NAHIHIYA man sa sasakyang gamit ay ipinasok sa underground parking lot ng Robin’s mall ni Sirius ang sasakyan. Hindi na hinintay pa ni Galileo na makalapit sila at agad niyang kinontrol ang utak ng guwardiya.
Puno ng Adiel censor ang mall kaya't agad din na kinontrol ni North ang lahat para hindi tumunog ang alarm bago sila tuluyang nakapasok.
Naghanap muna ng maayos na parking space si Sirius bago nagsibabaan ang lahat para hanapin ang circarium. Pero lumipas na ang segundo, minuto, at mag-iisang oras na’t wala pa rin.
“Where in the hell is that humongous cocoon?!” reklamo ni Sirius habang kanina pa inililibot ang tingin sa paligid.
“Open my zipper and you’ll find it.” pilyong sagot ni Faker kaya't agad itong binatukan ng binata.
“I’m fucking straight!”
Napahilot na lamang sa sentido niya si Galileo bago lumapit kay Polaris at biglang hinila ang dalaga palayo.
“We’re separating. It will be a lot easier if we go in different directions.”
“Bakit ako?”
“None of those fuckers are taking this mission seriously.”
Umirap na lamang si Polaris bago sumunod at naglakad palayo.
“Cutie! Where are you going?!”
“She's doing her job unlike the two of you. Now stop looking for shit with your mouths and use your eyes!”
Hindi maintindihan ni Polaris bakit sila ang binibigyan ng mahihirap na misyon samantalang ang grupo niya ata ang pinaka-magulo sa lahat ng bounty hunters group sa NGA.
Siguro ay dahil na lang talaga sa kanya. Ayaw man noon aminin ni Polaris pero habang tumatagal, napapagtanto na niyang siya ang bumubuhat sa grupo nila.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Ayaw na niyang magsayang pa ng oras kaya't lumuhod siya bigla sa sementong sahig at saka ibinaba ang mga palad.
Huminga si Polaris nang malalim bago niya ginamit ang kapangyarihan at pinakiramdaman ang buong sahig ng underground parking lot.
Kitang-kita ni Galileo, Sirius, at Faker kung paano biglang nabalot ng pulang enerhiya ang sahig kaya't nagtaka sila.
“Is this North?” takang tanong ni Sirius nang biglang tumawag si Polaris.
“Found it!”
Sabay-sabay tuloy na napalingon ang tatlo sa pinanggalingan ng boses at biglang tumakbo palapit kay Polaris.
Nang marating nila ang dalaga ay saktong nakausog na ang lahat ng sasakyan at nagbigay espasyo sa isang patag na sahig.
“Why didn't you do it sooner?” reklamo ni Galileo na agad na ikinasingkit ng mga mata ni Polaris.
“Do I really have to do most of the work in this group?”
Sinagot siya nito ng kibit-balikat bago muling tiningnan ang sahig na tila humihinga. Marahan iyong tumataas baba na parang may natutulog ng mahimbing sa ilalim.
“This is it. Sirius, Faker, take the tools out of the van and bring it here. We’re digging.”
***
Tinibag ng mga binata ang semento hanggang sa lumabas ang tila malambot na balat na marahang pumipintig na animo'y puso.
Mistula itong bulok na nginuyang bubble gum. Parang manipis at kahit hindi kalalimang hiwa ay madali itong mahahati.
“Okay. Let's cut this huge ball sac!” masiglang anunsyo ni Sirius bago iniabot kay Polaris ang proteksyon nito sa katawan, “You can start changing now, North. The restroom is over there.”
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...