Part 7

258 13 0
                                    

Is she trying to kill us? May mga pasok pa kami at eight tapos hindi pa raw kami tapos? We need to shower pa and eat our breakfast kasi sa malamang wala ding kain ang iba kong mga kasama gaya ko dahil sobrang aga naman kasi ng training and we only have less than forty-five minutes left. Aughhh paano namin gagawin iyon? Nakakainis talaga!

We went back to the gym and she wants us to play the fifth set which means we only have to score fifteen points. And so we did and my team won the game.

Pagod na pagod kaming nagmadaling mag shower at bihis na panay ang reklamo, 'yong iba nagmadali ng pumunta sa kanilang classroom at ang iba naman ay dumaan muna sa canteen to grab a food para kainin na lang nila sa classroom at ako naman ay nagmadaling sinundan si coach. Hindi maaari itong ginagawa niya sa amin!

"Coach, coach" tawag ko sa kanyang tumatakbo papalapit sa kanya.
"Yes Miss Kat?" magkasalubong pa rin ang kilay niya.
"I want an explanation on what happened today coach, hindi pwede itong ginagawa mo sa amin. 'Yong iba dumiretso na sa classroom nila na walang almusal. Kung may problema ka coach huwag mong ibunton sa amin"
"Wala akong problema Kat, it is part of the training and if you'll excuse me I need to go or I will be late for my class" God it is so annoying kung gaano niya ako kabilis idismiss at wala man lang akong magawa dito! Nagmamadali na siyang umalis na iniwan akong hindi makapaniwala sa excuse niya. I still need to talk to her.

Lunch break na kaya nagmadali akong pumunta sa faculty room  after mag bell hoping maabutan ko siya, I need to resolve this bago mag training na naman mamayang hapon. Pero wala na siya sa kanyang desk kaya pumunta na ako sa canteen at nag join sa mga kaklase ko na kumakain na. Nandoon na siya, masayang kumakain with the other teachers kaya walang chansa na makausap ko siya. I will try nalang ulit this afternoon before magstart ang aming training.

But that afternoon training and practice ay wala si coach may importante daw na lakad kaya ako ang in charge at ginampanan ko namang mabuti ang tungkulin ko as their team captain, we had our stretching and warm up tapos naglaro kami with the help of the boys volleyball team as our referee and lineman.

Gaya pa rin ng dati, dikit lang ang laban namin at panalo na naman kaming first six team. Maaasahan naman din sila pagbinubunot ng dating coach but I guess kulang pa rin kasi sa totoo lang hindi pa kami nakakaabot sa semis and last year ko na ito at magka-college na sa susunod na pasukan so as this year's team captain ay gusto kong maipasok man lang kami sa semi at pangarap kong makamit ang championship sa Division Meet kasi hanggang District Meet lang kasi kami nananalo.

Nag message lang si coach sa group chat namin that evening, pinapatulog kami ng maaga kasi big day daw bukas. Dapat nasa school na kami at five thirty in the morning para mag stretching at warm up dahil may game kami at six. Nainis ako pagkabasa ko sa message niya dahil mas aagahan ko pa ang gising ko. Baka bukas-makalawa nito gigising na ako ng alas-dos ng umaga o hindi na matutulog! Pero nag agree na lang ako doon sa group chat namin at nag set na ng alarm. Hindi na ako maliligo at mag-aayos bukas since nakapag shower na naman na ulit ako pagkarating sa bahay.

Kinain ko lang ang tinakeout ko sa Subway na subway club at pagkatapos ay sinubukan ko ng matulog. Nakakainis balak ko pa naman sanang mag-aral para sa quiz sa isang subject bukas pero nadala na ako sa ka striktihan ni coach kahapon kaya dapat matulog ng maaga para kondesyon ang isip at katawan bukas at mas makarating ng maaga kay sa napag-usapan na oras. And I guess I need to impress her para mapabilib siya sa akin at magkaroon ng tiwala.

I was at the gym na at five fifteen pero nandoon na ang mga early birds kong kasama... akalain mo 'yon, ako na naman ang last na dumating! May pakape na naman sa akin si Diane na malugod ko namang tinanggap at nagpasalamat sa kanya dahil kinakailangan ko ito pampagising sa natutulog ko pang katawan at utak. Hay hirap ng walang magulang, sana bumalik na sila mommy at daddy para may nakahanda na akong kape at pagkain pagkagising. Bigla ko tuloy silang namiss as I took a sip sa mainit na kape.

Maya-maya pa ay dumating na si coach na mukhang masaya at exited.
"Good morning girls! Mabuti at nandito na kayong lahat ng mas maaga kaysa agreed time." at sa akin talaga siya nakatingin habang sinabi niya ang huling mga salita. Sigh. "I have a surprise for you this morning and I hope na pagbutihan ninyo mamaya sa practice game. I invited my friends to play with you so I hope you will give your all and show them what you got! Na may potential kayong masungkit ang minimithi ninyo. I believe in you girls so sana hindi ninyo ako ipapahiya sa kanila, although I won't expect naman na mananalo kayo sa kanila but at least ipakita ninyo ang kaya ninyo... ang natutunan ninyo. Kahit kalahati lang ng puntos every set ang igapang at paghirapan ninyo ay matutuwa na ako" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at nagkatinginan kami ng mga teammates ko. Sino ang mga kaibigan niya at ganoon kagaling? Kahit kalahati lang ng puntos at igagapang pa talaga namin?
"Okay girls nandito na sila please give a round of applause to your opponent this early morning, they're no other than the first six of Creamline Cool Smashers!" proud at masiglang pagpapakilala ni coach sa kaibigan daw niya na pumapalakpak pa pero walang nakapalakpak sa amin dahil lahat kami ay na starstruck, nanlaki ang mga mata at napangangang hindi makapaniwala sa aming nakita nang pumasok ng gym sila Alyssa Valdez, Kyla Atienza, Jia De Guzman, Tots Carlos, Celine Domingo at si Jema Galanza na nakahawak ang kamay sa braso ni Ella de Jesus na support lang yata kay Jema kasi hindi ito nakasuot ng jersey.

My COACHWhere stories live. Discover now