ay hindi niya malalaman.

Hirap tuloy makakuha ng impormasyon ang mga reporter kaya't gusto niyang matawa sa rami ng spekulasyon tungkol sa kanya.

"Puro na lang salita ang BSFP! Mas mabilis pa rumesponde ang bounty hunters, dapat sila na lang ang sundalo!"

"Tapos si Nichola ang general? Puta, 'wag na lang! Kaya nga nag-bounty hunter kasi ayaw maging sundalo ng hayop na 'yon!" asik ni Dean bago muling nilingon si Polaris, "Grabe, North! Sikat ka na!"

Nahihiyang ngumiti ang dalaga habang nakatayo pa rin sa harap ng bago niyang telebisyon samantalang sina Yuri, Dean, Sean, at Adelaide ay nakaupo sa bago niyang bamboo couch.

Pagkatapos niyang makapatay ng metacercariae ay halos pumutok ang tag niya sa laki ng nakuhang credit score. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at agad siyang bumili ng lahat ng kailangan niya sa pang-araw-araw. Siniguro niyang masasangkapan ang maliit at lumang-luma niyang unit. Saka na ang pagpapaganda roon.

Parang tumama man sa lotto, hindi pa rin lubos na natutuwa ang dalaga sa nangyayari. ngayon .Kapalit ng malaking bayad ay ang paglabas ng ng pagkatao niya sa marami. Alam niyang hindi na siya tatantanan ng madla, at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat.

"Hey," Nang mahalata ni Yuri na tila wala sa sarili ang kaibigan ay agad siyang tumayo at nilapitan ito, "Okay ka lang? Masyado ka na bang nao-overwhelm sa pagiging celebrity?"

"Oo nga, North! Kalmahan mo lang! Inom ka nito, pampakalma!"

Mabilis na umiling si Polaris nang iabot ni Sean ang maliit na bote ng alak kaya't dismayadong ibinabang muli ng binata ang inumin sa lamesa kasama ng iba pang mga bote ng alak na dinala nila mismo roon.

Nakaramdam bigla ng pagkakonsensya ang dalaga dahil alam niyang dinala iyon ng grupo para magsaya siya kasama nila kaya't agad siyang lumapit sa lamesa para muling kunin ang bote at saka iyon tinungga na agad na nagpangiti kay Sean.

"Ey!"

Nagsasaya na ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa niyon si Sirius.

"North, captain needs to have a word with our team."

Ang kaninang grupo na nakatingin sa bagong dating ay napalingon na ngayon sa dalaga bago tumikhim si Yuri.

"Narinig n'yo naman. Tara na. May pupuntahan ang may-ari."

Dismayadong napaungol ang lahat bago inis na tumayo at inisa-isang kunin ang mga bote sa bamboo table na kapares ng mga upuan bago nagpaalam kay Polaris at lumabas.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon