Part 25

155 8 0
                                    

After stretching and warm-up ay naglaro na kami and sad to say again, off na naman ang laro ko dahil hindi ako at ease dahil kay Mailyn at Diane. Ni wala nga kaming connection ni Diane sa larong ito at alam ko I have to do something para hindi lalong mainis sa akin si coach . Ang dami ko pa naman ng atraso sa kanya kahit hindi ko naman kasalanan tapos ganito pa ang laro ko. Hayz na lang talaga! Good luck sa akin!

Nag timeout si coach at tinawag niya kami ni Diane.
"Ano ba ang problema ninyong dalawa? 'Yong nangyari kanina? What a pity, ang liit na bagay. I will give you time to settle kung ano man ang meron kayo and make sure na pag balik ninyo sa court ay okay na kayo" utos niya sa amin sabay nagpunta siya sa mga kasama namin at kinausap din sila.

"Sorry" sabay naming sabi.
"Masyado lang siguro akong sensitive today because of what happened kaya nasaktan ako when you pushed me away na parang nandidiri ka sa akin at dahil hindi mo ako namiss" sabi niyang nagtatampo pa rin.
"Hey sorry" sabay hawak ko sa mga kamay niya "I know insensitive ako sa ginawa kong pang-aasar sa iyo" at pinanindigan ko na talaga ang pagkukunwaring nang-aasar kanina "'di ko kasi alam na may nangyari pala. Anyway can we put this aside muna, let's talk about it after the game? And for now let's focus muna sa game kasi malapit na ang gameday natin?" binitawan ko ang mga kamay niya sabay dipa ko asking for a hug. One problem at a time bahala na muna si coach mamaya ko na siya poproblemahin.
"Yeah" nakangiti niyang sagot sabay yakap sa akin at nagbalik na kami sa court.

Kahit papaano ay malaki ang inimprove ng laro naming dalawa at ng team namin. Alam ko wala lang sa mood si Diane kanina at maging ako rin kaya nakaapekto ito sa laro namin pero since naayos na namin ang gusot ay bumalik na sa dati ang laro niya.

Our team won the game but hindi satisfied si coach sa performance namin at kinausap kami pagkatapos naming lahat magshower. Pinaalalahanan kaming lahat at special mention ako na huwag dalhin ang problema sa court. Kung anuman ang problema, pinagdadaanan or iniinda namin ay dapat namin itong iwanan sa labas ng court at 'pag nasa loob na ng court ay dapat sa bola na lang ang focus at wala ng iba pa. At may bigla akong naalala sa sinabi niya... si assistant coach... ang... ang boyfriend niya. So she is cheating on him? At ako third party? OMG! Fuck!
"Kat!" naramdaman ko nalang na sinisiko ako ni Diane at narinig ko si coach calling my attention. "Nakikinig ka ba?" And she looks annoyed na naman. Patay na talaga ako nito.
"Ah sorry coach may naalala lang"
"Okay... so can you please share it sa amin? Mukha kasing mas importante pa 'yan kaysa sa mga sinasabi ko" naiirita niyang wika.
"Ah... eh... wala po coach, sorry po talaga hindi na po mauulit" 'yon na lang ang tangi kong nasambit kasi 'di naman pwedeng sabihin sa kanila ang naisip ko kanina.
"Please everyone, kapag nagsasalita ako ay dapat makinig kayo, I want your full attention, focus, because it's for the team. I am so disappointed in you Kat, team captain ka pa naman din. Okay girls we're done here, bukas ulit and please ingat kayo sa pag-uwi and update me when you're home. And Kat magpaiwan ka"
"Okay coach" I should be happy dapat kasi masusolo ko na naman si coach but the way she talked kanina ay nakakatakot. Ang dami ko pa namang atraso sa kanya tapos nadagdagan ko pa for not listening to her. Patay talaga ako nito! Kinakabahan talaga ako.

Si Diane ang huling lumabas sa locker room and leaving me an encouraging smile at pagkasara ng pinto ay naupo agad si coach sa bench at napabuntong-hininga. She looks exhausted and it seems it is all because of me. She bent forward at sapo ng kanyang mga kamay ang kanyang ulo.
"So what were you thinking earlier Kat na mas mahalaga pa sa mga sinasabi ko sa inyo? I felt disrespected alam mo ba?"
"I am so sorry coach" I walk towards her, balak ko sanang umupo sa tabi niya to hug her but she stopped me and pointed the opposite bench kaya wala akong ibang nagawa kundi sundin siya, ayaw ko ng dagdagan pa ang atraso ko sa kanya. "I am sorry" wala ng ibang lumabas sa bibig ko.
"So ayaw mong sabihin?" pagtitimpi niyang sabi.
"When you said na dapat sa bola lang ang focus at wala ng iba, I remembered when you said that to me dati at naalala ko ang assistant coach mo dahil siya ang ibig mong sabihin noon dati. Bigla kong naalala na boyfriend mo pala siya... na... na you were cheating on him... at... at isa pala akong third party" halos pabulong kong wika sa huli kong sinabi, natatakot na baka may ibang makarinig kahit kaming dalawa nalang ang nasa room at 'di ko napansin na may nangilid na palang luha sa mga mata ko na mabilis kong pinunasan. Oh boy balat-sibuyas na 'ata ako pero masakit talagang isipin na may iba pa siyang mahal.

Napabuntong-hininga na naman siya.
"He is my cousin" pag-aamin niya "I just lied to you para tigilan mo na ang pangungulit mo"
"I see" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, nagselos lang pala ako for nothing... or something... kasi dahil doon hito na kami ngayon. "Can we go somewhere? To your place? I badly needed you"
"Okay" pagod niyang sabi at tumayo na kaya tumayo na rin ako at naunang lumabas.

Pagkalabas ko ng pinto ay nagulat ako kasi nakita kong nakaupo sa sahig sa gilid ng pinto si Diane.
"Yan? Nandito ka pa?" tumayo siya pagkakita niya sa akin.
"So how was it? Napagalitan ka ba?" Nakita niya siguro na naluluha pa ang mga mata ko.
"Ah okay lang ako kasalanan ko naman eh. 'Di mo na sana ako hinintay" bumukas ang pinto at nagulat si coach ng makita kaming dalawa ni Diane na nakatayo sa may pintuan pero dumiretso lang siya ng lakad. I guess nothing can really go as planned today?
"I thought we needed to talk kaya hinintay kita" nag vibrate ang phone na hawak ko kaya tiningnan ko ito. It's a message notification from Mom 'See you at...'
"May lakad kayo ni tita?" so nakita niya ang notification ko which is a good thing! Buti na lang talaga advance ako mag-isip!
"Yeah it seems. Sorry naghintay ka pa for nothing" God I've been lying na ng ilang beses but I have to. There's just no other way, I wanted to be with my coach.
"It's okay. Some other time then" at sabay na kaming nagtungo sa parking lot at bago ako nagmaneho ay nagpaalam muna ako kina mom and dad that I will be sleeping sa bahay ng kaklase ko.

My COACHWhere stories live. Discover now