Part 9

259 11 0
                                    

Naglaro na kami at kahit hindi all out ang laro ng mga idols namin na CCS ay nahihirapan pa rin kaming makapuntos and sad to say hindi kami nakaabot kahit kalahati man lang ng score. Nakakahiya! Pero okay lang enjoy na enjoy naman kaming kalaro ang mga MVPs. Ni sa panaginip o sa isip ko ni minsan hindi sumagi ang makalaro ang mga bigating players ng CCS at ng Pilipinas. As a player wala na talaga akong mahihiling pa! Opsss meron pa pala, ang mag champion, ma-scout, makalaro sa UAAP at professionally hehe.

Feeling ko isa sa mga naging factor sa laro namin kanina maliban sa mahina ang floor defense namin sa larong iyon ay dahil madalas kaming napapahinto na lang at tinitingnan na lang sila 'pag tumalon na at mag-i-spike na sila... lalo na pag combination play... nau-awestruck kami sa ganda ng talon at porma nila sa ere. Hayz sana maging kasing galing din nila akong maglaro balang-araw... in my dreams! Pero wala namang masamang mangarap eh, dedication lang, sipag at tiyaga gaya nga ng sabi ni ate Aly sa akin kanina.

Alam ko marami pa kaming kakaining bigas para maging katulad nila or kahit close lang sa skills nila. But with their help, nakita namin kung ano pa ang kulang sa amin na kailangan pa naming pagtrabahuan. Buti na lang may time pa kaming i-improve ang mga sarili namin sa floor defense para sa District Meet na gaganapin na sa susunod na buwan.

After ng laro kaninang umaga ay nag breakfast kami sa Pancake House... with the CCS team! YAY! Sino ang mag-aakala na makakasalo naming kumain ang mga idols namin? Ako? Never! Oh My God sobrang saya lang talaga! Ayaw ko ng matapos ang araw na ito with them!

Katabi ko si coach ng upuan kasi naman kasabay kong pumasok si Ate Ella and ate Jema, nasa gitna nila ako nakalink ang mga braso naming sinusundan si coach. Gosh OMG na naman! Parang maiihi na ako sa sobrang excitement at kilig to be linked arms with JELLA! 'Di ko talaga mapigil ang ngiti sa aking mga labi! Nakakabaliw! Ang tagal kong magising sa magandang panaginip na ito na gustong-gusto ko naman.

Pagkaupo ni coach sa gilid ay wala akong naging choice noong iupo nila ako sa tabi ni coach at umupo silang dalawa sa tapat namin ni coach.
"Pasalamat ka sa amin" may pagka bossy na utos ni Ella na nakatingin kay coach. Inangat lang ni coach ang dalawa niyang kamay, 'di ko makita ang isa niyang kamay dahil sinadya niya itong harangan ng isa niyang kamay na nasa side ko pero sa malamang naka middle finger ito dahil tawa lang ng tawa ang dalawang magkasintahan na aliw na aliw.

Totoo talagang Team Goodvibes ang Creamline Cool Smashers! Ang kukulit, tawanan lang kami ng tawanan at ang babait pa, they would really stop eating talaga at nagwiwave sa mga fans nilang kumakaway sa kanila.
Tumahimik lang at sumeryuso ang groupo namin noong nagsalita na si coach na kanina pang tahimik na parang nagtitimpi.
"Thank you Aly, Jia, Tots, Ced, Kyla, Jema and Ella" sabay tiningnan niya ng masama ang magkasintahan. "Thanks for your time and for agreeing kahit short notice lang and I know dapat pahinga n'yo today but here you are. Kaya maraming-maraming salamat sa pag paunlak sa aking imbitasyon"
"Welcome ate, walang ano man 'yon, ikaw pa, lakas mo kaya sa amin!" sabi ni ate Jia na nag agree naman ang ibang team.
"Anytime ate, basta libre lang po kami... just let us know" wika naman ni ate Aly.
"Oo nga Reg gusto mo ituloy na natin ito hanggang dinner sa resort n'yo?" nakangising saad ni ate Ella at kinindatan pa si coach. "Team building! Hanggang umaga na lang pala" pagpapatuloy niya na may nakakalokang ngiti. "Ouch" at napatingin kaming lahat kay ate Ella na kita sa mukha nito na nasaktan.
"So feedbacks n'yo sa team ko?" saad ni coach na parang walang narinig kay ate Ella ni hindi nga siya napalingon dito.
Nagbigay naman ng feedback ang bawat isa sa kanila sa overall laro namin at sa kaposition nila. Grabe 'yong natutunan ko sa kanila, 'yong knowledge at insight nila sa laro na malugod nilang ibinabahagi sa amin... such an honor and they are such an inspiration!

Tapos na kaming kumain pero patuloy pa rin kami sa kwentuhan at napuputol lang ito kapag nag excuse sila sa amin para tugunan ang mga nagrerequest ng picture sa kanila. Sana all nalang talaga. Mamaya magpapapicture talaga ako sa kanila, patunay na ang lahat ng nangyari today ay hindi isang masarap na panaginip.
"Gusto mong magpapicture din sa kanila?" tanong sa akin ni coach habang nakatingin ako sa kanila na may kasamang mga fans na nagpapapicture.
"Sana" tipid at nahihiya kong sagot sa kanya.
"Okay mamaya bago tayo umalis"

Nagyayaya na si coach na bumalik na kami sa school dahil babyahe pa kami at baka maipit sa  traffic at malate kami sa klase.
Excused lang pala kami this morning, akala ko pa naman wholeday ko ng makakasama ang mga idols ko. Ipinagpaalam talaga kami ni coach sa aming mga guro para makabond pa ang players ng CCS maliban sa laro kanina. Lakas talaga ni coach pati sa mga teachers! Hayz si coach...

"Groupic muna tayo guys" sabi ni coach at tinawag niya ang driver ng sinakyan naming van sa katabing table na nagkakape na ngayon para picturan kami. Yay! May proof na ako na hindi ito isang kathang-isip o panaginip! Thank you so very much coach! You're the best! Sarap mong i-kiss! Ay! Opps. Sa cheek as thank you. Pagkalabas naman namin ay nag request ulit siya ng groupic at tinawag ang guard at nakisuyo na kuhanan kami ng picture.

Nakaluhod ang isa naming tuhod at nakasupport naman ang isa sa arm namin at nakanumber one hand sign kami ng teammates ko at nasa likod naman namin ang CCS players na nakatayo at napapagitnaan nila si coach na naka number one hand sign din. Nakailang kuha din si manong guard sa amin at ilang phone ang ginamit niya.
"Oh wacky!" sigaw ni ate Ced sabay may biglang humila sa akin patayo na ikinagulat ko at pinagdikit nila kami ni coach!

My COACHWhere stories live. Discover now