I spent the weekend with her, at sinulit talaga namin ito dahil baka sa susunod na namang weekend ulit kami magkatime ng ganito.
Monday, before going to the school ay dumaan muna ako sa amin to change and get my duffel bag na naihanda na ni mommy ang mga kakailanganin ko. Naabutan ko na si mommy na naghahanda ng breakfast kaya I greeted her good morning sabay kiss sa cheek niya and nagrequest ng dalawang sandwich na babaunin at nagmadaling nagtungo sa kwarto ko.
I bought two coffees again from different shops and met up again with coach ahead of time sa mga kasama ko. We sat on the bench, eating and drinking as we talked about volleyball and what would be our preparation for the next game. We talked as coach and a team captain, walang landian, seryuso kaming nag-uusap although from time to time ay nababaling sa labi niya ang mga mata ko kapag nagsasalita siya kaya gusto ko siyang halikan but controlled myself. Mamaya ka sa akin coach, nasabi ko nalang sa sarili ko.
Five minutes to six ay nag-umpisa ng magsidatingan ang mga kasama ko and I can feel that Diane was keeping her distance kaya hinayaan ko na lang. Sabay sila ni Mai na huling dumating at dumiretso na silang nagpartner mag warmup. Now my ship is sailing! Napangiti ako, I was really happy with the thought but saddened at the same time kasi lumalayo na sa akin ang matalik kong kaibigan.
While warming up and working out ay panay naman ang tanong ng mga kasama ko sa akin tungkol kay kuya Taylor pero tanging ngiti lang ang naisasagot ko sa kanila at ipinapakitang seryoso ako sa ginagawa ko dahil malapit lang sa amin ang selosa kong girlfriend.
After an hour ay pagod at pawis kaming nagmadaling nagtungo sa locker room to shower and change. Nasanay na kami sa routine na ito dahil pagkatapos namin dito ay mag-aalmusal pa kami bago pumasok sa klase at eight. Habang abala ang lahat, I was taking my time naman, huling nagshower at dahan-dahang nagbihis hoping to be left alone with my girlfriend.
At nangyari nga ang inaasahan ko, nakaalis na lahat ng mga kasama ko and kami na lang ni coach ang naiwan.
"Hey" bati ko sa kanya na dahan-dahang lumapit sa kanya na nakangisi, gustong sunggaban agad siya ng halik.
"Not in here Kat" nabasa niya 'ata ang gusto kong gawin kaya pinanglakihan niya ako ng mata habang ang dalawa niyang kamay ay nakahanda ng harangan ako.
"Hmmm why not? Everyone had already left" I held her hands and wrapped it around my waist and hooked mine sa leeg niya and continued walking forward at napapaatras naman siya hanggang nakasandal na siya sa isa sa mga lockers. "God I've been wanting to kiss you kanina pa coach and I could no longer hold back" and I kissed her passionately, feeding my hunger for her lips na siya namang ginantihan niya. At bigla na lang kaming napahinto as we both heard the loud bang sa pagsara ng pinto. We were both shocked for I don't know how long, it could just be a few seconds or a minute and nabalik na lang ako sa aking diwa as she pushes me to take an action kaya madali akong bumitaw sa kanya at tumakbo ako ng sobrang bilis palabas ng locker room hoping to see kung sino ang nakakita sa amin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako ng gabutil sa kaba while running as fast as I can and pagkalabas ko sa gym ay tanging si Diane lang ang nakita ko sa area na tumatakbo din papalayo. I need to talk to her to confirm if siya nga ang nakakita sa amin kaya hinabol ko siya and it took me some time to catch up with her sa parking lot."Diane" mahina kong wika as I was out of breath, hinihingal na hinarang ang pagbukas niya sa kanyang sasakyan. Hinawakan ko ang balikat niya at pinaharap siya sa akin at nakita kong umiiyak siya and it answered my question... siya nga ang nakakita sa amin. I hugged her and out of nowhere ay umiiyak na rin ako begging her. "Please, please, please don't tell anyone please" I was sobbing on her shoulder, unable to control the emotions I had that time, naaawa ako sa kanya when I saw her but most of all ay dahil I am too scared na baka sabihin niya ito sa iba or isumbong niya kami and that I may end up losing coach and her losing her job dahil lang sa 'di ko napigil ang sarili ko. "Please" nakaluhod na pala ako ng 'di ko namalayan, narealize ko nalang dahil pinapatahan ako ni Diane habang pinapatayo.
"Hey, tama na, tama na" at wala na siyang ibang nagawa kun'di ang yakapin at aluin ako.Inalalayan niya akong makapasok sa kanyang kotse at sumunod din siya at pinaandar ito pero hindi kami umalis.
"So siya?" tanong niya sa akin habang pinapahid ang kanyang mga luha. I wanted to answer her pero walang lumabas sa bibig ko kaya tumango na lang ako, wala pa ring tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita "I believed you when you said may mahal ka ng iba pero nawala agad ito when I thought it was assistant coach kaya naisip ko na you are just making an excuse lang pala para lubayan kita... but I believe it now, now that I saw it with my own eyes" malungkot niyang wika. "I guess this time I should really move on" she smiled bitterly, staring blankly ahead. Lumingon siya sa akin tears still falling down in her eyes "Don't worry Kat" ngumiti ulit siya reassuring me pero kita pa rin ang pait sa kanyang mga mata "your secret is safe with me but please be more careful, you don't know who else might see you like that with coach" tumango ako sa kanya while making a promise to myself na hinding-hindi na ulit mangyayari ang nangyari kanina at napayakap na lang ako sa kanya habang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin at pasasalamat sa kanya.
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...