Part 41

142 5 0
                                    

"Excuse me" paalam niya sa akin na nakasimangot ang mukha na tumayo at nagtungo sa pinto.
"Ma" narinig ko ang walang ganang sabi ni coach when she opened the door.
"Why aren't you answering my call?" naiirita ang boses ng kausap ni coach at pumasok ang isang maganda at sopistikada na babae sa kwarto like she owns the place kahit hindi pa pinatuloy ni coach at umupo diretso sa sofa.
"Isn't it obvious Ma? Ayaw kong magpa-isturbo and yet here you are"
"And why's that? And who is she?" Sabay turo niya sa akin.
"I just want to enjoy my breakfast and my day off Ma"
"Not with us but with her?" tumayo siya at lumapit sa akin at bigla na lang akong napalunok ng laway at kinabahan. "Good morning iha" bati niya sa akin na nakangiti na siya namang mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Go..good mo..morning po ma'am" aughhh shit pinagpapawisan na ang kamay ko, she is so intimidating.
"And you are?"
"Ka..." huminto ako kasi nagsalita din si coach.
"Katherine Jimenez Ma, my fiancee" nanlaki ang mata ng mama niya sa pagkabigla at kahit ako man ay napa-ubo sa sinabi niya. "And Kat, mama ko"
"Fi..fiancee? The one who gave you that ring is this girl?" tinuro pa niya ang suot na singsing ni coach.
"Yes Ma" wala na namang gana niyang wika at ako naman ay gusto ko ng magpalamon sa lupa not to be here as they talked about me.
"And here I thought makikita ko na ang lalaki na mapapangasawa mo, tapos babae pala? At ang bata pa? Ilang taon ka na ba iha?"
"Ah..."
"18 Ma, she's the captain of the team that I am coaching" kalmado niyang sagot sa mama niya na parang walang mali sa relasyon namin. COACH!!! Preno naman d'yan! Gusto ko tuloy mag facepalm!
"Are you out of your mind Regine Torres Moreno?"
"Of course not Ma, I love her Ma"
"For Pete's sake Regine she is your student! You can lose your job na pinaglaban mo sa amin at mapapahiya ang pamilya natin"
"That's why we are keeping it secret Ma"
"Secret?" tumawa ang mama niya "Secret pa ba 'yong pinangangalandakan mo sa social media na engaged ka?"
"Hayaan mo na mom" wika ng lalaki na 'di namin namalayan ay nakapasok na pala dahil sa seryuso ng usapan at nakita kong ngumiti ng malapad si coach.
"Papa!" at yumakap siya dito ng mahigpit.
"Princess" niyakap din siya ng kanyang ama at hinalikan ang ulo nito.
"Ayan! Kaya lumalaki ang ulo n'yan dahil spoiled na spoiled sa iyo Enrico eh" naiinis na wika ng mama niya.
Humiwalay ng yakap ang papa niya at ngumiti ito sa akin at inilahad ang palad nito for a hand shake and totally ignored his wife.
"Glad to finally meet you iha" wika ng papa niya at inabot ko ang palad nito at nakipagkamay ako sa kanya.
"Same here po, nice to meet you po" kinakabahan pa rin akong ngumiti. Ang gwapo ng lalaki na nasa harap ko, no wonder why ang ganda-ganda ng fiancee ko kasi maganda at pogi ang parents nito.
"You wouldn't mind if we'll join you girls for breakfast right?" tanong ng papa ni coach sa amin"
"Of course not Pa" sabay kapit ni coach sa elbow ng ama niya na nakangiti.
"So should we continue this at the resto?" tanong ng papa niya.
"We'll just go ahead and we will wait for you sa baba" sabay hatak ng mama niya sa papa niya.
"Okay and no need to order for us Pa, just ask someone from there to get our food here and bring it there... sunod kami"
"Okay princess" nakangiting sabi ng papa niya na nasa may pinto na na kinukurot naman ang gilid nito ng mama niya na parang pinapagalitan.
"Coach!" Naiinis kong sambit.
"Bakit Kat?"
"You caught me off guard, I am not even prepared! You introduced me to your parents just by wearing a bathrobe?"
"It doesn't matter Kat, maganda ka pa rin kahit anong suot mo... come on let's hurry up, bihis na tayo ng hindi masyado maghintay sila mama at papa" grrrr namula nalang ako sa flattery niya, when will I ever gonna win against her?

Paparating pa lang kami sa resto ay nakaramdam na ako ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag... parang pinagpapawisan ako ng malamig at naramdaman siguro ito ni coach kaya hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa parents niya. Pagkaupo pa lang namin ay nakahanda na ang pagkain, nandoon na ang sandwich na kinuha ng waiter kanina sa room namin at nagsisimula ng kumain ang parents niya.
"Sorry mga iha 'di na namin kayo nahintay at nagsimula na kami" paumanhin ni tito.
"It's okay Pa"
"So nagrebelde ka sa amin ng papa mo for almost a year to pursue your love for the volleyball, ayaw mong tulungan kaming mag-manage ng business natin and this is what you'll do?" seryosong wika ng mama niya na hindi nakatingin sa anak dahil abala sa paghiwa ng bacons at pancakes niya. "Paano if malaman ito ng school ninyo? Ipapahiya mo ang pamilya natin? When are you going to grow up and take responsibility Regine ha?" sh!t, I don't like to be a part of this conversation... pwede bang umalis? Parang nawalan ako ng ganang kumain kahit nagugutom na ako.
"Ma, nag-iingat naman kami eh"
"Nag-iingat? By sharing it sa social media?"
"They won't know who I am with naman Ma eh"
"As for now, paano 'pag tumagal na? Reg baka nakalimutan mo, walang sekreto ang hindi nabubunyag. So what I wanted you to do, if you want to continue this relationship with your student is to quit coaching their team and help us run our business. Malaman man ng iba eh wala tayong problema." Oh no, but I wanna be with coach everyday but her mom has a point naman.
"But Ma" pagtutol ni coach.
"Your mom is right and we are not against your relationship princess, I am glad na makita kang masaya ngayon pero hindi magandang tingnan na you are dating your student, if you are working with us, hindi ito masamang tingnan sa mata ng lipunan"
"But I promised the girls na tulungan silang makamit ang championship Ma and Pa, alam n'yo kung gaano ko kaayaw ang mag break ng promise... so can you at least allow me to fulfill that promise? We'll be very careful." nagtinginan ang mama at papa niya at nag roll eyes ang mama niya sa papa niya while ako naman ay nakikinig lang at hindi pa nagagalaw ang pagkain.
"You and your spoiled daughter!" bumuntong hininga ang mama niya pagkasabi nito at sumubo ng pancake and ngumiti naman ang papa niya sa amin ni coach.
"At least something good came out of this relationship, makakapag-relax na kami ng mama mo soon" at ngumiti ulit ito.

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan after that conversation kahit wala pa akong kinakain, and the rest of the conversation went smoothly as they asked questions na to get to know me and my family.

My COACHWhere stories live. Discover now