Gaya lang din ng unang libre ni coach ay masaya kaming nagkukwentuhan at asaran habang kumakain but this time ay tahimik na ang makulit na si Mai na from time to time ay sumusulyap sa amin, katabi ko kasi si Diane at nasa tapat ko naman si coach. AT ANG AWKWARD!!! 'Yong feeling na nasa harap mo 'yong girlfriend mo na gusto mo sanang asikasuhin ka pero 'yong katabi mong kaibigan ang gumagawa nito. She was so attentive sa akin, simula pa lang eh siya na ang naglagay ng utensils sa plate ko... at 'yong mukha ni coach habang ginagawa iyon ni Diane, nakangiti pero 'yong mga mata parang tinutusok ako. 'Di ko po kasalanan coach! Tapos inaabutan niya ako ng tissue whenever she feels na kailangan kong gumamit nito, ideal talaga 'tong kaibigan ko na ito pero may mahal na po ako. At kahit anong sabi ko kay Diane na ako na ay deadma n'ya talaga ako at patuloy pa rin siya sa pag-aasikaso sa akin kaya ang ginawa ko ay sinisipa ko nalang ang paa ng naiinis ko ng girlfriend at pasimpleng nginingitian siya. I really need to talk to Diane, 'di ko na kayang maghintay pa ng bukas, pumayag man o hindi sila kuya Taylor ay sasabihin ko talaga sa kanya na may mahal na ako. Nag excuse ako sa grupo para mag C.R para makapagpaalam kay coach sa plan ko and yeah sinamahan ako ni Diane mag C.R kaya hinayaan ko na lang siya wala rin namang magagawa ang pagtutol ko.
After naming magdinner ay nagtipon muna kami sa parking lot, pinaalala sa amin ni coach na magfocus lang talaga bukas at subukang enjoyin lang ang laro and nagbilin pa siya na maaga kaming matulog kasi sa morning ang laro namin. She wished us good luck and goodnight at nagpaalam na pagkatapos naming magpasalamat sa kanya.
Isa-isa ng nagpaalam ang mga kasama namin and I asked Diane to stay with me for a bit para makapag-usap kami, pagkasabi ko noon ay nagpaalam na si Mai sa mga kasama namin pero hindi sa amin.
"So the other day, ano pala ang nangyari?" pagsisimula ko noong kaming dalawa na lang ang natira at nasa tapat na ako ng kotse ko. Tahimik lang siya, parang nag-iisip. "Uhmmm 'di kasi natin napag-usapan kahapon"
"Ah, I brought Princess sa vet and I left her there kasi kailangan niyang i-admit, I was just worried and your hug would really mean a lot to me that time tapos 'yon ang nangyari sa atin"
"Sorry talaga Yan ha, 'di ko talaga alam. Napaano pala si Princess?"
"Okay na 'yon. Nakalabas naman na siya and nothing serious naman daw... hmmm so what do you really want to talk about Kat?"
"Ah" sasagot na sana ako pero nagdalawang isip ako bigla ko kasing narealize na kapag sasabihin ko na sa kanya ngayon ay baka makaapekto ito sa laro niya bukas. AHHHHH bakit 'di ko ito naisip kanina? Pabugso-bugso eh! Hindi talaga magandang magdesisyon na may ibang nararamdaman! Coach bakit hindi mo ako pinigil sa plano ko!!! Huhu
"Kat? What is it that you wanna talk about?" putol niya sa pag-iisip ko.
"Hmmm sorry, may bigla lang akong naalala. Ah wala naman na Yan, gusto ko lang malaman anong nangyari kahapon, I really thought it was serious, nag-alala lang ako"
"'Di nga Kat, you want to tell me something. So ano 'yon?" sigh paano ba to? I know she won't let it slide at kukulitin niya lang ako ng kukulitin. Sh!t napasubo na ako. Bahala na! Bahala na ang laro bukas!
"You got me. You really knew me so well hehe... Yan I know gusto mo pa rin ako, noong naghiwalay kami ni Beth mas ipinapakita mo na sa akin ang nararamdaman mo and I really appreciate it kasi it shows that you respected my relationship and our friendship but I am sorry Yan pero hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa iyo. M..."
"Dahil ba ito kanina? Did I overstepped? Did my actions irk you ba?"
"Kinda? You went overboard Yan... 'di naman kita girlfriend"
"Sorry but can you at least give me a chance Kat?" hinawakan niya ang dalawa kong kamay "Let me show you how I really feel... mahal kita Kat and I wanna take care of you, serve you and love you even more. I only want you to be happy Kat, and I want to be that person... the one who makes you happy. Please give me a chance and be my girlfriend?"
"Sorry Yan but I can't, may nagpapasaya na sa akin... may mahal na ako" tumawa siya pagkasabi ko noon, halatang hindi naniniwala.
"Naka-move on ka na? That fast?" she chuckled "At least give me another alibi, 'yong kapani-paniwala" and I saw a hurt in her eyes but she hid it with a smile "You don't have to lie Kat, wala ba talagang pag-asa? Hanggang kaibigan lang ba talaga?" she had teary eyes na, pinipilit pigilan ang mga luhang gustong kumawala.
"Hindi ako nagsisinungaling Yan, I am in love with someone and yeah, simula pa noon, friendship lang talaga ang maibibigay ko sa iyo. I'm sorry" kilalang-kilala niya ako kaya sigurado akong alam niya na hindi ako nagsisinungaling.
"Okay" 'yon na lang ang nasabi niya sabay pahid ng mga luhang tumulo na sa kanyang mga mata. "See you tomorrow Kat and drive safely" tumalikod na siya at nagtungo na sa kotse niya, 'di na ako nakakibo at hinayaan na lang siya.Pagkapasok ko sa kotse ay tinawagan ko agad si coach na sinagot naman niya agad.
"Okay ka lang?" tanong niya agad sa akin, 'di ko namalayan na umiiyak na din pala ako. She's always been a good friend to me, she's always been there for me whenever I needed her, to listen to my rants or kahit ano lang na gusto kong sabihin, or to just sit beside me for hours, or make me smile or samahan ako sa mga kahibangan ko. Matagal ko ng alam na may gusto siya sa akin but she never acted on it at ngayon ngang napilitan siyang magtapat ng nararamdaman niya sa akin ay nireject ko siya... dahil ito ang kailangan kong gawin and I end up hurting her. "Hey, wanna come over?" tanong ulit sa akin ni coach na puno ng pag-aalala.
"Okay" 'yon na lang ang tanging naisagot ko sa kanya kasi humihikbi na ako.
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...