Part 13

198 13 0
                                    

Nang mahimasmasan ako sa kakaiyak ay umalis na ako sa kwartong nagpapaalala rin sa akin kay coach, kumain muna sa restaurant ng hotel, nag order ng food for takeout, umuwi ng bahay at nagpakalunod ulit sa alak.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang paraan on how to cope up with pain and this is how I do mine. Walang pakialam sa mundo, sa ibang tao basta makalimot lang sa sakit na nararamdaman ko. Ang mahalaga lang naman before I switched off my phone is alam ng parents ko kung nasaan ako and how long I will be gone but right now, hindi ko talaga alam kung kailan ako babalik. Today is Sunday, for sure babad na sa pag-iinsayo ngayon ang mga kasama ko kasi may laro na naman kami next Saturday but here I am again... escaping from reality and my responsibility.

It's nine-thirty in the evening and I should be heading na dapat pa-Manila kasi may pasok na kinabukasan pero ito na naman ako sa bar, drinking.
"Ku-kuya i-isa pa po"
"Ma'am dahan-dahan lang po baka makatulog ka na naman dito"
"'Yo-'yon pala gusto kong i-itanong sa i-iyo ku-kuya... did I le-left the bar ba a-alone la-last night?"
"Ah sinundo ka po ng kaibigan mo ma'am kasi wasted na talaga kayo kagabi kaya ngayon sana hinay-hinay lang kasi wala dito ang kaibigan mo"
"Kuya sha-shot pa"
"Ma'am tama na po siguro, hindi ka na nga makapagsalita ng maayos eh... itatawag nalang po kita ng taxi ma'am"
"O-okay pe-ro ku-ya pabili i-isang bote ng te-tequila, si-sig a-at cala-maris a-at bi-bill ko na ri-rin" kinuha ko ang credit card ko sa wallet at inabot sa bartender. "Nakapagba-bayad ba a-ako kagabi?"
"'Yong kaibigan n'yo po ang nagbayad ma'am at mas mabuti na nga po kung sa bahay kayo iinom para safe po kayo. Pahingi po ng address n'yo ma'am para maibigay namin sa taxi driver mamaya"
Sinabi ko ang address ko at isinulat ito ng bartender at maya-maya ay inabot na sa akin ang resibo, card ko at dalawang plastic bag na may lamang bote ng tequila at container na may sliced lemon, sisig at calamaris. Tumawag siya ng bouncer at pinaalalayan ako.
"Ingat po kayo ma'am at balikan mo nalang po bukas ang sasakyan mo"
"Tha-thanks kuya"

I woke up with a headache na naman, it happens every time masobrahan ako ng inom. Nakaupo lang ako sa carpet na nakasandal sa sofa na nakatulog at nasa gilid ko naman ang nangalahating bote ng bukas pa na tequila. Ughhh nasa school sana ako ngayon pero ito ako may hangover and I look like sh!t. Hinihilot ang ulo dahil sa sakit.

Anong oras na kaya ako natapos kagabi o kaninang madaling araw at pasado alas-dos na ako nagising. Tumunog ang t'yan ko sa gutom kaya napilitan akong tumayo at nagtungo sa kusina. Dalawang araw na ako dito pero ngayon ko pa lang mabubuksan ang ref to check kung may laman ba ito o wala. And yeah wala, ni hindi nga nakasaksak kaya naligo na lang ako para sa labas na lang kakain.

Dinaanan ko muna ang kotse ko sa bar para 'yon na ang gagamitin ko sa kung saan ko man maisipang magpunta at kumain pero since bukas na sila kaya naisipan ko na doon na lang kakain.
"Uy ma'am good afternoon ang aga ata natin ngayon ah" wika ni kuya bartender. "Wala na bang hangover? Shot na ulit?"
"Dadaanan ko lang po sana ang sasakyan ko pero since bukas na kayo dito na lang po ako kakain. Can I please have a coffee and a double cheeseburger po?"
"Okay ma'am coming up" at tumayo na ako at lumipat sa table.

Nasa harap ko ngayon ang naka-off ko na phone na nakapatong sa table. Habang naghihintay ng order ay pinag-iisipan ko kung bubuksan ko ba ito o pagkabalik ko na lang sa Manila pero ibinalik ko ito sa wallet ko at binalikan ko naman on how I got home last night and I have my recollection sa nangyari kagabi even with the conversation I had with kuya. So may kaibigan akong nagbayad ng ininom at kinain ko at nagbayad ng hotel room ko. Pero sino naman ito? Wala namang nakakaalam na nandito ako ngayon gayong my friends know na busy ako sa volleyball at pag-aaral. Gusto ko na tuloy buksan ang phone ko at magtanong-tanong pero hinayaan ko na lang. Pag uwi ko na lang sa Manila since ito naman ang gusto ko ang makalimot kaya hindi na ako mag-iisip pa.

"Here's your coffee and your double cheeseburger... enjoy po ma'am"
"Thank you po. Ah kuya wait, 'yong sinabi mong kaibigan ko, lalaki po ba ito o babae?"
"Babae po ma'am at maganda at sexy po"
"Ah okay po kuya, maraming salamat po"
"Sige po ma'am enjoy"

Wasn't helpful at all paano ba naman kasi magaganda at sexy naman ang mga kaibigan ko... maliban na lang sa ex-girlfriend ko.

Hay who could it be? Winaglit ko na sa isipan lahat ng bagay at nag focus na lang sa pagkain na nasa harap ko. Inenjoy ko na lang bawat kagat sa burger at higop sa kape para walang ibang maiisip at effective naman. Actually I can do this too, stress eating... pero ayaw ko kasi mahirap 'pag nag gain ng weight baka hindi na makatalon ng mataas at least pag umiinom ako ng tequila wala itong epekto sa weight ko pero epektibo sa utak ko.

My COACHWhere stories live. Discover now