Ikalabing-Anim Na Kabanata: Lihim Na Anak

9 2 0
                                    

"SO everyone thinks it's impossible for my mother to have a child? No wonder why she left me. I didn't know she had that kind of reputation."

Natameme si Rutherford habang hindi nawawala ang seryosong titig sa dalaga. Ayaw niyang maniwala, ngunit galing na mismo kay Polaris na anak nga siya ni Cassiopeia.

Parang pinaglalaruan siya ng kaniyang mga mata. Nagmistulang multo ng kahapon ang anak ng dati niyang kasintahan. Ang bawat pulgada ni Polaris ay paalala kay Rutherford na ang kaisa-isang babae na minahal niya ay may anak sa ibang lalaki.

Masakit. Parang paulit-ulit siyang tinarak ng punyal sa puso habang tinitingnan ang mapait na mga mata ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.

"That's not what I meant. She does have that reputation because everyone thinks she's the kind of woman who wouldn't want a child, but I'm certain that's not the reason why she left you. Your mother is very secretive, and when she keeps something, it's really serious."

"More serious than leaving her daughter?"

"That's possible. Your mother is not the type of woman who will abandon her own child."

Walang alam si Polaris sa nakaraan. Gusto man niyang ibuntong ang inis sa dalaga, alam ni Rutherford na wala naman itong kasalanan. Hindi tama na isisi niya iyon sa bata.

Samantala, lalo lamang naiinis si Polaris dahil hindi niya matanggap na ipinagtatanggol pa ng kapitan ang pabaya niyang ina. Nanginginig siyang tumayo at nilapitan at iniwan ang tasa sa kama.

"If that is true then I wouldn't even be here. If she's as any good as what you think then I wouldn't end up here. You don't know her now, captain."

Humakbang nang marahan si Rutherford saka lalong dumuko para lapitan si Polaris, "I know her more than anything, kid. Trust me. I know everything about your mother more than I know myself."

Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ni Polaris habang nanghahamon siyang nakikipagtitigan sa kapitan, "And what makes you say that?"

Bago pa sumagot ang kapitan ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Yuri na may dalang plastic bottle na puno ng tubig.

"Heto na, North. Hindi ka naman nabulunan?"

Kunot ang noo ni Yuri na pinakangtitigan si Polaris at Capt. Rutherford na ngayon ay magkalapit na nakatayo sa harap ng isa't isa habang ang mga mata nila ay pareho umaapoy sa galit.

"Anong problema?"

"Your friend is obviously thirsty. Give her the damn water." sagot ni Rutherford habang hindi tinatanggal ang tingin kay Polaris kahit nagsimula na itong maglakad palayo. "She's going to need all the water she can get to prepare herself for what's coming tomorrow."

Inosente si ang bata, ngunit bawat segundo na nakikita niya ito ay isang sampal ng katotohanan sa kaniya. May ibang hinagkan, hinawakan, at minahal si Cassiopeia. Hinding-hindi siya masisi ng iba na tulad niyang nagmahal din nang lubos.

Hindi inalis ni Polaris ang tingin sa kapitan na ngayon ay tinalikuran na siya't umalis ng kaniyang silid. Nang maisara ng ginoo ang pinto ay doon niya napagtantong hindi maganda ang mangyayari sa makalawa. Galit ito sa kanya, kaya't siguradong ibang lebel ng training ang ipapagawa sa kaniya ng kapitan.

***

"I said 50 push ups and you can't even pass 1!"

Tama ang hinala ni Polaris. Walang ibang intensyon ang si Capt. Rutherford sa araw na iyon kundi pahirapan siya ng matindi.

Ang unang anunsyo ng kapitan ay 25 push ups lamang. Ngunit bago pa makapagsimula ay tinuro siya ni Rutherford at sinabing ang kaniya ay doble dahil hindi raw naging maganda ang ipinakita niyang performance kahapon.

Team Genesis (Book 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon