Naghilamos at toothbrush lang ako at nagpalit ng pantulog at humiga na sa higaan. Kinuha ko ang phone sa wallet ko and turned it on at ang daming notifications, tatlong araw ba namang naka-off ang phone ko.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko noong nakita kong inadd ako ni ate Aly at ate Ella at tiningnan ko agad ang message ko to check if may message na sa akin si kuya at meron nga at may message din sa akin si ate Aly at ate Ella. Tiningnan ko muna ang message ni kuya Edgar at video clips ito, the first video ay iyong nasa counter at ang pangalawa naman ay palabas sa exit at hindi ako makapaniwala sa nakita ko kung sino ito... si coach!
Nagreply ako kay kuya na sobrang nagpapasalamat sa kanya at hiningi ko ang GCash number niya para padalhan siya ng pera bilang pasasalamat pero tumanggi siya at pinaalalahanan lang akong maghinay-hinay sa pag-inom.
Sunod kong binasa ang message ni ate Aly which was two days ago 'Hey girl, I've heard what happened. Don't be hard on yourself at bawi na lang kayo next game okay? Please know that your CCS ates are rooting for you. I'll try to watch your next game ❤️' sobrang nakakataba ng puso ang message niya, napangiti na lang ako at na excite for our next game hoping makapanood nga siya. Dapat pala hindi ko tinurn-off phone ko para nabasa ko agad ang message ni ate pagsisisi ko. 'Thanks ate Aly, sorry sa sobrang late na reply just read your message. Looking forward to seeing you again ❤️' reply ko sa kanya at mabilis naman siyang nag reply 'No worries Kat, I understand. Good luck sa next game!' Nag heart react ako sa message niya at nagpasalamat ulit at binasa ko naman ang message ni ate Ella na two days ago din. 'Cheer up, huwag kang maniwala doon sa coach mo binatukan ko na siya for you kaya just hang on. Good luck on your next game bawi kayo!' Naguluhan ako sa message niya na natatawa dahil binatukan daw niya si coach, iniimagine kong ginawa niya nga ito. 'Thanks ate, alin po ba ang sinabi ni coach na 'di ko papaniwalaan? Try ko pong bumawi next game, wala pa naman akong practice. Thanks po ulit' 'Okay lang 'yan, just give everything you've got while on court and huwag mong pansinin ang nasa labas nito lalo na si coach mo. Goodnight and good luck' pinusuan ko ang message niya at nagreply ako 'Thank you very much ate Ella. Goodnight ❤️'
Binasa ko pa ang ibang mga messages ng mga kaklase at teammates ko na nag-aalala sa ilang araw kong pagliban at inassure ko naman sila na okay lang ako at papasok na kinabukasan.
Hindi ako makatulog, iniisip ko si coach. She traveled from Manila to Lucena araw-araw? For what? Para bantayan ako? How did she even know where I was? Sinundan niya ako? There's no other way. But why? And since siya ang kasama ko noong nakaraang gabi so hindi panaginip ang nangyari sa amin? And... and she loves me din? Paulit-ulit lang ang mga katanungan sa isip ko at binabalik-balikan ko ang mainit na gabing pinagsaluhan ulit namin ni coach.
Bumangon ako at nagpunta sa minibar namin, kailangan ko ng pampatulog baka sakaling makatulong ang alak. Nag mixed lang ako ng rum and coke at nilagyan ng maraming ice.
I was lost in my thoughts drinking ng hindi ko na naman alam kung nakailang baso na ako, feeling ko once I started drinking ay I can't stop na hanggang mag blackout na ako. Which is bad. Tsk
"Hindi makatulog baby?" tanong sa akin di daddy.
"Ah dad gising pa po kayo?"
"Yeah nagpakuha mommy mo ng tubig. Gusto mo ba ng kainuman? Kaya pa ba?"
"No need dad I'm fine, pampatulog lang po and don't worry about me, okay lang po ako"
"Okay I trust you" sabay tapik niya sa balikat ko "last na 'yan ha papasok ka na bukas" he kissed the top of my head "goodnight Kat, I love you"
"Goodnight dad, I love you too" umalis na siya at nagtungo sa kitchen para kumuha ng tubig for mom at inubos ko na ang iniinom ko at pumasok na sa kwarto.Hindi pa rin ako makatulog kahit nakainom na ako, kulang pa siguro ang nainom ko, kailangan ko na naman atang magpass out talaga para makatulog. What a pity Kat alcoholic ka na yata!
Iniisip ko na lang kung ano ang gagawin ko sa impormasyon na meron ako, kung papaano ko ikuconfront si coach bukas and kung paano ko siya matyempohan na kami lang dalawa para makausap ko siya tungkol dito at sa nangyari sa amin... but one thing I am sure of is kakausapin ko talaga siya kahit anong mangyari at hindi na niya ito pwedeng itanggi kasi may ebidensya na ako.
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...