"FUCK it, Aragon! Wake up! Don't you dare embarrass me!"
Naalimpungatan si Polaris nang maramdaman na marahas siyang inaalog ng lalaking ka-boses ni Galileo. Sinubukan niyang idilat ang mga mata ngunit masyadong mabikat ang kaniyang mga talukap at hindi niya maibuka nang maayos.
"Why the hell are you waking me up?! It's still dark!" paungol niyang tugon bago hinila ang sapin ng kaniyang higaan at ginawa iyon na kumot.
"Our training starts at 5 am! You were told yesterday about this! Stand up or I'll pull you out of your bed and sweep your floor with your back!"
Naalala bigla ng dalaga ang paggising din sa kaniya ni Galileo sa kaparehong rason kahapon. Ang pinagkaiba nga lang ay tanghali siya nito pinagsabihan dahil pare-pareho silang apat na mahimbing pa rin na natutulog kahit bandang alas dose na ng tanghali. Nagising siya ng mga alas onse na ng gabi saka kinain ang mga pagkaing nasa bag bago muling natulog.
Ngayon ay mukhang hindi na siya makakabalik pa sa higaan dahil halos kaladkarin na siya ni Galileo palabas kahit mukhang alas kwatro y media pa lamang ng umaga.
"You're a mess. Get up and clean yourself before you show up. He'll be waiting outside the apartment. I don't want him to think I'm an irresponsible leader."
Nawala ang antok ni Polaris at agad na nagusot ang mukha bago siya tuluyang iniwan ni Galileo at nilisan ang apartment.
Hindi niya lubos akalain na siya ang mangunguna sa grupo nila. Oo nga't magaling siya sa estratehiya, pero mahina ang binata sa pakikipagkapwa tao. Ngunit kumpara sa kanilang apat, napag-isip-isip din ni Polaris na tama naman na si Galileo na lang ang manguna. Siya lang naman ang bukod tanging mahilig mang-utos.
***
"If we're at war and you're tasked to bring the ammos, we'll all be dead."
Sinalubong agad siya ng pang-iinsulto ng kapitan dahil siya ang pinakahuling dumating.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay hindi niya kinaya pa't pabagsak na humiga sa kama dahil talagang kinakain pa siya ng antok. Ang plano niya ay ilang segundo lang sana na pipikit, ngunit hindi niya namalayang tuluyan siyang nakatulog kaya't mahigit isang oras siyang nahuli ng dating.
"Please excuse her, captain. She's not a Metahumanology student-"
"Most of my bounty hunters are. Besides, you don't have to be a Metahumanology student to understand the concept of time. Why? Is 5 am, 5:30 am to regular courses?"
Hindi nakaimik si Polaris at nanatiling nakatayo sa gilid habang nakatitig sa tatlong binata na matikas na nakatayo sa harap ng kapitan na nakahalukipkip paharap sa kaniya.
"Don't just stand there, lady. Stand with your team and don't dare move a muscle until I command it."
Mabilis pa sa alas kwatro na lumapit si Polaris sa tabi ni Faker at sinubukang gayahin ang paraan nila ng pagtayo kahit sa isip niya'y nagmumukha siyang tanga.
"Don't worry, you already look pathetic before you even stood with us. Just get it over with."
Mabilis na tiningnan ni Polaris ng matalim si Galileo bago muling humarap kay Capt. Rutherford habang igting ang bagang at ang dalawang kamao. Hindi niya magawang suntukin ang binata dahil pinag-iinitan pa siya ng kapitan ng NGA at ayaw na niyang dagdagan pa ang galit nito sa kanya.
"You'll be doing this consecutively for 3 months. You might say it's too short but for me, if you're really as good as I thought, that'll be enough. If you die on your first day of work then that's on you."
Pabalik-balik si Capt. Rutherford na naglalakad sa harap nila suot ang isang mas maitim na camouflage pants at puting v-neck shirt at black military boots. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa likod habang nakatingin sa kawalan bago niya nilingon si Polaris at itinuro ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...