I wasn't a cheater at wala naman talaga akong balak mag cheat pero here I am, cheating sa girlfriend ko na hindi ko na talaga mahal. And I can't blame myself for doing this kasi kung hindi niya ako blinackmail, kung hindi ako napilitang makipagbalikan sa kanya ay hindi ito mangyayari sa amin.
Ilang beses pa nasundan ang ang mga madaling araw namin na pagvivideo call ni coach and Dianne and Mailyn knows the drill na just in case tanungin sila ni Beth but I guess nahuli niya ako kasi kahit anong deny ko na si Diane at Mailyn ang kausap ko sa banyo ay ayaw niyang maniwala... maybe she was eavesdropping behind the bathroom door?
After that ay hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin ni coach kasi bantay-sarado na niya ako. She would wake up 'pag gigising na ako kaya hindi ko na nadadala ang phone ko sa banyo and she would always check my phone at pumapasok na rin siya sa locker room pati pag-text o chat sa classroom ay iniiwasan ko na rin kasi may kaklase akong nagsusumbong sa kanya. Since the confrontation ay grabe na siyang magselos ng wala sa lugar na sanhi ng pagtatalo namin. Sa totoo lang sakal na sakal na ako, ganyan siya kahigpit pero ayaw ko ng pahirapan pa ang sarili ko sa mga dramang walang katuturan kaya hinahayaan ko na lang siya sa gusto niya at umiiwas na rin ako sa ikaka-inis niya, enough na sa akin ang dramang pinagdadaanan namin ngayon ni coach at ayaw ko ng dagdagan pa. I have to be strong... hanggang graduation.
Sunod-sunod ang panalo namin dahil kahit hindi na si coach Reg ang coach namin ay pinagpatuloy lang ng pumalit sa kanya ang kanyang sistima. At kahit papaano ay nasisilayan ko si coach sa mga laro namin kasama minsan ang CCS friends niya from afar cheering for us, cheering for me kaya ganado din akong maglaro, nagpapakitang-gilas sa inspirasyon at sa mga idols ko.
Sa game day ko na lang talaga na-i-enjoy ang sarili ko dahil maliban sa intense na laro ay nandoon din si coach, kahit pasulyap-sulyap lang sa malayo, enough na sa akin ang makitang nakangiti siya 'pag nagtama ang aming mga paningin at ang saya niya 'pag nakakapuntos ako. Kahit nga sa bahay namin ay hindi ko na maenjoy dahil sa presence ni Beth. My parents asked me to breakup with her na kasi kahit 'yong peace at warmth sa bahay namin ay nawala na dahil pinakikitunguhan lang talaga siya ng parents ko at syempre ako. Hindi naman na kami nag-aaway but just her aura, her vibes na hindi naman katulad dati ay sobrang negative, maybe it is because of what she did kaya ganito kami ngayon at wala naman akong magawa kahit wala na si coach sa school kasi nag-aaral pa rin ako doon and I don't want to tarnish her name, lalo na ang family niya na ayaw masangkot sa eskandalo ang pangalan nila.
I wanna drag the days into months hanggang makagraduate na ako para makalaya na pero mapagbiro talaga ang oras, mas lalong bumabagal kung gusto mong bumilis.
Kaya puspusang pag-eensayo na lang at pagpapagod sa sarili ang ginagawa ko para pagkauwi sa bahay ay bagsak na at gising ulit ng maaga kinabukasan. Wala na akong time for Beth, sinasadya ko talaga at wala akong pake sa nararamdaman niya kasi gusto ko na rin na siya mismo ang bumitaw sa relasyon namin pero kumakapit talaga siya at hindi ko alam ang mararamdaman ko kasi naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero naaawa rin ako kasi sinusubukan pa rin talaga niya to win me back.
Nag champion kami sa Division for the first time kaya malaking achievement na ito sa akin dahil natupad ko na ang championship na hinangad ko at may nadagdag pa sa team namin na tatlong players from our opponents dati kaya mas lalo pang tumindi ang pagpapractice for City Meet.
As much as I wanted to bring my team sa Provincial Meet ay we fell short. Second place lang kami sa City Meet and I blamed that to our coaches. Pinipilit talaga ang tatlong hambog na players na laging sinisisi si Diane sa mga sets nito gayong ayaw lang talaga nila kay Diane sa simula pa lang! Magagaling nga sila pero ayaw naman makicooperate, walang teamwork, walang connection. Nakakainis! Sayang at hindi ko na kasama ang team ko na maglaro sa Provincial, Regional at Palarong Pambansa.
Hindi man kami nakaabot sa finals ay malaking achievement at karangalan na para sa akin na makapaglaro sa Palarong Pambansa and it is all thanks to coach Reg at dahil dito ay maraming university ang kumuha sa akin pero ang first choice ko talaga ay ang pinagmulan ni Phenom ate Aly.
I already planned ahead, mag-aaral sa Ateneo at kukuha ng PolSci tapos proceed ng Law at excited na akong makagraduate para masimulan na ang mga ito at higit sa lahat ay para matapos na rin ang kalbaryo ko pero sinusubok talaga 'ata ako ng tadhana.
Malapit na ang graduation and I was having dinner sa kanila ni Beth ng nagulat na lang ako kasi hinihiram ni tito ang passport ko.
"Ah bakit po?" are they planning ba a trip abroad? Graduation gift nila sa amin?
"Aasikasuhin ko na ang visa mo para sa States ka na mag-aral" at napanganga na lang ako na napatingin kay Beth sa sinabi ni tito.
"You'll be going with us babe. Balak namin after graduation ay aalis na agad tayo. 'Yon na lang kasi ang hinihintay talaga nila mom and dad ang makagraduate ako, tayo" WHAT THE!
"Uhm I don't think po na papayagan ako nila mommy at daddy kasi gusto nilang sa Ateneo din po ako magtapos ng Law just like them po"
"Ganon ba? Sige, susubukan kong kausapin si Gerald, mas maganda kasi ang opportunity 'pag doon kayo makapagtapos ng pag-aaral" sagot ng daddy niya.Pagkapasok pa lang namin sa kwarto ay hindi ko na napigil ang sarili ko sa inis.
"Beth, are you out of your mind? Alam kong idea mo ito ni hindi mo man lang muna ako tinanong kung okay sa akin 'to?" naiinis kong wika na sobrang higpit ng hawak ko sa braso niya at alam kong nasasaktan siya sa ginagawa ko.
"As if you have a choice babe" parang wala lang sa kanya ang pagkahawak ko kasi ngumingiti pa siyang sinabi ito.
"But I already made a plan babe" wika kung sinusubukang kumalma at pinipigil ang pag-iyak dahil sa sobrang inis. She is still blackmailing me with those pics! Grrrr!
"Plan to get rid of me at makipagbalikan ka sa dati mong coach? Over my dead body Kat! If I can't have you then no one will kaya doon na tayo mag-aaral sa U.S or ireregalo ko sa mga graduates ang pictures n'yo ni coach Regine during our graduation? Your choice babe." F!

YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...