May pa-flowers na naman si coach na si kuya Tay na naman ang delivery man na nagpakilig ulit sa mga kasama kong hindi pa nakakaalam and as usual, nagpalunch na naman ang galante kong girlfriend sa TGI Fridays to celebrate our win. She invited my parents ulit na malugod namang pinaunlakan ng mga ito. Hay naku! 'Di pa nadala eh! Ano na naman kaya ang mangyayari nito mamaya? Baka mamatay na naman 'to sa inggit! MY COACH talaga eh! Sarap pektusan! Walang kadala-dala!
We were having lunch and it went smoothly so unlike the last time. To my surprise, they were no longer interested in getting to know kuya Taylor instead their attention was on coach. Hmmm I guess I was right all along, inaasar lang talaga nila si coach last time to see how she will react and realizing that ay bigla akong kinabahan, ang problema ko ngayon eh kung papasa ba sa kanila si coach! Pero nawala lang din ito, natanggap nga nila si Beth eh si coach pa kaya na eleven out of ten ang rate ko sa kanya. I know hindi ko pa ganoon kakilala si coach but I'm not really in a hurry, I have a lifetime to get to know her more. As for my rate, more on physical attribute lang niya iyon, she is really pleasing to the eye, ang ganda niya, hindi nakakasawa at ang simple n'ya lang talaga and she has the body to die for! Bigla akong nag-init thinking of her body, her abs... ahhhh coach! And I know she has a kind heart too, she treats everyone equally and kindly... gaya ngayon kasalo ulit namin si manong driver. And kung future ko naman ang inaalala nila, I can thrive hard for it on my own, or I can just be a plain housewife, I will learn how to cook and be a good wife kay coach, mukha namang kaya akong buhayin ni coach eh haha!
"Kat?" pukaw sa akin ni coach na siniko ako sa gilid, magkatabi kasi kami.
"Yes coach?" pagtataka ko, I was really lost in my thoughts haha.
"Okay ka lang? You've been quiet for a while now"
"Ah yes coach, I was just thinking about the game earlier" namumula kong pagsisinungaling.
"You did really well" pagpuri niya sa akin. "And the whole team"
"Thanks coach" matipid kong sagot at ngumiti na lang ako at nagfocus na sa aking ribeye.Pagkaask ni coach ng bill ay si daddy na agad ang kumuha nito at wala ng nagawa si coach kundi ang walang sawang magpasalamat dahil ang dami naming nilibre ni daddy. Why do I feel like coach is trying to impress my parents? I think she can afford naman pero lumuwa mata ko when I saw the receipt na hawak ni daddy. Mapagsabihan ko itong babae na ito! Kailangan niyang magtipid para sa future namin!
"So I assume na hindi ka na naman sa bahay matutulog?" panunuksong tanong sa akin ni daddy.
"Ah, eh hindi sana dad, I am planning to sleepover sa kaibigan ko"
"Kaibigan talaga? O ka-ibigan?" panunuya ni mommy "oh sige mauna na kami sa inyo, at coach ikaw na ang bahala sa baby namin ha" at walang naisagot si coach, 'di 'ata alam how she'll take what my mom had just said, kahit ako man... was it as my coach or as my lover? Pakilinaw mom please!
"Yes coach, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin" makahulugan itong ngumiti at nakipagkamay pa ito kay coach bago sila umalis ni mommy na magkaholding hands, bigla tuloy pinagpawisan ng malagkit si coach na wala pa ring masabi. Isa pa 'to si daddy! Parang ipinapaubaya na ako sa manugang nila ah. Anoh bah mom and dad! Ayeeee! 'Di ko tuloy mapigilang mapangiti at mapailing. Pasado na si coach!!! YES!!!We've joined the rest of the group, gusto pa sanang magliwaliw ng mga kasama ko to continue the celebration but coach insisted na bumalik na kami sa school at next win na lang daw namin iyon gagawin dahil may lakad pa siya. Kaya kahit dismayado ang mga kasama ko ay wala na silang nagawa kundi sumunod kay coach pero si Diane at Mai ay nagpaiwan talaga. Hmmm magdidate? Too early pa siguro for the two of them to be dating pero at least now magkasundo na sila, hindi na katulad dati na para silang aso at pusa. Ahhh my ship is sailing! I was celebrating inwardly as I saw them walk away from us.
Nasa kotse na ako at nakalimutan 'ata ni coach ang prize ko. While I am so excited about it na wala ng ibang laman ang isip ko kun'di kung ano ang premyo ni coach sa akin ay siya namang abala at masayang nakikipag-usap sa mga kasama ko kaya tinext ko siya 'Where's my prize?!' and I saw her checked her phone at nag smirked lang siya at patuloy pa ring nakipag-usap sa mga kasama ko ni 'di man lang nagreply kaya nagtext ulit ako 'Uuwi na ako sa bahay at the count of 3' I saw her checked her phone again kaya nagmadali akong nag send ulit ng text '1' at nakita kong bigla siyang nag excuse at paalam sa mga kasama ko at nagreply agad sa akin.
'See you sa parking ng condo' pagkabasa ko ng text niya ay umalis na agad ako at nagtungo sa condo niya at naghintay lang sa kanya sa parking.Maya-maya pa ay dumating na siya at nakatanggap agad ako ng tawag from her "Lipat ka dito sa car ko and you can bring your stuff din with you" sabay end niya ng call 'di man lang ako pinagsalita, bastos din eh noh? Kaya padabog ko siyang sinunod. I took my things with me at hinagis ko ito sa backseat niya at padabog na sinara ang pinto sa likod at gano'n din ang ginawa kong pagsara pagkasakay ko sa passenger's seat.
"Bakit galit ang beshy ko?" I ignored her and just pouted my lips na nagpangiti sa kanya sabay kurot ng pisngi ko "ang cute mo talaga Kat, that's why I love you" hay paano ba ako mananatiling inis sa kanya kung ganito siya ka sweet? But yeah pa as if akong 'di tinablan sa sinabi niya and continued sulking na nakacross na ang arms ko.She was leaning closer to me kaya iniwas ko ang mukha ko sa kanya para hindi niya ako mahalikan but she reached for the seatbelt kinalas ang arms ko sa pagkakacross at kinabit ito "safety first" nakangisi niyang sabi na mas lalong nagpainis sa akin and she drove off na to somewhere na siya lang ang nakakaalam at wala akong balak alamin kasi bibigyan ko siya ng silent treatment the whole ride!

YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...