Part 2

464 16 0
                                    

Masaya akong nakabalik sa paaralan na kondesyon ang katawan pero 'yong utak at puso ko, 'di ko lang alam. 'Di ko pa kasi sila nakikita kaya malalaman ko lang talaga 'pag nakita ko na sila. I've decided na 'di ko na sila pagtutuunan ng pansin at magfufocus na lang ako sa training, laro at pag-aaral ko pero I am sure kahit anong paghahanda ko sa utak ko iba pa rin talaga kapag nakita ko na ang mga taksil.

At nakita ko nga sila during lunch break but for whatever reason ay baliwala lang ito sa akin. Ang iniyakan ko at dahilan ng paglalasing ko halos buong bakasyon ay wala ng epekto sa nararamdaman ko? Himala? Sinubukan kong kapain ang puso ko for something, even just a little bit na sakit or galit but nothing at natawa na lang ako sa sarili ko kasi naisip ko kung gaano sila kabagay... mga walang kwenta at pangit. Napaisip na lang ako kung ano ang nagustuhan ko sa kanya, ginayuma kaya niya ako? At natawa na lang ako sa katangahan ko kung bakit nagkagusto ako sa kanya gayong ang dami namang magagandang nagpapapansin sa akin dati. Sigh love is blind nga naman talaga at buti nalang natauhan na ako salamat sa pangloloko nila.

After naming kumain ng mga kaklase ko ay babalik na kami sa classroom namin when they called me out. Kami sana 'yong sabay laging kumain but it all changed noong lokohin nila ako bago matapos ang pasukan and here they are, gustong makipag-usap. We haven't talk pa kasi about sa nangyari pero may dapat pa bang pag-usapan after mong makita ang girlfriend mo at ang bestfriend mong hubo't-hubad na nagtatalik sa sofa ng dorm ng bestfriend mo? Wala na diba? What they did will cut all our ties and that's it wala ng dapat pang pag-usapan pa.

"Babe please let us explain" sabi ng pangit kong ex. Ano bang explanation sa nangyari? Na aksidente lang iyon? Na hindi nila sinasadya? Haha!
"May dapat pa bang i-explane doon sa nakita ko? Sobrang linaw noon. Niloko ninyo ako" mahinahon at nakangiti kong sabi.
"Bes we're both drunk okay and hindi na namin alam ang ginagawa namin that time. We are under the influence of an alcohol, do you really think magagawa namin sa iyo iyon kung nasa tamang pag-iisip lang kami?" paliwanag ng pangit ko ring bestfriend at biglang nag-init ang katawan ko sa sinabi niya kasi I remembered an incident caused by my drunken state din at lumitaw na naman ang maganda niyang mukha at ang hot niyang hubad na katawan sa isip ko. Sa tingin ko hindi ko rin ito magagawa kung sakaling hindi ako lango sa alak. But is that enough reason to forgive them? Wal... "Bes please, that was the only time it happened at hinding-hindi na ito mangyayari ulit"
"Babe, ikaw lang naman ang mahal ko at ayaw kong mawala ka sa akin. Sorry pero lasing lang talaga kami that time" Sigh lasing... iyon na lang ba talaga ang idadahilan lagi ng mga manloloko? Hindi ba pwedeng we both like each other at dahil nakainom kami eh naging honest kami sa sarili namin at pinagbigyan lang namin kung ano talaga ang gusto namin? Hay walang ibang dulot ang usapang ito kundi ang dalhin ako sa isang gabi din ng kalasingan ko. Posible din naman ang sinasabi nila diba? Nagawa ko nga sa 'di ko kakilala diba?
Sigh "Okay fine. Both of you are forgiven pero hindi na tayo babalik sa dati. I am breaking-up with you Beth and Alfred, I don't think you can still be my best friend. Papaano mauna na ako at may klase pa ako" tumalikod na ako sa kanila at nagmadaling nagtungo sa classroom not to be late for my next class.

During the class the whole afternoon ay hindi ako makapag-concentrate dahil sa kakaisip sa nangyari kanina. Nagtataka pa rin ako why I am no longer affected sa kanilang dalawa to think halos kamakailan lang eh todo iyak ko pa sa kanila. Seeing them had somewhat opened my eyes na hindi talaga siya bagay sa akin, and it is all thanks sa kalasingan nila na namulat ako sa kahibangan ko. Hindi naman ako nagbabase sa itsura, naging girlfriend ko nga siya diba? Basta mag click lang kami okay na sa akin 'yon, siguro sobrang napamahal lang siya sa akin kaya kahit ayaw ng mga kaibigan/teammates ko dahil madami daw itong red flags ay dinideadma ko lang sila ang mahalaga ay masaya. And maybe kahit hindi siya maganda ay nagustuhan ko siya 'coz I really have a thing sa mga glasses girls at napakagat na lang ako ng labi ng maisip ko ulit si one-night stand nerd girl.

Tapos na ang klase at excited na akong makita ang teammates ko kaya nagmadali akong nagpunta sa gym, dumiretso sa locker room at nagbihis.

Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay nadatnan ko silang lahat na nakaupo na sa sahig at nag-i-stretching na nakaharap sa isang babaeng nakatayo na nakatalikod sa akin na nagtatawanan.
"CAP!" sigaw ng nakapansin sa akin at nang nakita nila ako ay bigla silang tumayo lahat at tuwang-tuwa na lumapit sa akin, niyakap nila ako at tumalon-talon pa kami sa sobrang galak.
"Welcome back! Namiss ka namin" sabi nila.
"Namiss ko rin kayo" sagot ko naman sa kanila at nang humupa na ang excitement ay isa-isa na silang kumalas at bumalik na sa pwesto nila at nang isa na lang ang kayakap ko ng mahigpit ay napatingala ako and my jaw dropped and para akong naparalisa 'di makagalaw yakap pa rin ang closest ko na teammate because I saw her... ang babaeng kanina pa tumatakbo sa isip ko... ang babaeng naka-one-night stand ko!

My COACHWhere stories live. Discover now