Ikadalawampu't Tatlong Kabanata: Unang Misyon

7 2 0
                                    

ILANG taon din na nanilbihan si Cassiopeia sa Union of International Special Forced bilang representante ng Pilipinas. Ilang taon siyang nagtiis na malayo sa nag-iisang anak para sa bansang sinilangan. Hindi na niya mabilang sa daliri kung ilang beses siyang umiyak nang patago habang iniisip kung kailan niya ito ulit makikita.

Marami siyang hindi naibigay. Marami siyang kailangan punan. Ngunit ngayon, iyon na ang huling araw ng kanyang pagdadalamhati. Hindi na siya magtitiis pa na wala sa bisig si Polaris. Ngayon ay naglalakad na siya palabas ng airport pagkatapos ng paglapag ng sinasakyang eroplano. Imbes na pumunta sa opisina ng BSFP ay balak niyang umuwi sa anak para muli itong mayakap.

Hindi niya makausap sa telepono ang anak dahil hindi niya pwedeng hayaan na mahuli siya. Hindi rin siya pwedeng magpadala ng liham. Ang tangi niya lang na magagawa ay asahan ang kapatid na si Taurus na maalalagan nito ang kaniyang unica hija.

Pagkasakay ng taxi, agad na sinabi niya ang adress ng bahay bago kinalikot ang cellphone at tinawagan ang numero ni Nanay Rosa, isa sa kapitbahay nilang pinagkakatiwalaan niyang nagbabantay din sa bahay. Nang tuluyang bumukas ang kabilang linya ay hindi man lang ito nangumusta.

"Ano na Cassia? Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo ba kung anong ginawa ng anak mo rito?" ani ng matandang may matinis na boses sa kabilang linya.

Biglang dinapuan ng kaba si Cassiopeia "Ano pong nangyari, nay? Nasaan po ang anak ko at si Tau?"

Hinihiling niya na sana ay simpleng problema lang ang nangyari. Ngunit ang mga sumunod na sinabi ng ginang ay tila ginunaw ang nananahimik niyang mundo.

"Demonyo ang anak mo, Cassia! Muntik na niyang patayin ang kapatid mo! Lumayas siya sa bahay n'yo pagkatapos niyang iwan si Taurus na comatose sa ospital ng ilang buwan! Kriminal na ang anak mo ngayon, Cassia! Tinutugis na siya ng Special Police!"

***

"We are all gathered here today," panimula ni Capt. Rutherford habang nakataas ang kanang kamay hawak ang isang plastic cup na may lamang grape juice bago inilipat ang tingin sa gawi nila Polaris, "for a very special occasion."

Hindi mabura ang nagmamalaking ngisi ni Galileo habang nakatitig direkta sa kapitan habang ang dalaga naman ay panay ang iwas ng tingin kay Tywin na nakapuwesto hindi kalayuan kung nasaan siya.

Hindi lubos akalain ng dalaga na dadalo ito dahil hindi pa talaga magaling ang binata. Marami pang dapat gamutin at kailangan talaga nito ng mahabang pahinga. Baka dahil siguro pinilit si Tywin dumalo, o gusto lang nitong makikain dahil kahit asin ay literal na presyong ginto.

Nagtipon ang lahat ng mga tenante ng Hell Apartment sa ground floor sa labas ng gym habang nakapalibot sa mahabang lamesa na punong-puno ng mga pagkain na pinabili mismo ng kapitan kaya't nalibre ang lahat ng hapunan.

Pinatawag ni Rutherford ang lahat para ipagdiwang ang pinaka-importanteng okasyon ng NGA. Ang pagtanggap sa mga bagong hunter. Kailangan niyang ipakita kung gaano niya pinapahalagan ang bawat bagong miyembro dahil marami talaga ang hindi tumatagal sa training pa lang. Ngayon ay nakakuha siya ng grupo na talagang maipagmamalaki niya.

"We will now welcome our newest group of bounty hunters who gave me the most promising results during their training. I have the highest hopes for each and everyone of you, and I know you'll never disappoint me."

Hindi alam ni Polaris kung matutuwa siya at makakaramdam ng pagka-proud o lalong kakabahan sa sinabing iyon ng kapitan. Sa isip ng dalaga ay parang masyadong sobra ang papuri para sa grupo niya kahit pa wala naman talaga siyang ibubuga.

O baka siya lang talaga. Siya lang naman ang walang masyadong ambag sa grupo. Lagi pa siyang kinakagalitan. Pakiramdam niya tuloy ay siya pa ata ang magiging rason ng maraming darating na problema sa grupo nila.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon