Part 14

190 14 0
                                    

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta na ako sa bar para simulan na namang lunurin ang utak at puso ko sa alak. Magandang magsimula ng maaga para maagang hindi makaramdam ng sakit.
"Tequila po ba ulit ma'am?" tanong ni kuya pag kaupo ko pa lang.
"Opo kuya pero pwedeng hayaan mo lang po ako tonight? Huwag mo na akong sawayin and just let me be kuya please"
"Ma'am matutuwa sana ako dahil kikita kami sa iyo pero mali na po 'ata ang ginagawa mo ma'am, bata ka pa po, 'di ka pa nga ata allowed uminom eh. Hindi naman sa nangingialam ako kasi buhay mo 'yan ma'am pero tandaan mo po na ang alak ay hindi nakakatulong bagkus ay nakakasama pa ito lalo na sa katulad mo na maganda baka mapagtripan ka. Kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo ma'am harapin mo, huwag mong takasan o talikuran."
"Okay kuya, thank you po sa payo kaya please just for tonight hayaan mo ako kasi bukas haharapin ko na ang problema ko. At alam ko naman na pag nandito ako ay walang masamang mangyayari sa akin kaya nga dito ako umiinom lagi. Ngayon lang po, let me drink 'til I drop"
"Ikaw po ang bahala ma'am" sabay lapag niya ng shot sa harapan ko. Umalis siya at pagbalik niya ay naglagay siya ng nachos sa harap ko. "On the house po ma'am"
"Ay thank you po pero no need, add mo na lang po sa tab ko"
"Hindi na po ma'am free na po 'yan suki ka ba naman namin for three nights eh" at tumawa siya.
"Hehe thanks po and isa pa pong shot kuya. Request po, pwedeng shot after shot na lang para hindi na ako order ng order?"
"Sure po ma'am" at naglagay na naman siya ng shot sa harap ko.

Shot after shot nga ang ginawa ko at nagawa ko pang magdinner dahil nilagyan ako ni kuya ng baby back ribs sa harapan ko.
"On the house na naman po ba ito kuya?" pabiro kong tanong sa kanya.
"Ah hindi po ma'am pero kanina pa po kasi kayong umiinom at anong oras na po kasi kaya nangialam na po ako. Iyan po pala ang bestseller namin pero kung ayaw n'yo po ako nalang po ang kakain" napakamot siya ng batok habang nagpapaliwanag.
"Maraming salamat po kuya sa concern uhm pa add na lang din po ng iced coffee. Thank you po"

Nasa condition 'ata ang katawan ko ngayon kasi hindi pa ako tinatamaan kahit naka-ilang shots na rin ako after dinner but I know I could no longer drive going to Manila which is dapat ginawa ko na kasi may pasok ako bukas at sa malamang I won't be able to wake up din ng maaga kaya absent na naman ako nito. I might just rest na lang muna bukas 'pag nakauwi na ako at sa Wednesday na lang papasok.
"Kuya I'll pay na po" at inabot ko sa kanya ang card ko.
"Uy ma'am uuwi na po kayo? Akala ko ba until you drop? Hehe. Pero okay na rin 'yon ma'am hindi magandang tingnan sa babae ang ganon. Gusto mong itawag kita ng taxi?"
"Hindi na po kuya malapit lang naman sa amin and I think I can drive pa naman"
"Okay po ma'am drive safe and ito na po ang receipt at card ninyo"
"Thank you po kuya" pagkabalik ko ng card ko sa wallet ay naghanap ako ng cash na ibibigay kay kuya na tip for his good service but buong five hundred pesos lang ang cash ko kaya ito na lang ang inabot ko sa kanya "and here po, thanks for taking good care of me sa uulitin po"
"Ah ang laki po n'yan ma'am, no need na po ma'am" at sinauli niya sa akin ang pera pero hindi ko na ito tinanggap at tumayo na ako pero biglang umikot ang paligid ko at nag blackout na naman ako.

"What are you doing to yourself Kat" narinig ko ng maalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng basa sa mukha ko. "Hindi ka na pumapasok at lagi ka pang lasing" pinupunasan ng basang bimpo ang mukha ko. Hindi pa magregister ang boses ng nagsasalita kaya sinubukan kong imulat ang aking mga mata.
"Co-coach?" nabigla ako sa aking nakita at napaupo at napahawak ako sa ulo ko dahil umikot na naman ang paligid ko.
"Huwag kang bumangon at baka mahilo ka ulit" halata sa boses niya ang pag-aalala as she pushed me down gently pabalik sa bed at tinuloy ang pagpunas sa mukha ko.
"Coach" nananaginip ba ako? Pinaglalaruan ng alak ang utak ko? Or sobrang miss ko lang siya kaya nakikita ko siya? Inabot ko ang kanyang mukha at hinaplos ito na puno ng pagmamahal at pangungulila and it felt so real. "I love you coach... I miss you... so much" at naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha.

My COACHWhere stories live. Discover now