Part 23

152 8 0
                                    

'Good morning coach! I just woke up. Coach, can we go to the school earlier than the rest?'
'Good morning too Kat but I don't think it is a good idea' reply agad niya sa akin na nagpalungkot naman sa akin kaya nag video call agad ako.
"Good morning" bati ko sa kanya na naka-pout.
"Good morning Kat, sorry but I really don't think it is a good idea. Sorry"
"'Di ba pwedeng coincidence?"
"Kat"
"I miss you coach"
"And I miss you too Kat but I don't want to risk what we have just started"
"Nag-ooverthink ka lang coach, wala naman tayong gagawin, we can just talk about volleyball or academics while mag-i-stretching ako or warm-up para safe... I just want an alone time with you"
"Hay... okay Kat. See you at five-thirty sa gym?"
"Okay coach" sagot ko sa kanya na sobrang lapad ang ngiti "I love you, bye"
"I love you too Kat, see you in a bit at ingat ka mamaya"
"Okay po, ikaw din. I love you, bye" at pinutol ko na ang tawag at nagmamadaling mag-half bath, nag-ayos at umalis.

Dumaan muna ako sa Bo's Coffee at binili si coach ng caffe americano at dumaan naman ako sa McDonald's at bumili din ng kape bago pumunta sa school.

I was ten minutes early, nasobrahan yata sa pagkaexcited! Haha! Kinikilig! 'Di ako mapakali habang hinihintay si coach kaya naisipan kong mag-stretching nalang muna. Dumating si coach at exactly five-thirty at kahit papaano ay pinagpapawisan na ako ng kaunti.

Pagkakita ko sa kanya na pumasok sa gym ay agad akong nagtungo sa bag ko at kinuha ang kape na nakalagay malapit dito at sinalubong si coach na nakangiti at pinapili siya sa dalawang kape.
"Good morning coach, ito po kape. 'Di ko pa alam kung ano ang gusto mo, so I just had caffe americano. Ano po ba ang gusto mong kape?"
"Good morning Kat and thanks for the coffee" inabot niya ang sa McDo "Kahit ano lang basta kape. Kahit nga stick or 3-in-1 eh. Hmmm nice, magkaiba para hindi halata?" Nakangiti niyang wika.
"Ah okay so kahit ano lang po pala. Yes coach alam mo na mahirap na kaya dapat doble ingat. Ah by the way coach nadelete mo na ang conversations natin kanina?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa may bench.
"Ah nakalimutan ko, thanks for reminding me, ididelete ko mamaya pagnakaupo na tayo"
"Can I have your number na lang coach? I think mas safe po ito, no need to save my number or lagyan mo lang ng ibang name at mas madaling burahin ang text" umupo kami sa bench na may enough distance para hindi pag-iisipan ng masama just in case may makakita.
"Ang daming alam ah, bakit magaling ka sa mga ganito Kat? BDO kaya ilagay kong name mo?" sabay tawa niya.
"Baliw!" at tumawa na rin ako. "Thanks for agreeing na makipagdate sa akin ng sobrang aga coach" at ngumiti ako ng matipid. Masaya naman ako that I was able to spend this moment with coach pero sa totoo lang gusto ko talaga ng totoong date, hindi katulad nito na kailangan naming mag-ingat at saglit lang.
"Walang anuman Kat, glad that you suggested it 'coz I was able to spend some time with you kahit ganito lang" she was about to hold my hand na nakapatong sa bench pero bigla ko itong inangat at hinawak din sa cup na nasa bibig ko na dahil nakita kong pumasok si Mai sa gym kasi all this time ay nakabantay lang ako sa entrance ng gym. At si Mai pa talaga ang unang dumating! Ano na naman kaya ang iisipin ng babaeng ito!
"So ano pa po ang dapat pa naming gawin coach para manalo ngayong Sabado?" pag-iiba ko ng usapan na ipinagtaka niya. "Kasi I was off last time, paano 'pag off pa rin ang game ko?" pagpapatuloy ko hoping makaramdam siya at sakyan niya ang pag-iba ko ng topic sabay yuko ko at patong ng siko ko sa lap ko kunwaring 'di ko napansin si Mai na dahan-dahang lumapit sa amin na feeling ko may balak makinig sa usapan namin ng hindi nagpapahalata.
"Hindi ako magdadalawang isip na ibangko ka ulit Kat, wala ka naman na sigurong reason para gano'n ulit ang laro mo diba?"
"Ah wala na po coach, okay na po ako at ayaw ko ng matalo ulit, last year ko na ito so sana mag champion kami with your help" at napalingon si coach sa entrance dahil sa ingay na likha ng mga paparating kong kasama kasi almost six na pero si Mai tahimik pa ring nakaupo sa sahig nagtatago malapit sa amin. "Sige coach ubusin ko lang 'tong kape ko at mag-i-stretching ulit with the team"
"Sige" 'yon lang ang matipid niyang sagot, nilapag ang cup niya sa bench at tumayo na at nagpunta sa mga kasama ko na nag-i-stretching at warm-up.

Ninanamnam ko ang papalamig na na kape ng lumapit sa akin si Mai at pumalit sa inupuan kanina ni coach.
"Uy ano 'yon? My ship is sailing na ba?"
"Hay naku Mai! Sabi ko sa iyo na tigilan mo na 'yang kakaship mo sa amin baka makaabot kay coach at kung ano pa ang isipin n'ya!"
"Eh bakit ang aga n'yo?"
"Ako maaga ako kasi maaga akong nagising kaya dumiretso na lang ako dito, si coach 'di ko alam siguro lagi talaga siyang maaga?"
"Weee 'di nga?" ayaw pa talagang maniwala eh! Grabe din ang intuition ng babaeng ito!
"Alam mo Mai sa kaka-my ship is sailing mo? May shiniship na rin ako...  uhmmm #MaiDai? Or #MaiYan? The more you hate the more you love?" inubos ko na ang kape ko at nilapag ito malapit sa cup ni coach para makita talaga niyang magkaiba ito. Tumayo na ako, iniwan siyang 'di 'ata makapaniwala sa huli kong sinabi kasi tumahimik na lang siya at 'di na nakasabat pa kaya nagtungo at sumali na ako sa iba pa naming teammates.

My COACHWhere stories live. Discover now